Chapter 9: The Great Holy War

3035 Words
Sia’s POV “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko kay Rhie habang patuloy ako nitong hinihila. Kung hindi lamang dahil sa nakakailang na presensya ni Darius at ang matatalim na tingin ni Cruzette ay hinding-hindi ako sasama sa kan’ya. “Hays, hindi ka pa kasi natuturuan kung kaya’t hindi mo pa magamit ang mental telepathy.” Tiningnan ko lang ito na tila di makapaniwala sa kan’yang sinabi. “Mental telepathy? Like pag-uusap gamit ang isip? Legit ba ‘yon?” Tinaasan lang ako nito ng kilay at humalukipkip sa harapan ko. “Oo kaya sismars, duh.” Inirapan pa ako ng bruha pagkatapos sabihin iyon. Napairap na lang din ako habang pinipigilan ang sariling sabunutan ito. Minsan hindi ko siya maintindihan. Hindi… Lahat pala sila. “Nandito na tayo…” Pinagbuksan n’ya ako ng pintuan kung nasaan ang silid namin. Nakabukod ito mula sa iba at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang special treatment para sa kanila. “Sa ATIN Alessia. Kasama ka rito kung kaya’t i-belong mo na rin ang sarili mo sa tuwing mapupunta dito.” Napamaang ako dahil sa sinabi niya. “Paano mo—“ Hindi pa ako tapos sa sasabihin ng sumingit na ito. “Hep! Hindi ko binasa ang nasa isip mo. Halata lang sa mukha mo.” Nakasimangot pa ito habang sinasabi iyon. “Isa pa…” Pumikit ito na tila nagco-concentrate ngunit napailing rin kinalaunan. “Hindi ko mabasa ang nasa isip mo. Ang alam ko ay marupok pa ang barrier ng mga baguhan, lalo na kapag may lahing mortal. Iyong sa’yo lang talaga ‘yong hindi ko mabasa.” Lumingon-lingon pa ito sa paligid bago lumapit sa aking tenga at saka bumulong. “May itinatago ka ba, Alessia?” Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo dahil sa itinanong nito. Magsasalita sana s’yang muli ng may bastos na dumaan sa mismong gitna namin. “Magsisimula na ang klase, natanaw ko na si Prof. Yanni kanina. Mamaya na kayo magchikahan at nakaharang pa kayo sa daan,” pabalang na sagot n’ya at naupo sa isang silya sa gilid. “Hmmmp, sungit…” bulong ng katabi ko. Hindi ko na ito pinansin at hinila patungo sa dalawang bakanteng upuan sa harapan. “Good afternoon everyone. Nandito na ba lahat?” Bungad na tanong ng propesor habang sinusuri ang mga bakanteng upuan dito sa tabi. Napailing ito at saka pumikit na tila nagco-concentrate. Ilang sandali pa ay hinihingal na tumakbo papasok si Darius dito sa silid. Nagkatitigan pa kami nito ngunit ako na ang unang nagbawi ng tingin. Hindi ko man tingnan ay alam kong ang upuan sa likuran ko ito pumuwesto. “Ayan okay na pala. Natanggap ko na rin ang excuse letter para kay Princess Cruzette, maging ang kay Gunther na ngayon ay kausap ni Dean Peter ngayon.” Sa isang pitik nito ng daliri ay nawala ang classroom at nalipat kami sa isang madilim na lugar. “Mukhang may bagong salta dito ah…” Hahanapin ko pa lang sana kung saan ito nagmumula nang bigla itong lumitaw sa mismong harapan ko. Dahil sa reflexes ay awtomatikong lumipad ang kamao ko patungo sa kan’ya. Mabuti na lang ay nasalo n’ya ito bago pa man tumama sa kan’ya. “Magaling hija. Mabilis ang reflexes at matalas ang isip at atensyon mo sa paligid. Isa sa kailangang quality ng mga chosen guardian.” Nginitian ako nito bago muling bumalik sa harapan. “Since may bago, magpapakilala ako.” Tumikhim ito bago muling nagsalita. “I’m Professor Aryanni, but you can call me Prof Yanni. I’m your history teacher for this year. My special ability, as you can see