CHAPTER 7 Sia's POV "You are the chosen knight guardian, Alessia." "You are the chosen knight guardian, Alessia." "You are the chosen knight guardian, Alessia." Nagpaulit-ulit ito sa utak ko na parang sirang plaka. Naipilig ko na lamang ang ulo para matanggal ang isipin na ito at itinuon sa field kung nasaan kami ngayon. Pagkatapos n'yang sabihin 'yon ay napuno ng gulat, tuwa, o di kaya ay reklamo ang silid. Masyado akong overwhelmed para tingnan pa kung ano ba ang reaksyon nila sa mga iyon. "Ito ang training field, Alessia. Dito idinadaos ang lahat ng pagsasanay o laban n'yong mga guardian," sabi ng propesor na nagpakilalang Baller kanina. Napabalik ako sa wisyo dahil sa sinabi n'yang iyon at napataas ng tingin. Doon ko napansin na sa akin na nakatutok ang atensyon n

