------ ***Vienna's POV*** - Wala akong ibang gustong gawin habang nagkakatitigan kami ni Dylan kundi kunin ang baril ko at kitilin ang buhay niya sa sandaling ito. Pinipigilan ko ang sarili ko nang todo dahil alam kong hindi pa ito ang tamang panahon para magtuos kaming dalawa. Habang nakatitig kami sa isa’t isa, inasahan kong makikita sa kanyang mukha ang pagkagimbal at pagkagulat—ang hindi niya inaasahang realidad na buhay pa ako. Ngunit kabaligtaran ang nangyari. Sa halip na matigilan o magpakita ng alinmang emosyon, kunot-noo niya akong tinitigan, na para bang hindi niya ako kilala at pilit inaalala kung sino ako. Hindi ko alam kung totoo ang reaksyong ito o kung nagkukunwari lamang siya. Pero pinili kong pakalmahin ang sarili ko. Totoo man o hindi ang ipinapakita niyang kilos, an

