------- ***Vienna's POV*** - Maaga akong nagising kinabukasan. Halos hindi ako nakatulog nang maayos matapos ang sinabi ni Emanuele kagabi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga mata ng triplets—puno ng pananabik, pagmamahal, at pag-asa. Napahawak ako sa dibdib ko, ramdam ang bigat na hindi ko maipaliwanag. Mula pa noon, talagang malamig na ako sa mga anak ko. Pero babaguhin ko na ngayon. Gusto kong magsimulang bumawi sa kanila. Huminga ako nang malalim bago bumangon. Hindi ko alam kung paano magsisimula, pero isang bagay ang sigurado ako—ayaw kong dumating ang araw na hindi na nila ako hanapin. Ayaw kong dumating ang oras na hindi na nila ako mahalin. At dahil hindi ako sanay sa malalaking hakbang, magsisimula ako sa isang simpleng bagay. Cookies para sa triplets. Nasa kusi

