HM62: Argumento

1860 Words

----- ***Vienna's POV*** - Nang mapagod na ako sa paglalangoy sa pool, napagpasyahan kong umahon na. Lumapit ako sa sun lounger kung saan nakalagay ang aking roba, isinuot ito, at kinuha ang baso ng orange juice mula sa mesa. Habang iniinom ko ito, napansin kong papalapit sa akin si Emanuele. “Nagkita na ba kayo ni Dylan?” agad niyang tanong nang makalapit siya. Tumigil ako sa pag-inom at ibinalik ang baso sa mesa bago ko siya sinagot. “Bakit? Nagreklamo ba siya sa’yo tungkol sa kotse niya?” tanong ko nang kaswal, pilit itinago ang matinding galit na muling sumiklab sa loob ko nang marinig ko ang pangalan ni Dylan. “No. He actually asked me about you.” Bahagya akong napaatras sa narinig ko, pero agad kong naalala ang isang bagay na nagpatindi sa aking kuryosidad. “May problema ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD