Third Person’s POV
“Kumusta ka, Princess Cruzette? O tama bang sabihing…
… Krisnah Faulkner?”
Natahimik ang lahat dahil sa tinuran ni Alice. Magkaharap sila ngayon ni Cruzette na namumutla ang mukha. Tumikhim ito saglit at saka buong kumpyansa na hinarap ito.
“Ano pong sinasabi niyo, Alice? Ako si Cruzette, ang prinsesa sa kaharian ng Adamia.”
Tumawa ng pagak si Alice at saka itinaas ang kamay. Sumama sa ere si Cruzette na ngayon ay hindi makagalaw dahil sa ginawa ng ginang sa kaniya.
“Napakahusay mo talagang umarte, Krisnah,” sarkastikong tugon nito. Ikinuyom ni Alice ang kamay sa ere at tila nasasakal si Cruzette sa ginagawa niya.
“D-Darius, tulungan mo ako!” Hinging saklolo nito. Agad tumayo ang binata at akmang hahampasin si Alice ngunit itinaas lang nito ang isang kamay at pinalipad siya sa mga puno.
“Ibang klase. Ultimo isipan at puso niya ay pinasok mo para lang sa pangsariling intension.” Mas humigpit ang pagkakakuyom niya habang nagpupumiglas si Cruzette sa ere.
“Pinabayaan mo ang anak ko at maging kasamahan niya dahil hindi mo gamay ang kapangyarihan ng taong sinaniban mo! Ang kapangyarihan mong mangkulam ay hindi kakayanin ang kakayahan niyang magpagaling at sumuporta sa lahat. Walang wala ka sa kalingkingan ng totoong Cruzette, Krisnah!”
“H-Huwag mong sasaktan ang p-prinsesa ko!” Nahihirapang tugon ni Darius habang pilit na tumatayo mula sa pagkakalagapak.
“Hindi mo pa rin ba naiintindihan, Darius? Ginayuma ka lang niya upang mahalin at protektahan mo siya!” sigaw ni Alice na nagpatigil sa kaniya.
Pumagitna si Rhie sa dalawa at pilit inaalalayan si Darius na bigla na lang muli natumba.
“T-Totoo ba ‘yon, prinsesa?” seryosong tanong nito habang nakatingala.
Dahan-dahang ibinaba ni Alice ang kamay kasabay ng pagbagsak ni Cruzette sa ere habang naghahabol ng hininga.
“Totoo bang hindi ikaw si Cruzette at ginayuma mo lang ako?” Madilim ang mukha nito habang lumalapit sa kaniya.
Nang mapansin iyon ng babae ay napalunok ito at dahan-dahang umatras hanggang sa masukol siya sa pader.
“TOTOO BA IYON HA!” galit na sigaw nito na nagpaigtad sa dalaga. Pilit itong inawat ni Rhie ngunit itinulak lang siya palayo ni Darius dahilan para mahulog ito.
Mabuti na lamang ay nasalo siya ni Gunther bago pa man ito lumagapak sa lupa.
“Ako na ang kakausap sa kaniya,” suhestiyon niya. Walang nagawa si Darius kung hindi ay tumango at umusog para bigyan ng daan ang binata.
“Totoo ba ang sinasabi ni Alice, Cruzette? Ikaw nga ba ang totoong prinsesa ng Adamia?” magkasunod na tanong nito. Nakatitig lang ang babae sa kanila habang seryoso ang ekspresyon.
“Look into my eyes, Cruzette…” Marahan niyang sabi habang inilalapit ang mukha sa babae. Natigilan ito at hindi naiwasang mapatitig sa nakakahipnotismo nitong mata.
“Ikaw ba talaga ang aming kasamahan? Kung hindi man ay nasaan siya?” Mahinahong tanong niya habang hinihimas ang pisngi nito.
Nag-antabay sila nang ibinuka nito ang bibig, para lang madismaya at magulat ng bigla itong tumawa.
“Hahahahahah!” malakas niyang tawa habang nakatingin sa kanila. Malakas niyang itinulak palayo si Gunther at muling tumawa.
