7th Scandal
Hindi na kami tumuloy ni Gail para maglunch. Pareho kaming nawalan ng gana dahil sa mga lalaking yun. Hindi ba nila naiisip na anytime ay pwede kaming magsumbong sa Dean? Walangya talaga ang mga yun. Alam kaya ng parents nila ang ginagawa nila dito? Halos hindi na sila nag-aaral at puro bisyo at pang-aabala lang ang ginagawa nila dito sa school.
“Alam mo, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pinag-iinitan ka ng lalaking yun. Madaming malalandi ang nakapaligid sa kanya pero ikaw talaga ang gusto nyang pagtripan at pagtuunan ng pansin.”
Tss. Nakakaasar na talaga. Alam naman nya sa sarili nyang FLAT ako pero dikit pa rin sya ng dikit sa’kin. Ba’t hindi nya na lang ibigay ang pansin nya sa mga katulad ni Jessa na anytime ay magpapakama? Sabagay, ginamit na pala yun ng kaibigan nya. Oh kaya naman ay yung si Violet na kumausap sa’min nung enrollment.
“Wag mo ng isipin Gail. Iniisip nya sigurong mahina ako.”
Tumango tango sya sa sagot ko at niyaya akong kumain ng siopao sa labas. Tinamaan ulit ng gutom kaya sumama na lang ako. Hindi naman talaga ko mahilig sa siopao pero kumakain naman ako kahit papano. Mas gusto ko kasi ang siomai. Sabi sabi kasi dati na ang siopao, pusa ang laman sa loob. Nakakadiri.
Nakarating kami sa isang fast food chain pero naningkit ang mga mata ko dahil sobrang haba ng pila. As in. Bakit kaya? Well, siguro ay talagang masarap. Binabalik balikan na lang nila. Pero bakit puro mga babae ang bumibili? May mga lalaki din naman pero mabibilang mo lang sa kamay. Usually, lalaki ang kumakain ng ganito e.
“Haba ng pila. Sa iba na lang kaya tayo? Baka maubusan tayo dyan e. Sayang lang sa pagpila at oras. Tsk.”
Hinampas nya sa’kin bigla ang hand bag nyang dala at mariin akong tinignan.
“Pwede ba Kaylee, wag kang KJ. Dito tayo magsio-siopao. Ngayon lang ako nagkatime para makakain dito. Don’t ya worry! Safe dito ang siopao at sobrang yummy.”
Napailing na lang ako sa sinabi nya at matiyagang naghintay. Mga labinlimang minuto ata kaming nakatayo dun at meron pang mga nakapila sa likod namin.
“What’s your order?”
Napatingin ako sa humihingi ng order na nakangiti sa’min at kitang kita ang mapuputing ngipin. Itsura pa lang nya ay mukha na syang babaero at mahilig makipagflirt. Tss. Kalalaking tao, malandi.
Napatingin ako kay Gail na halos lumuwa na ang mata at ang ngiting abot hanggang tenga. Inilagay pa nya ang ilang hibla ng buhok nya sa likod ng kanyang tenga. Tss. So, ito pala. Ito pala ang dahilan kung bakit gusto nyang dito kami kumain. Haaay.
“Uhm. Siopao, dalawa.”
Hindi ko alam kung tatawa ba ko sa biglang pagiging mahinhin ni Gail. Usually ay malakas ang boses nya at parang naghahamon ng away. Pero ngayon, sobrang lambing.
Napatingin ako sa menu at nakita kong may siomai. Yun na lang ang akin.
“Isang siopao lang. Siomai ang akin.”
“Mas gusto mo ang siomai kesa sa siopao? Pareho pala tayo.”
Kinindatan ako ng lalaking nasa harapan ko pero nagkunwari na lang ako na wala syang ginawa. Katabi ko kasi yung tinidor e. Baka maisundot ko sa kanya.
“Ako nga pala si Yael, ikaw miss? Anong pangalan mo?”
Yael? Manwhore, tss.
“Ako ba? Gail ang pangalan ko.” Pinigilan ko ang tawa ko dahil sa sobrang malumanay na boses ni Gail. Hindi makabasag pinggan ang peg nya ngayon. Natatawa tuloy ako.
“Ah, ganun ba? Pero yung kaibigan ko ang tinatanong mo e. Anong pangalan nya?”
Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Gail at para bang naoffend sya ng lalaking kaharap nya.
“Kaylee ang pangalan nya.”
“Kaylee?” Bumaling ang tingin sa’kin ni Yael na nakangiti. “Nice name. Bagay sa’yo. Parehong maganda. Libre ako sa sabado? Free ka ba?”
Ramdam na ramdam ko ang matatalim na titig ni Gail sa titig ko. Sigurado kong napipikon na to dahil ako ang pinapansin ng lalaking ipinunta nya dito.
“Hindi. Lalabas kami ng boyfriend ko.”
Kitang kita ko ang paglabas ng ngiti ni Gail sa kanyang mga labi.
“Ako. Libre ako sa Saturday.” Nakangiting wika ni Gail.
“Talaga? Good for you.”
Anak naman ng tupa. Gusto kong batukan si Gail ngayon para magising sya sa panaginip nya. Bakit sya ang gumagawa ng first move?
“Heto ang order nyo. Nilagyan ko ng bonus na siomai. Baka kasi mabitin si Kaylee.”
Kinuha ko ang order namin at naglakad na ko palabas. Nanatili pa ding nakatayo duon si Gail kaya hinigit ko na sya kamay nya.
“Bye, Kaylee! Balik ka dito ah? Palagi kang libre.”
Hindi na ko sumagot pa sa huling sinabi ni Yael, alam kong sobrang sama na ng loob ng katabi ko ngayon. Hahaha. Halos hindi na maipinta ang mukha nitong si Gail dahil nakasimangot ng sobra. Hinigit nya sa’kin ng padabog ang siopao nya at kinain agad kahit hindi pa nya nalalagyan ng sauce.
“Nakakainis ka Kaylee. Ba’t mas napansin ka nya kesa sa’kin? Dapat pala ay ako na lang ang pumila at nagpaiwan ka sa labas. Tinanong ka pa nya kung libre ka sa Saturday, tapos ako na yung nagsabi na ako ang free pero hindi nya ko niyaya sa isang date. Naiirita ko sa’yo.”
“Tigilan mo nga ako Gail. So, yun pala ang dahilan kung bakit dun mo gustong bumili ng siopao? Tsss. Tigilan mo yan ah? Ikaw pa ang gumagawa ng first move. Hindi yan maganda.”
Tumusok ako ng isang siomai at isinubo. Hindi naman kakaiba ang lasa, tama lang ang sarap, walang pinagkaiba sa ibang siomai na natikman ko. Siguro ay si Yael lang ang dahilan kung bakit nagpapabalik balik ang mga customer na babae duon.
“No. Ngayon nga lang ako nagkalakas ng loob para bumili dun pero hindi nya ko napansin? Ikaw ang mas type nya sa’ting dalawa. I can’t believe it! At! Hindi mo man lang ako tinulungan para ako yung pansinin nya. I can’t believe you! Sabihin mo nga sa’kin, type mo din ba sya at nagpapakipot ka lang kanina?”
“WHAT? Nababaliw ka na Gail. You’re overacting. Mahal ko ang boyfriend ko para tumingin pa sa iba. Kung gusto mo sya, hayaan mong sya ang makapansin sa’yo. Araw araw kang bumili dun para marecognize ka nya hanggang sa maging magkaibigan kayo. Wag mo sa’king isisi ang galit mo kung bakit ako yung napansin nya. Tssss!”
Bigla nyang hinila sa’kin ang siomai na hawak hawak ko at kinain bigla.
“Sorry naman. Pero napahiya ako dun e.”
“Ayos lang. Sige na, ubusin mo na yang siomai ko. Hindi kasi ako gutom.”
“Thank you.”
Ay! Wow! Hindi man lang nya naisip na joke lang yung hindi ako gutom? Pero sige na nga, masama ang loob nya kaya kailangan nyang kumain.
“May klase ka pa ba?” tanong sa’kin ni Gail habang punong puno ng siomai ang bibig nya.
“Meron pang isa. Mauna ka ng umuwi sa boarding house natin. Iwasan mo ang pagpaparinig kay Jessa ah? Siguro ay natemp lang syang gawin yung bagay na yun.”
“Whatever. Ginusto nya yun, sigurado ko. Tsss! Wala sana kong maabutan dung milagro. Sige na, bye.”
