--------- ***Vienna's POV*** - Takot na takot na naman ako sa narinig, pero naging kuryoso naman ako sa mga bagay na tungkol kay Dylan Saavedra. Gusto kong malaman ang ilang bagay tungkol sa kanya, at hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng ganito. Sa kabila ng takot, may isang bahagi sa akin na nais makilala siya ng mabuti, lalo na sa mga bagay na hindi ko pa alam tungkol sa kanyang buhay. "Wala ba siyang anak?" hindi ko napigilan ang magtanong, kahit pa nanginginig pa rin ang boses ko. "Sa tingin mo ba, isang katulad niya na may mapanganib na buhay, gustong magkaroon ng anak? Having a child is not on his list of things he wants to do in life, if he even has a list of things to do. He doesn't want his life to be bothered with a child," sagot ni Javier, na nagpalunok sa akin. Ang m

