-------- ***Vienna's POV*** - Tahimik akong naupo sa table na pinili ni Emanuele sa isang restaurant malapit sa airport. Ang triplets ay naupo sa harapan ko—si Grayson sa gitna, si Garreth sa kanan, at si Gunner sa kaliwa. Kasama din namin ang yaya ng mga anak ko at ang bodyguard nilang tatlo. Ang mga ito ang kasama ng mga anak ko na pumunta dito sa Pilipinas. Si Yaya Helen ay ang nag- aalaga sa mga anak ko simula pa nung isinilang ko ang mga ito. Isa syang Filipino na dinala ni Emanuele sa Italya para maging kasama ko. Kaya marunong magsalita ng Tagalog ang mga anak ko dahil sa kanya. Si Colt naman ay isang ex- militar, kinuha para maging personal tagapagtanggol sa mga anak ko. Dalawang taon na siya sa kanyang trabaho. Katabi ko si Emanuele na panay ang sulyap sa akin, marahil ay h