“Bye.”
Nagsimula syang maglakad papuntang boarding house namin at ako naman ay papunta sa University. Alas dos ang umpisa ng klase ko hanggang alas tres. Buti na lang at isang oras lang. Gusto ko na din kasing umuwi, inaantok na ko.
Pagdating ko sa hallway ng classroom na papasukan ko ay isa isa ng pumapasok ang mga estudyante. 10 minutes na lang kasi at alas dos na.
Pumasok ako sa classroom ng hindi kinakabahan at ngumiti na parang walang problema.
Umupo ako sa pinaka unahan ng classroom, which is hindi inuupuan ng ibang estudyante sa takot na matawag ng prof.
Pumasok ang isang kalbong prof at nagpakilala. Teacher namin sya sa accounting. Si Mr. Yu na may edad na at medyo mahina na ang boses.
Wala syang pinagawa sa’min at umupo lang sya dun sa table. Ayos lang naman daw yun at unang klase namin sa subject nya kaya magkila-kilala muna kami.
May babaeng umupo sa tabi ko kaya naman natuwa ako dahil magkakaroon ako ng kausap. Napuno na din ang mga bakanteng upuan sa likod kaya sa unahan na lang pwedeng umupo.
“Hey... nagkita ulit tayo.”
Napatingin ako sa babaeng ngayon ay malaki ang ngiti sa labi. Siya yung babaeng nakasalubong namin dati sa gate at nagsabi sa’min ng impormasyon na leader ng frat si Layron.
“Ah! Oo nga. Violet? Tama ba?”
“Wow! You’re memory is quite awesome. That’s good. Pero hindi pa kita kilala. Ano ulit ang name mo?”
Hindi nga pala ko nakapagpakilala sa kanya nung kinausap nya ko dati.
“Ako nga pala si Kaylee. Nice to meet you!”
Inabot ko ang kanang kamay ko pero tinignan nya lang yun saka tumingin sa’kin at tinaas ang kilay. Hellow? Nakikipagkilala ako. Shake hands po ang hinihingi ko.
“What’s that?”
“Ah! This is hand.”
Itinago ko ang kamay ko dahil pakiramdam ko ay napahiya ako ng konti dahil hindi nya pinansin yun.
“Ginugulo ka pa rin ba ni Layron?”
Hindi. Winawasak na nya ang buhay ko dito sa school. Tss. Masyadong maliit ang salitang ginugulo sa ginagawa nya sa’kin.
“Uhm, medyo e.”
Tumango tango sya at kinuha ang cellphone nya tapos ay kinuhanan ako ng litrato. Hindi ko naman alam ang ire-react ko sa ginawa nyang yun. Hindi pa kasi kami close tapos ay ginawa nya ang pagpipicture sa’kin ng hindi nagpapaalam.
“Don’t worry. Sasabihin ko sa kanyang tigilan ka na nya. Ipapakita ko lang tong picture mo at hindi ka na nun guguluhin.”
Pinakita nya sa’kin ang screen ng cellphone nya na may picture ko. Napalunok ako ng nakita ko yun. Halatang halata kasi na nagulat ako dun sa picture dahil nakabuka ang bibig ko at medyo nanlaki ang mata ko. Gusto ko sanang ipabura yun pero nahihiya ako.
“G-ganun ba? Thank you kung ganun. Sana nga ay hindi nya na ko guluhin.”
“Of course, class!” Napatingin sa kanya ang buong klase at pinakita nya sa kanila ang scree ng cellphone nya. Kitang kita ang nakakatawa kong mukha kaya nagtawanan ang buong klase.
“Pabluetooth!” Madaming nagsilapitan kay Violet at isa isa nyang pinasa ang pictures ko dun sa mga gustong makakuha ng kopya.
“Kaylee, ok lang naman na bigyan ko sila ng picture mo di ba? Hindi ka na naman guguluhin ni Layron after these. K?”
Tumango na lang ako at yumuko. Madami ang nagtatawanan pero may ilan din namang nanatiling nakaupo lang at hindi na pinansin yung picture. Gusto kong sabihin na itigil nila yun pero wala akong lakas ng loob.
Akala ko pa naman ay mabait si Violet, pero girl version pala sya ni Layron. Tss.