Cruzette's POV "Because she's one of us..." Napuno ng singhap ang lugar. Bago pa man kami makakontra ay nakapasok na ito sa portal at iniwanan kami. "N-Naguguluhan ako..." Napabaling ako kay Elle ng magsalita ito. Ipinilig niya ang ulo at tumango nang makitang nakatingin ako sa kaniya. Nagsimula na siyang umapak sa portal at iwanan kami. "Tara na, Sia," aya ni Rhie at hinila ito patungo sa portal. Hindi na s'ya kumontra pa at hinayaan ang sariling higupin noon. I don't understand... Hindi ba dapat ay nasa Licht na siya kung totoong isa s'ya sa amin? Napailing na lang ako at humakbang papasok ng portal. "Bahala na..." Pagkalapag ko pa lamang ay nagulat ako sa tumambad sa amin. Si Darius! Agad ko itong nilapitan at hinawakan. "Anong nangyari sa'yo?" Iginala ko ang tingin sa kan