is controlling illusions.” Iginalaw nito ang kamay at may iba’t-ibang imahe na nabuo sa aming harapan. “Last but not the least…” Sa isang kumpas ng kamay ay nabuo ang 6 pointed star. Isang simbolo na matagal ko ng hindi nakikita. Ang Star of David… Ang bawat sulok nito ay nagkakaroon ng iba’t-ibang ilaw, pagkatapos ay may nabubuong ilang simbolo sa katapat noon. “Ito ang star ni David. Ang pinagmulan ng ideya upang buuin ang mga susunod na mangunguna sa henerasyon na ito…” Iginalaw n’ya pa ang kamay at may malalabong mukha ang lumabas mula roon. “Ito ang mga unang guardian… Ang mga pinili upang panatilihin ang kapayapaan sa parehong mundo.” Unti-unting lumilinaw ang ilang mukha hanggang sa mapatitig ako sa isang nakaagaw ng aking atensyon. “H-Hindi ba—“ “Ikaw po ay isa sa mga ‘yan, hindi ba Prof?” Singit ni Darius sa usapan. Napatingin ang guro doon at marahang ngumiti sa kan’ya. “Tama ka… Isa nga ako sa anim na napili upang protektahan ang parehong dimension at pigilan ang kasamaan.” Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakita ngunit pansin ko ang paglungkot ng mga mata n’ya. “At ito ang dahilan kung bakit narito ako ngayon. Upang ituro at ipakita sa inyo ang mga pangyayari ilang libong taon na ang nakakaraan. Ang simula kung bakit kinailangan mabuo ang grupong ito upang itama ang mali at ihanda ang sarili upang hindi na magkaroon muli ng giyera…” Nagtama ang mga mata namin habang dahan-dahang kumurba ang maliit na ngiti sa labi nito. “Ang simula ng ‘The Great Holy War’”. Lalong dumilim ang paligid at hindi ko na sila makita. Unti-unting nagkaroon ng liwanag hanggang sa may nabuo itong mga imahe. “Sa simula, gumawa ang Bathala ng mundo kung saan mamumuhay ang iba’t ibang nilalang.” Para kaming nanonood ng palabas dahil isa-isang ipinapakita rito ang mga nilalang na tinutukoy n’ya. Mga iba’t-ibang uri ng anghel, hayop at kalaunan ay ang pagkabuo ng tao. Mabilis na lumipat ang scenario at napunta sa isang hindi kaaya-ayang eksena. Ang mga tao ay nakikipagniig sa hayop at ang kanilang naging supling ay hindi makatao. “Hindi ito nagustuhan ng nasa itaas dahil nagbunga ito ng ibang nilalang na bunga ng kanilang kasalanan. Ang mga nilalang ng dilim na kinatatakutan ng mga mortal, maging natin dahil sa angkin nilang itsura at lakas.” Ipinakita dito ang pagkakabuo ng mga aswang at ibang engkanto na hindi ko rin alam ang pangalan. “Dahil sa kasakiman ng ilan at paghangad ng higit na kapangyarihan, nagkaroon ng pag aaklas kung saan nahati ang mabuti at masama.” Sunod na ipinakita ang dalawang panig na halatang hindi magkasundo ang isa’t-isa. “Nagkaroon ng giyera o tinatawag na “Great Holy War“. Laban ng mga sugo ng langit sa mga tumiwalag sa kanila, na tinatawag natin na demonyo at ilang mabababang uri tulad ng mga aswang at engkanto.“ Ang sumunod na eksena ay naging masaklap dahil sa pagiging madugo nito. Ang mga anghel at demonyo, ang mga tao at ibang nilalang ay naglalaban para lamang sa iisang hangarin. Ang manalo sa labanan at h’wag hayaan ang kabilang panig na manaig sa laban. “Hindi natuwa ang Bathala sa nangyayari, kung kaya’t inutusan nya si Noah na gumawa ng arko at iligtas ang pili lamang na buhay sa mundo. Nagkaroon ng malaking unos na tumapos sa buhay ng marami, ngunit dahil sa may kakaiba sa kanilang dugo ay may nakaligtas pa rin sa mga kakaibang nilalang na ito.” “Pinili ng Bathala na paghiwalayin sa ibang dimension ang mga nilalang upang makapamuhay