“Hahahaha! Akala niyo ba maiisahan niyo ko?” Tumitig ito ng matalim kay Alice at saka ngumisi.
Isang malademonyong ngisi…
“Oo, Alice. Tama ka. Isa nga ako sa pinaka-makapangyarihang mangkukulam rito sa Tarnen. Hindi nakakapagtakang nalaman mo kaagad Hahahaha!” naglakad pa ito paikot sa kanila habang sinusuri sila mula ulo hanggang paa.
“At oo…” Napatigil ito sa pagsasalita at nag-cast ng spell.
Ang kaninang suot niya ay napalitan ng kulay itim na kasuotan na mas tumugma sa totoong kulay niya.
Ngumisi ito bago muling magsalita na nagpagulat sa lahat.
“…ako nga si Krisnah Faulkner… at katapusan niyo na… mga chosen…”
Krisnah’s POV
Nakakatawa ang mga itsura nila. Mga laglag ang panga habang hindi makapaniwalang nakatingin sa gawi ko. Hindi nila akalaing mabibilog ko ng ganoon kadali ang kanilang mga ulo
‘Hindi talaga nagkamali si Mistress Eu sa pagpapadala sa akin dito.’ Napangisi ako ng maalala kung paano nagsimula ang planong ito.
“Mistress Eu, nalalapit na po ang selection. Kailangang mapunta sa atin ang Elita bago pa man ito makuha ng mga tiga-Licht,” pahayag ng isang kawal pagkapasok rito sa meeting room.
Tahimik lang akong nagmamasid sa mga kasamahan kong nandito. Mga halatang bored rin ang mga ito ngunit hindi gumagawa ng action ng walang pahintuloy ng iba.
“Huwag kayong mag-alala. Batid ko namang sinabi mo sa kaniya ang dapat niyang malaman, hindi ba, Xyrza?” Napalunok ito bago tumango.
Natawa ako sa isip.
Si Xyrza ay isang tao. Normal na tao. Sadyang nakipagkasundo lang ang pamilya niya sa mga demonyo dahilan para maging sunod-sunuran siya rito.
“Opo, Mistress Eu. Nakuha ko rin po ang loob niya kaya malaki ang tsansa na sa atin siya mapunta,” sagot niya.
Napatango lang ang Mistress sa narinig. Ngumiti ito ngunit agad ring nawala ng sumingit si Paulo sa usapan.
“Ngunit Mistress Eu, gaano kayo nakakasigurado na sa atin siya mapupunta? Hindi ba’t kakaulat ko lang noong nakaraan na nakita ko siyang kasa-kasama ang isa sa mga chosen?”
Napairap ako sa sinabi niya. Kahit kailan ay pabibo ito sa reyna. Si Paulo ay mula sa lipi ng mga tikbalang. Dahil sa angkin nitong galling ay nabigyan ng pagkakataon ang kaniyang angkan upang magkaroon ng mataas na pamumuhay dito at sa Humanus Welt. Sa lugar kung saan alam kong dumadayo siya para lang sa isang taong napupusuan niya.
Pathetic.
Napatahimik si Mistress Eu dahil sa sinabi nito. Mataman nitong tiningnan si Xyrza na ngayon ay namumutla sa tabi.
"Posible nga..." Ibinagsak nito ang kamay sa lamesa na lumikha ng malakas na ingay.
"Hindi natin hahayaang mangyari iyon. At kung sakali man, gagawa tayo ng paraan upang pasukin sila at bawiin siya..." Humarap ito sa akin at ngumisi ng malaki.
"Kakayanin mo ba, Faulkner?" nanghahamong tanong niya. Napamaang ako sa kinauupuan.
A-Ako? Paano?
"Anong kapalit nito para sa aming angkan, Mistress Eu?" balik tanong ko sa kaniya.
Ang kaninang ngisi ay napalitan ng tawa. Tawang nakakatakot kung ikaw ang makakarinig.
"Magaling ka talaga, Krisnah," papuri niya. Napangiti ako at taas noong hinarap siya.
"I know right..."
"Tungkol sa tinatanong mo..." Tumigil ito at inilabas ang isang folder mula sa kaniyang drawer. Nai-slide niya ito patungo sa aking puwesto. Tiningnan ko muna ito, nagdadalawang isip kung bubuksan o hindi.
"Buksan mo na. Tiyak kong gusto mong malaman ang nasa loob niyan," panghihimok niya. Huminga ako ng malalim at saka ito kinuha. Bago ko pa man mabuksan ay hinablot na ito ni Paulo at siya ang bumasa nito.
"Ano?! Ako na lang ang gagawa!" protesta niya. Inagaw ko ito ngunit mas malakas ang kapit niya.
"Ano ba! Ang bastos mo ha!"
"Wala kang pake! Ako na lang ang gagawa nito!"
"Gago! Sa akin ito kaya bumitaw k-- ahh!" nagsimulang masunog ang folder dahilan para mapabitaw kami pareho. Segundo lang ang itinagal at naging abo ito at sumama sa hangin.
"Para kayong mga bata. Magseryoso kayo dahil malaking misyon ang iaatas ko sa iyo, Krisnah."
"Bukod sa pagtaas ng pagkilala sa angkan ng mga mangkukulam at pamilya mo, may alam akong kapalit na hinding-hindi mo matatanggihan..."
Humalakhak ito at saka seryosong tumingin sa aking mga mata. Sa isang kumpas ng kamay ay unti-unting nabuo ang isang larawan sa harapan. Kumabog ng malakas ang aking dibdib habang ipinapalabas ang isang pamilyar na larawan.
"Ang makasama at mapaibig ang lalaking pinapangarap mo."
Nginisian ko lang silang muli at itinuon ang atensyon sa lalaking nagpapatibok ng puso ko. Ang lalaking dahilan para tanggapin ko ang misyon na ito at mapalapit sa kaniya.
Bago pa ako makalapit ay humarang na si Alice sa dinaraanan ko at tinawanan ako.
“Ikaw? Isa sa malakas?” pangungutya nito. Nag-init ang aking ulo at nagpalabas ng itim na bola mula sa aking mga kamay. Ipinatama koi yon sa kaniya ngunit itinaas niya lang ang kamay at nalipat iyon sa ibang direksyon.
“Huwag mo akong patawanin, Krisnah. Paano mo masasabing malakas ka kung…” Lumapit ito sa puwesto ko at bumulong sa aking tainga.
“Kinailangan mo pang makipagkasundo sa isa kong anak para lang matalo mo ang isa sa kanila at magamit upang magawa mo ang nais mo?” Punong-puno ng sarkasmo ang boses niya na nagpairita sa akin. Itinulak ko ito at nag-chant ng spell para pahirapan siya.
Ngumisi lang siya at ginaya ang bawat sasabihin ko.
“Aaaah!” hiyaw ko ng makaramdam ng sobrang sakit sa aking loob. Ang spell na dapat sa kaniya ay madali niyang naibalik sa akin.
Hindi kapani-paniwala…
Matagal na siyang wala sa akademya at walang bagong inaaral para mas maging malakas.
Ito ba talaga ang kakayahan niya..
Ibig sabihin…
Matalim ko itong tiningnan at nagpalabas ng bolang itim sa aking kamay. Ibabato ko na ito nang iniharang ni Darius ang sarili niya. Mabilis kong binawi ang spell bago pa ito tumama sa kaniya.
“Darius…” Malambing kong tawag rito. Hahawakan ko sana ang pisngi niya ngunit agad niyang pinalis ito at pinanlisikan ako ng mata.
Aray…
“Bakit Darius? Hindi mo ba ako gusto? Sumama ka lang sa akin at ilalayo kita sa lugar na ito.”
Umismid ito at tiningnan ako ng may halong pangungutya. Mas nabasag ang aking puso dahil sa isinagot nito.
“Hinding hindi ako sasama sa manlolokong katulad mo!” sigaw niya sa pagmumukha ko.
Ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng mata. Ipinikit koi to at sa muling pagmulat ay pinanlisikan ko sila ng mata.
“Magsisisi kayong lahat!” sigaw ko at nag-chant ng isang malakas na spell na alam kong hinding-hindi nila matatakasan.
Ang spell ng kamatayan.