------- ***Vienna's POV*** - "What did you say?" tanong ni Dylan, ang mga labi'y bahagyang nakabuka, at ang boses ay puno ng pagtataka at galit. Tumalim ang titig niya sa akin kaya mas lalong tumindi ang takot na naramdaman ko, ngunit kailangan kong labanan ito. Kailangan kong maging matibay at balewalain ang galit niya. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi niya ako kayang takutin ng basta't-basta lang. Huminga muna ako ng malalim, pinilit kalmahin ang sarili ko, at saka ako nagsalita muli, kahit na nararamdaman ko ang takot na dahan-dahang umaabot sa aking mga paa. "I am your wife," sagot ko, na may matinding tapang sa kabila ng kabog ng aking puso. "Wala akong pakialam," galit niyang sagot, ang boses ay matalim at puno ng galit. "I don't let anyone tell me what to do." "I am y