ng maayos ang kanyang lalang na mga tao. Ito ay tinawag na Dimetiri Welt o Dimension World.” Sunod na ipinakita ang pagsarado ng portal at pagbubukod sa mga tao at sa mga nilalang na may kakaibang kapangyarihan o kakaibang kakayahan. “Dahil sa nangyari at upang mas maging handa kung magkakaroon muli ng gyera, nagpatayo ng eskwelahan ang mga kasapi ng labanan noon. Itinatag ang Caelum Academy para sa mga anghel, may lahing anghel o kahit sinong kakaibang nilalang na may kakaibang kapangyarihan na gagamitin para sa kabutihan. Sa kabilang banda, itinayo sa kadiliman ang Daemon Academy, lugar upang mas palakasin ang pwersa ng kasamaan at ipakalat muli sa mundo.” Nag-play sa harapan ang larawan ng Caelum Academy kung nasaan ako ngayon. Mala-paraiso ito sa ganda at nababalutan ng mga mamahaling dyamante at ginto ang pinaghalong puti, asul at silver nitong kulay. Sumunod na ipinakita ang isang eskwelahan na ngayon ko lamang nakita. Kabaliktaran ito ng Caelum dahil sa madilim na kulay na bumabalot rito. Isang tingin pa lang ay halata mo ng kuta ito ng mga demonyo dahil sa nagbabaga nitong lupain sa ilang banda na katulad ng sa impyerno. Napuno ng singhap ang buong lugar. Ang pinaka-malakas ay ang kay Darius na hindi makapaniwala dahil sa Daemon Academy ito napadpad kanina. Nagpatuloy sa pagkukwento ang guro at sunod na ipinalabas ang dalawang tao. Isang babae at lalaki na hindi gaanong kita ang mukha. “Ang isang arkanghel na si Ayesha, isang direktang sugo ng Bathala ay nagmahal sa isang kampon ng dilim, isang nasa mataas na katungkulan na anghel na nakasama sa ipinatapon sa kadiliman. Ang pagmamahalan nila ay nagbunga, at ito ang Elita ‘The Chosen One‘.” Tila may bumundol sa aking dibdib ng marinig ang mga katagang iyon. “E-Elita?” Hindi mapigilang tanong ko. Marahan itong tumango at ipinakita ang isang sanggol na isinilang ng mga ito. Hindi kita ang kan’yang mukha ngunit ang pag-iyak nito ay dinig sa buong silid. “Walang nakakaalam kung sino ang naging anak nila at kung nasaan man ito ngayon…Noon lang rin naming nakumpirma ang tungkol sa existence n’ya dahil sa propesiya.” Muling nagdilim ang scenario hanggang sa may tatlong tao ang lumitaw sa harapan. “Ang mga kagalang-galang na seer. Ang tatlong kambal na biniyayaan ng kapangyarihan mula sa itaas na ipakita sa atin ang hinaharap. Sina Mori, Nori at Imari…” “Pagtuntong ng tamang panahon, isang giyera ang sa mundo’y muling hahamon. Ang itinakdang Elita upang iligtas ang sanlibutan, maaaring maging dahilan para sirain ang buong kaharian. Ang Elita ay hanapin, ingatan. Isang maling galaw lang at tiyak na ang pagkasira ng sanlibutan.” Muling dumilim ang paligid hanggang sa unti-unti na kaming nabalik sa pamilyar na silid. Ang classroom na pinasukan naming kanina. “Ang astig…” bulalas ni Rhie sa tabi. “Sa tagal kong naririnig ang kuwentong iyon, ngayon lang ako ginanahang making at matuto…” Nakangiting sambit ng babae. Napansin nitong nakatingin ako sa direksyon n’ya kung kaya’t napairap ito at muling ibinalik ang tingin sa harapan. “H-Hindi…” Nabaling ang atensyon ng lahat kay Darius na napatayo sa kinaupuuan. “N-Nakausap ko ang ilan sa tiga Daemon kanina… Palagi nilang binabanggit ang Elita. Sinasabi nilang—“ “Nasa atin daw ang Elita at isa sa misyon natin ang hanapin s’ya at h’wag hayaan na mapunta sa kamay nila,” dugtong ng bagong dating sa usapan. “Oh nakabalik ka na pala, Gunther. Sige at umupo ka,” alok ng propesor sa kan’ya. “Salamat po. Kanina pa rin ako nandito at nanonood sa inyo.” Nagtungo ito sa harapan at sinuri isa-isa ang tao sa lugar. Nagtagal ang titig nito sa akin at iiling-iling na ibinaling muli ang atensyon sa lahat. “Nakausap ko si Dean at ibinahagi n’ya sa akin ang kaganapan sa konseho kanina.” Gunther’s POV “Dean, ipinatawag n’yo po ako?” Tinanguan lang ako nito bilang sagot at iginiya ang upuan sa harapan n’ya. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nagkausap na ang mga miyembro ng konseho dahil sa mga nangyayaring kaganapan ngayon.” Napabuntong hininga ito bago tumitig sa mga mata ko. “Nandito ang Elita, Gunther.” Napamaang ako sa sinabi n’ya. “Talaga? Sino s’ya?” Ramdam ko ang excitement habang iniisip kung sino ang posibleng Elita. Siya ang matagal na naming hinahanap ayon sa propesiya. Siya ang makakatulong sa amin na panatilihin ang kapayapaan sa parehong dimension upang hindi na maulit ang dati. Umiling lang s’ya bilang sagot na ikinataka ko. “Gumagawa na rin ng mga hakbang ang kabilang panig upang bawiin s’ya mula sa atin,” dugtong n’ya pa. “Sino s’ya?” Sinenyasan n’ya akong lumapit na agad kong sinunod. Hinawakan nito ang aking noo at ipinakita ang pigura ng isang babaeng may itim at puting pakpak. Nakatalikod ito at ang palatandaan lamang sa kan’ya ay ang kan’yang balat na kulay pula sa likuran. “Iyan ang palatandaan upang mahanap n’yo s’ya. Walang nakakaalam kung sino, pero alam naming nasa malapit lang s’ya dahil na rin sa kakaibang ikinikilos ng kabila.” “Naiintindihan ko, Dean. Ako na ang bahalang magbalita sa kanila. Kailangan na rin silang ihanda sa nalalapit na celestial opening.” Tumango ito at kumaway hanggang sa tuluyan na akong nakalabas ng silid. May mga estudyante akong natatanaw habang dumadaan sa field. Nasa anyong tao pa ang lahat para na rin hindi mabigla ang bagong salta noong selection. Speaking of selection… Napailing ako habang pumapasok sa isipan ang itsura ng bagong salta sa mga chosen. Si Alessia… “Iyon lamang ang napag-usapan namin ni Dean. Isa pa ay nalalapit na ang eclipse. Hudyat ito ng simula kung kalian magbabagong anyo na ang lahat kung anong klaseng nilalang talaga sila kabilang. Wala ng paga-adjust para sa mga bago para lamang magkubli sa tao nilang itsura.” Kita ko ang pag-irap ni Alessia habang nakikinig sa sinasabi ko. Napangisi ako dahil doon. “Kung hindi ako nagkakamali ay sa susunod na buwan na iyon. Magsisimula na rin tayo ng training kung paano gamitin ang ating mga armas na karapatdapat sa atin…” Nilapitan ko ang tao sa aking harap na kita ang pagkuyom ng kamao habang ako’y lumalapit sa kan’ya. “P’were sa’yo, Alessia…” bulong ko sa tainga n’ya. Hindi ko naiwasan ang sunod na ginawa n’ya. Mabilis n’ya akong inatake ng suntok na hindi ko naiwasan dahilan para mapatumba ako sa lapag. “A-Ano!” gigil na saad ko. “Ano rin! At ano ang sinasabi mong para sa karapatdapat? Sinabi sa akin ni Rhie na kabilang ako rito, at malinaw sa isipan kong pinili ako ng espadang iyon!” sigaw n’ya sa akin. “Pinili ka lang, ngunit hindi ibig sabihin noon na hindi mo paghihirapan makuha ang titulo bilang guardian. Hindi simpleng laro ang pinasok mo at kung hindi mo rin naman kayang panindigan ay mabuti pang umalis ka na lang.” Pinal na saad ko rito. Napasinghap ang katabi n’yang si Rhie na tinataliman ako ng tingin. “Bago ka pa lang at hindi mo alam ang katungkulan kung ikaw ay isang knight. Hindi ito nababagay sa katulad mong…” Sinuri ko ito mula ulo hanggang paa at saka ito nginisian, “babae lang.” Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin at sa muling pagharap ko ay nagmamartsa na ito palayo sa silid. “Oh my… What the hell, Gunther?” bulalas ni Rhie. Hinawakan pa ito ni Darius sa damit para lang mapigilan sa pagsugod sa akin. “Nagsasabi lang ako ng totoo, Rhie. Alam mong wala pang babae ang naging Knight dahil sa bigat ng tungkulin nito. Isa pa…” Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita. “Isa lamang ang maaaring maging Knight sa atin, at ako iyon. Napili man s’ya ng espada ngunit hindi iyon matibay na basehan para ibigay sa kan’ya ang titulo ng hindi pinapatunayan ang sarili n’ya.” “Tama s’ya, Rhie,” singit ni Elle sa usapan. “Bagong salta pa lang si Alessia dito. Wala pa s’yang napapatunayan bukod sa mga kumakalat na balita na p*******t at pagdisrespeto n’ya sa atin, sa guro, kay Dean at maging sa ibang estudyante rito.” “Iyon na nga e. Bago pa lang s’ya pero iyong mga ginawa sa kan’ya rito ay hindi rin maayos. Nai-bully s’ya ng estudyante, napilitang isabak sa unang misyon kahit wala pang alam at higit sa lahat…” Nanlilisik ang mata nitong tumingin sa akin. “Halos kalahating taon s’yang nakaratay dahil sa hindi makatarungang pagsaksak mo sa kan’ya gamit ang iyong sandata.” Inirapan ako nito at muling hinarap si Elle na nakahalukipkip sa kan’ya. “Dapat lang sa kan’ya iyon. Palibhasa ay wala ka noon nang itapon n’ya si –“ Pinanlakihan ko ito ng mata dahilan para matigil s’ya. “Puro kayo sisi! Bakit ba hindi n’yo makita na mas okay s’ya kumpara sa plastic mong girlfriend ha?!” sigaw nito. Agad koi tong hinila at madiin na hinawakan sa braso. “Anong sabi mo? H’wag mo s’yang tatawaging plastic dahil lang sa kabaitan n’ya sa inyo!” bulyaw ko rito. “Masyado ka kasing nagpapabulag sa kan’ya! Hindi n’yo alam ang totoo! Hindi hamak na mas totoong tao si Sia kumpara d’yan sa pinagtatanggol mo!” Dumilim ang tingin ko rito at mas ibinaon ang aking kuko sa kan’ya. “Aaah!” daing nito habang pilit nagpupumiglas na makalayo s aakin. “Gunther, bro. Tigilan mo ‘yan. Babae pa rin si Rhie,” awat ni Darius ngunit tinabig ko lang ang kamay nito. “Sigurado ka bang isa kang nephilim? Anak ng anghel? Sa ikinikilos mo nitong mga nakaraang buwan ay pinagdududahan ko na iyang pinagmulan mo na ‘yan!” giit n’ya pa. Nanlilisik ang mata nito habang dahan-dahang humahaba ang kan’yang kuko. Ibinaon n’ya rin sa braso ko ang isang kamay na hindi ko nahawakan kanina. Ang kan’yang mata ay naging kulay intense brown habang may ilang balahibo ang lumalabas sa kan’ya. “Pagsisisihan n’yong lahat ito na hindi kayo naniwala sa akin!” sigaw n’ya. “Oh hindi… Ginalit n’yo ang mulawin…” mahinang usal ni Darius sa tabi n’ya. Ramdam ko ang pagbaon ng kan’yang kuko sa aking lama dahilan para magdilim ang paningin ko. Malakas ko itong ibinalya at nai-summon ang aking espada. Mabilis n’ya itong naiwasan at inilabas ang kan’yang pana. Magkatapatan kami ng armas. Walang kahit sino ang gustong sumuko sa laban. “Sabihin mo na ang lahat pero h’wag mo lang s’yang sisiraan sa harapan ko.” Pagak itong tumawa sa tinuran ko. “H’wag mo ring pagkaisahan at laitin si Alessia sa harapan ko. Pagsisisihan n’yo…” Matalim ang tingin naming sa isa’t-isa. Tatamaan ko na sana ito ng pabalibag na bumukas ang pinto na nagpatigil sa aming dalawa. “EVERONE, GO TO DETENTION ROOM, NOW!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD