Darius’ POV
“Holy Sh—“ malakas na bulalas ni Elle.
Holy sht talaga!
Ang dami nila!
Dahan-dahan akong napaatras at dumikit sa kanila. Nakaporma kaming bilog upang protektahan ang isa’t-isa.
“Anong gagawin natin?” tanong ni Rhie.
“Kasalanan mo ‘to! Kanina pa pala nakababa ang harang ngunit hindi mo sinasabi sa amin! Nagmukha tayong tanga pag-iingat pero kanina pa pala nila tayo inaabangan!” sigaw ni Elle kay Cruzette. Hinila ko palayo sa kaniya ang prinsesa at pumagitna sa kanila.
“Tumigil ka, Elle. Huwag mong pagsalitaan ng ganiyan ang prinsesa,” banta ko sa kaniya.
Tumawa ito ng pagak at itinapat sa akin bolang apoy na nasa kaniyang palad. Mas pinalaki niya ito at idinikit malapit sa mukha ko.
“Masiyado mo siyang pinagtatanggol! Hindi ka naman ganiyan noon! At sa pagkakaalam ko ay hindi naman siya ang gusto mo kung hindi si –“ naputol ang sasabihin nito ng pumagitna si Sia sa usapan.
“Magsitigil na kayo at mamaya na mag-away! Ang daming nakaabang sa atin at si Gunther lang ang lumalaban!” bulyaw nito.
Nag-igting ang panga ko at tumalikod sa kanila. Hinarap ko ang sangkaterbang halimaw na sa amin ay nag-aabang. Nai-summon ko ang mighty hammer at sumigaw ng malakas.
“Hiyaaaah!” Pinaghahampas ko ng malaki kong armas ang bawat lumalapit sa amin. Lumilipad ang mga ito palayo sa tuwing tinatamaan ng malaking hammer na ito.
“Protektahan mo ako, Darius…” Malambing ang pagkakasabi ni Cruzette noon. Napangiti ako habang patuloy na tumatango. Ramdam ko ang pagkagana sa laban at pinagsusuntok ang bawat lumalapit sa amin.
Third Person’s POV
Nanatili sa puwesto si Rhie habang pinapagitnaan ng mga kasamahan. Naisummon niya ang kaniyang pana at palaso at pumormang aatake sa kalaban.
“Elle!” Tawag nito. Lumingon ang babae at tumango sa kaniya na parang naiintindihan ang sinasabi niya. Nag-chant ito ng spell at idinirekta sa hawak na armas ni Rhie.
Nagsimulang lumiyab ang mga pana ni Rhie kung kaya’t ngumisi siya ng nakakaloko. Hinila niya ang laso pababa at binitawan. Tumama ito sa isang manananggal na palapit sa puwesto nila. Wala ang kalahati ng katawan niya kaya’t kitang-kita nila ang lamang loob nito.
Mabilis ang paglipad ng pana at sinalubong siya. Huli na para makaiwas ang manananggal sa nag-aapoy nitong talim. Umapoy ang buo niyang katawan nang tumama ito ng direkta sa kaniya.
“Haaaaa!” hiyaw nito. Umaapoy ang kaniyang katawan habang mabilis na nahuhulog. Bago pa man ito lumapat sa lupa ay tuluyan na siyang naging abo.
Napatigil ang ilang halimaw sa kanilang harapan dahil sa nasaksihan. Napaatras ang ilan sa gulat ngunit karamihan ay mas nagalit at nagsialulong. Sabay-sabay ang mga itong umatake sa pwesto ni Rhie kung kaya’t mabilis rin ang pagtira ng pana nito sa kanila. Tatlong palaso ang tinitira niya upang mabawasan sila ngunit hindi nila kaya.
Masyado silang marami.
Sa kabilang banda, nakita ni Sia ang nangyayaring kaguluhan at hinugot ang kaniyang special knife na gamit pa niya sa mundo ng mga tao. Hindi niya pa kayang mag-summon ng sariling armas kagaya nila dahil hindi niya pa napapatunayan ang sarili sa mga ito. Pinili lang siya ng espada ngunit hindi pa siya opisyal na may ranggo para makuha ang dapat ay sa kaniya.
Mabilis itong humarang sa harap ni Rhie at pinagsasaksak ang bawat umaatake sa kaniya mula sa lupa. Hindi man siya lumingon sa likod ay alam niyang tumatango si Rhie na waring naiintindihan ang ginagawa niya.
Nakita iyon ni Elle at nag-cast rin ng spell upang mas maging fatal pa ang hawak niya. Bilang spell caster ay tanging pang-atake lang ang kaya niyang magawa. Ang pagsuporta sa kanila ay hindi niya pa gamay dahil ang kanilang dapat na support na si Cruzette ay nakatayo lang sa likod ni Darius habang pinoprotektahan siya ng binata.
Nanghihina na si Elle ngunit pilit niya pa ring tinatagan ang stamina habang umaatake rin sa iba. Ramdam niya ang pagkaubos ng mana ngunit hindi niya iyon iniinda dahil nasa gitna sila ng matinding laban.
Sa kabilang banda, mag-isang nilalabanan ni Gunther ang bawat umaatake sa kaniya. Sinasaksak niya ito gamit ang mahaba at malaking espada na siyang pumili sa kaniya.
“Eeek!” hiyaw ng tiktik ng maputol nito ang kaniyang dila. Bago pa man siya makatakas ay sinalubong ng katawan niya ang matalim na espada ni Gunther. Seryoso ang mukha nito habang suod-sunod na pinapatay ang bawat sumusugod sa kaniya.
Hindi siya natutuwa sa nangyayari ngayon. Mula pa kay Alessia na napilit silang dito dumaan sa gitna, maging sa prinsesa Cruzette na tila nagbago. Kay Darius na over-protective dito, at kay Elle na nakikipag-away sa ibang miyembro.
Mabuti na lang at sanay si Rhie sa mg labanang ganito dahil na rin sa bloodline nila. Palaging napapasabak sa labanan at giyera ang sundalo niyang ama kaya’t mulat siya sa ganito at hindi na kailangan ng proteksyon niya.
Nang maubos ang sumusugod sa kaniya ay tinungo niya ang puwesto nila Rhie at napamaang sa nakita.
Sunod-sunod ang paglabas nito ng lumiliyab na palaso patungo sa mga sumusugod sa kanila. Bago pa ito makarating sa kaniya ay naabo na ang mga ito. Nasa gilid niya si Elle na patuloy sa pagsuporta sa kanila at pag-cast ng mga spell upang protektahan sila at ipatama sa mga iba.
Sa kanilang harapan ay si Sia na walang habas na sinasaksak at, sinusuntok at sinisipa ang bawat lumalapit sa kanila. Mabilis ang kilos niya na tila bihasa sa pakikipaglaban. Walang makalagpas sa kaniya dahil bago pa man ito makatakbo ay hinahabol niya ang mga ito at inuundayan ng saksak dahilan para umusok ang mga ito at mawala.
Madami na ring dugo ang nasa damit niya dahil sa sobrang dami ng nilalabanan kanina pa.
“Elle, tigilan mo na ang pagsuporta. Nanghihina ka na…” Marahang sabi sa kaniya ni Rhie. Umiling lang ang babae at mas itinodo ang binibigay na suporta sa kanila.
“A-Ang pendant…” mahinang bulalas ni Sia. Dahan-dahan silang napatingin sa pendant nila at nakita ang paghahalo ng kulay lila rito.
Ang kulay ni Elle…
Ngunit hindi iyon ang mas nakakagulat, kung hindi ang paghahalo ng kulay itim doon.
Mabilis na natuon ang tingin nila sa suot na pendant ni Elle at nakita ang unti-unting pagkalat ng kulay itim rito.
“Tama na!” Itinulak siya ni Rhie dahilan para mawala siya sa konsentrasyon at mawala ang spell na nai-cast niya.
“T-Tulong… ang dami nila!” sigaw ni Sia habang patuloy na nilalabanan ang mga nilalang na umaatake sa kanila.
Marami na silang napatay ngunit marami pa rin ang natitira at tila hindi nauubos ang mga ito.
Bago pa makapunta si Gunther ay mabilis na sumaklolo si Darius upang tumulong sa kaniya.
Hinampas niya ang isang pangkat ng mga itim na duwende na sumusugod sa kanila. Nagsiliparan ang mga ito palayo at humampas sa mga patay na puno.
“Oh ‘di ba ang galing --- AH! H-Hindi ko maigalaw ang –“ Napatumba ito sa lapag kasama ng mighty hammer niya. Muntik na siyang matumbahan noon kung hindi lang ito napigilan ni Sia. Sobrang bigat nito kaya’t hirap rin ang dalaga para iiwas iyon sa kanila.
Buong lakas niya iyong itinulak at inundayan ng sipa ang papalapit sa kaniya.
“Darius!” sigaw ni Cruzette at mabilis na lumapit sa kanilang puwesto. Walang pagda-dalawang isip niyang inilapat ang hintuturo dito at nag-cast ng orasyon upang matanggal ang sumpa ng itim na duwende sa kaniya.
“Cruzette!” tawag ni Gunther at hinila ito patayo.
“Ano ba! Inililigtas ko si Darius!” galit niyang sigaw. Nanlilisik ang kaniyang mata ngunit dahan-dahang napaatras ng makita ang madilim na mukha ni Gunther sa harapan niya.
“Nasa peligro ngayon si Elle dahil sa paggawa ng dapat ay tungkulin mo tapos ano? Si Darius pa ang inuuna mo?! Ano bang nangyayari sa ‘yo!” sigaw nito sa kaniya. Hiniklat ni Darius palayo si Cruzette sa kaniya at tinitigan ito ng matalim.
“Huwag mong sigawan ang prinsesa ko!” Napamaang si Gunther sa inasta ng binata.
Matagal na silang magkasama at kahit kalian ay hindi siya naging ganito pagdating sa babae. Lalo na kay Cruzette na nito niya lang lagi nakakasama.
“Ano bang nangyayari sa inyo? Magtutuos tayo oras na makabalik tayo sa academy.” Delikadong banta niya at tinalikuran sila.
“Elle!” hiyaw ni Rhie ng mawalan ng mala yang dalaga. Mabuti at nasalo niya ito bago pa man siya bumagsak sa lupa.
“Masyado silang marami. Mukhang kanina pa nga sila nag-aantay sa atin…” ani Sia at malakas na bumuntong hininga. Kakatapos niya lang ibalibag ang lumapit sa kaniya. Napaatras ito habang unti-unting pinapalibutan na naman sila ng mga halimaw.
Magkakadikit na sila sa puwesto ng dumagundong ang lupa. Nabuwal ang ilang puno dahil sa tuloy-tuloy na pag-ugoy nito.
“A-Ano yon?” nahihirapang tanong ni Rhie.
Nasagot ang tanong niya ng natigil ang pagyanig ng lupa na nasundan ng malakas na sigaw na nagmumula sa isang malaking halimaw.
Mula sa isang kapre na umuusok pa ang bibig matapos humigop sa pipa.
Sumigaw muli ito dahilan para mapatakip sila ng tainga.
“Tapos na kayo, mga chosen!” Malakas nitong sigaw na dumagundong sa buong lugar.
Nagbunyi ang maliliit na halimaw sa baba niya at nagsi-atras upang bigyan siya ng puwesto.
Binunot nito ang isang malaki at natumbang puno at saka iwinagayway sa ere.
“Katapusan niyo na!” sigaw muli nito at umalulong.
“P-Paano na tayo…” Naiiyak na si Rhie habang hawak pa rin ang walang malay na si Elle. Nasa kalahati na ang kulay itim na bumabalot sa kaniyang pendant. Hindi rin mawari kung bakit hindi na gumagana ang healing powers ni Cruzette sa kaniya.
“Gunther, ano ng gagawin natin?” tanong ni Sia.
Hindi siya makapaniwala sa kapre na nasa harapan nila.
Itim ang buong katawan nito at kulay pula ang mata. Malaki rin ang nakuha niyang puno na inihanda upang ihagis sa kanila.
“Tabi!” sigaw ni Sia at pinagtutulak ang kasamahan palayo.
“Sia!” sigaw ng mga ito. Naiwan kasi siya sa puwesto at tinamaan nan g malaking punong kahoy bago pa man mailigtas ang sarili.
“Ang pendant!”
Nakita nila ang paghalo ng puti roon simbolo ng kay Sia. Ngunit hindi lang iyon…
Nagbi-blink ito na kulay pula hanggang sa unti-unting maging itim.
“Gunther! Ang portal!” pakiusap ni Rhie.
Napapikit ang lalaki habang iniisip ang dami ng possible nilang madala kung sakaling bubuksan niya ang portal.
“Si Elle at Sia!” hiyaw pa nito dahil para mapamulat siya.
Huminga ito ng malalim at nagsimulang mag-chant ng spell.
Nasa kalahati na siya at at unti-unti na ring nagkakaroon ng maliit na bilog sa harapan nila.
Bago niya pa man matapos ang spell ay natigilan ito dahil sa malakas na alulong ng kapre sa harapan nila.
May pana na nakatusok sa kaniya. Tiningnan niya ang katabi na mukhang nagtataka rin sa nangyari.
Hindi si Rhie ang may gawa noon.
Kung hindi siya, e ‘di sino?
“Iwanan niyo sila, ngayon din.” Utos nito.
Nagulantang ang mga chosen dahil sa pagsunod ng mga iyon sa kaniya.
Parang bula na nagsialis ang mga ito at walang natira upang atakihin sila.
“Sino ka?” tanong ni Gunther at akmang lalapit ngunit iniharang nito ang kamay.
“Huwag kang lalapit,” sigaw nito na nagpatigil sa binata.
Nababalutan siya ng malaki at itim na cloak. Hindi man kita ang mukha ay alam niyang babae iyon dahil sa kaniyang boses.
Hindi na nagpumilit si Gunther at tumigil ilang dipa ang layo sa kaniya.
“Maraming salamat sa iyo…” sabi niya at genuine na ngumiti.
“SIA!” hiyaw ni Rhie na nagpatigil sa binata. Nilingon niya ito at nakita sila Darius na nagtutulungan upang buhatin ang puno na nakadagan sa kaniya.
Sa muli niyang pagharap ay wala na ang babaeng tumulong sa kanila. Hindi niya iyon pinansin at mabilis na nagtungo sa kanilang direksyon. Tinulungan niya si Darius pagbuhat rito at nagtagumpay sila.
“H-Hindi…” bulalas ni Rhie at tuluyang napaiyak.
Duguan si Sia habang puno ng sugat ang katawan.
“Ang pendant niya…”
Ang kaniyang suot ay halos kulay itim na lahat. Kaunti na lang at tuluyan na itong mawawala sa kanila.
“Eeeek!” Naputol ang iniisip nila ng marinig ang tunog na iyon.
Isang malaki at itim na uwak ang umiikot sa puwesto nila habang patuloy sa paghiyaw.
“Eeeek!” ulit pa nito. Akmang papanain na ito ni Rhie nang harangin siya ni Gunther.
“Huwag…”
“Ngunit bakit?” Takang tanong ng dalaga.
“Iyan ang daan natin para makaalis dito.”
Tulala ang lahat dahil sa sinabi nito. Pare-pareho silang nakatingin sa malaking uwak na iyon na mas bumilis ang pag-ikot. Sa bawat ikot niya ay unti-unting nagkakaroon ng portal sa harapan nila.
Agad tumayo si Gunther at binuhat si Sia sa bisig niya.
“Tara na,” aya nito at naglakad patungo doon. Nakatigil na sa paglipad ang uwak at nag-aantay na pumasok sila.
“Baka patibong ‘yan,” singit ni Cruzette na nagpatigil sa kanila.
Tinawanan lang siya ng pagak ni Gunther at seryoso itong tiningnan.
“Bakit ito magiging patibong?” Ngumisi ito at mas lumapit sa b****a ng portal.
“Gayong si Alice mismo ang gumawa ng paraan para makapunta tayo sa kaniya.
--
“Maligayang pagdating sa aking sanktwaryo, mga piniling tigapagtanggol.” Bati ng isang babae pagkalabas nila mula sa portal.
Mahaba ang buhok nito at maputi ang buong katawan. Nakasuot rin ito ng kulay itim na gown katulad ng suot noong unang panahon.
Malaki ang ngiti nito habang sinasalubong sila… na agad ring nawala ng masilayan ang buhat-buhat ni Darius sa kaniyang mga kamay.
“Jarielle, anak!” tawag nito at mabilis na lumapit sa puwesto niya.
“Anong nangyari sa kaniya?” tanong nito gamit ang seryosong boses. Hinawakan niya ito sa noo at napailing.
“Mag-uusap tayo, mga hinirang. Hindi ko papalampasin ang nangyari sa aking anak.” Madiin niyang sabi habang matalim ang tingin kay Gunther.
Bumaba ang tingin niya sa buhat nito at nanlaki ang mata.
“Tulungan niyo rin po si –“
“Wala ng oras. Kailangan na niyang magamot agad.” Pigil niya sa sasabihin nito.
Nag-cast ito ng orasyon at unti-unting lumutang si Elle at si Sia patungo sa mahabang higaan na bigla na lang lumitaw sa harapan niya.
Sumipol ito at lumapit ang malaking uwak na kasama nila kanina.
“Ihatid mo sila patungo sa avian. Alam mo na ang gagawin sa kanila.”
“Eeeek!” sagot ng uwak at ibinuka ang malaki nitong pakpak.
Lumipad ito patungo sa Aviann habang nakasunod na lumulutang ang katawan ng mga babae.
Sa isang iglap ay nawala na rin siya sa harapan nila.
“S-Sila Elle at Sia…” Nanghihinang napadausdos si Rhie sa sobrang pagod na nararamdaman. Napapikit naman si Darius dahil sa pagkahapo.
Katahimikan ang bumalot sa buong lugar. Si Rhie ay nakatulog na at nakadantay kay Darius na hindi ininda ang pagkakadikit ng dalaga sa kaniya. Samantala ay malayo si Cruzette habang matalim na nakatingin sa direksyon nila.
‘Mang-aagaw,’ isip nito.
Kanina pa iyon napapansin ng naguguluhang si Gunther. Hindi niya maintindihan ang inaasta ng dalaga dahil hindi naman siya ganoon.
“Cruzette,” pagtawag nito. Naawat ang tingin niya sa dalawa at natuon sa lalaking tumawag sa kaniya.
Tikom ang bibig nito habang papalapit sa kaniya. Nang makarating sa puwesto niya ay inilahad ni Gunther ang kamay rito.
“A-Anong gagawin mo?” kinakabahang tanong ni Cruzette. Malikot ang mga mata niya, iniiwasan ang mapanuring titig ng kaharap.
“Nagbago ka na…” sambit nito na nagpatigil sa dalaga.
Napalunok ito bago hinarap ang binata, na agad niyang pinagsisihan.
Nang dumapo ang tingin niya sa kulay asul nitong mata ay tapos na ang lahat…
Tila siya nahihipnotismo habang nakatitig rito. Para siyang nakatingin sa dagat dahil sa parehong kulay nito.
“Sab—“
“Layuan mo siya!” Hinigit ni Darius ang kuwelyo ni Gunther at hinila palayo sa kaniya. Napapitlag si Cruzette sa gulat at mahigpit na yumakap sa bagong dating.
“Ano bang problema niyo? Galawin niyo na ang lahat huwag lang ang prinsesa ko!” sigaw niya. Nanlilisik ang mga mata nito habang pinoprotektahan ang babae sa likuran niya.
Hinugot ni Gunther ang espada mula sa kaniyang gilid at itinutok sa kanila. Madilim ang kaniyang mukha na nakatitiv sa kanila.
“Kayo ang problema. Alam niyong nasa misyon tayo pero anong ginagawa niyo? Naglalandian kahit pa manganib ang buhay ng iba nating kasamahan!” Hindi na nakapagpigil si Darius at sinuntok ito.
“Wala kang karapatan na pagsalitaan ng ganiyan ang prinsesa! Isang kabastusan ang iyong tinuran!” Galit na sabi nito at nai-summon and mighty hammer niya.
Hahampasin niya sana ito nang nasalag ni Gunther iyon gamit ang espada niya.
Nagpalitan sila ng atake habang matalim ang tingin sa isa’t-isa.
“Tumigil na kayo!” Awat ni Rhie sa kanila.
Hindi siya pinansin ng dalawa at nagpatuloy sa laban.
“Stop! Ano bang demonyo ang sumapi at nagkakaganiyan kayo?!” malakas niyang hiyaw. Hindi siya makasingit dahil kapwa ayaw magpaawat ng mga ito.
Napatigil lang ang dalawa ng may malakas na puwersa ang naghiwalay sa kanila.
“Hinahanap niyo ba kamo ang demonyo?” Seryosong tanong nito habang naglalakad sa direksyon ng tinutukoy niya.
“Bakit pa kayo maghahanap sa malayo? Gayong kasama niyo ang isa sa malakas at natatanging nilalang na naglipana dito sa Tarnen divisio.” Huminto ito paglalakad at ngumisi sa taong matalim ang tingin sa kaniya.
“Kumusta ka, Princess Cruzette? O mas tama bang tawagin na…
… Krisnah Faulkner?”