----- ***Third Person POV*** - Habang nakaupo sa kama ng ospital, nakatitig si Garreth sa Uncle Emanuele niya, na kasalukuyang nakikipag-usap sa doktor tungkol sa kondisyon niya. Pero hindi ang pinag-uusapan nila ang iniintindi ni Garreth. Isang salita lang ang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya. "Dylan." Narinig niya ito mula sa Uncle Emanuele niya nang kausap nito ang mama niya. Hindi siya sigurado kung sino ito, pero sa paraan ng pagkakabanggit nito, alam niyang may kinalaman ito sa kanilang magkakapatid. At sa malamig na pakikitungo sa kanila ng mama nila, isang bagay lang ang naisip niya— ang Dylan bang ito ang dahilan kung bakit hindi sila mahal ng mama nila? Pagkatapos mag- usap ng Uncle Emanuele niya at ng doctor, inayos na nito ang mga gamit niya para makaalis na s

