6th Scandal

1972 Words
6th Scandal Pugto ang mata ko pagmulat ko kaninang umaga dahil iniyakan ko magdamag ang nangyayari sa’kin dito sa Maynila. Alam kong mababaw pero kasi, hindi ko inaasahang ganito pala ang kahihinatnan ko dito gayung wala pa naman akong nagagawang hindi maganda sa mga tao rito. Yung lalaking yun. Ang yabang yabang nya. Sana lang ay makahanap sya ng babaeng makakatapat nya, mabaog din sana sya. Kung pwede, mahulog na din sya sa bangin o kaya naman ay makagat ng sampung aso sa leeg. Ano bang masama kung sabihan ko sya ng tanga, eh hindi sya maayos makipag-usap sa’kin. Parang enjoy na enjoy syang nakikita na nahihirapan ako. Walang puso. Tsss! Buti na lang at 10:00 pa ng umaga ang umpisa ng klase ko. Tinatamad pa kong bumangon. Biglang nag-ring ang cellphone ko at ng nakita kong tumatawag si Blaine. Agad akong napabangon sa kama at sinagot ang cellphone. “H-hello?” May halong panginginig ang boses ko dahil sa kaba. After long two weeks, ngayon ko lang ulit sya makakausap. “Kaylee?” Hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla na lang akong napaiyak ng narinig ko ang boses nya. Parang taon na ang nakalipas bago ko narinig yun. “Blaine, ako nga to.” “Sorry. Sorry at ngayon lang ako nakatawag. Kamusta ka dyan? Ayos ka lang ba? Nakakakain ka ba dyan ng maayos? May kaibigan ka na ba dyan na sumasama sa’yo?” Natawa naman ako ng konti dahil sunod sunod ang tanong nya. Parang armalite. “Ayos lang ako dito. Huwag mo kong alalahanin.” Kahit hindi ako ayos, kailangan kong magpanggap dahil ayokong mag-alala sya sa’kin. “May kaibigan na rin ako dito. Kaya don’t worry, hindi ako nag-iisa.” “L-lalaki ba?” Parang umaapaw ang saya ko sa buong katawan dahil sa tanong nyang yan. Tunog selos kasi at halatang ni-nenerbyos sa pwede kong isagot sa kanya. “Nope. Babae. Nu ka ba! Kilala mo naman ako di ba? Hindi ako madaling magkaroon ng kaibigang lalaki. Ikaw? Nambababae ka ata dyan e.” “Ikaw lang ang babae ko. Wala ng iba. Peksman!” “Talaga?” Kung nandito lang talaga sa harap ko si Blaine, yayakapin ko talaga sya ng mahigpit. Ito yung isa sa pinakagusto ko sa kanya. Kahit na may babaeng umaaligid-aligid sa kanya ay loyal pa din sya sa’kin at hindi nya papansinin ang mga babaeng yun. “Oo naman. Wag mo kong pagdudahan dito. Balita ko ay madami dyang mga gwapo. Wag na wag kang magpapa-akit.” Humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi nya. Huwag daw akong magpapa-akit. Hindi ko pa ata nararanasan yun? Hindi pa ko nakakaranas na maakit sa lalaki, maliban syempre sa kanya. “Oh? Bakit ka tumatawa dyan? May katawanan ka atang lalaki e.” Napahinto ako sa pagtawa. Seryoso ang boses nya kaya seryoso din dapat ako. “Mr. Blaine Gonzales, sa talambuhay ko sa college ay ikaw lang ang nakatawanan kong lalaki. Wala ng iba.” “Sana hindi ka na lang pumunta dyan.” Lumambot ang puso ko sa biglang pagbabago ng tono ng boses nya. Kung kaninang seryoso, ngayon ay malungkot. Rinig ko ang pag buntong hininga nya na parang nanghihinayang sa naging desisyon naming dalawa. “Blaine naman, ayan na naman ba tayo? Maganda nga din tong long distance relationship eh. Nasusubukan ng mga sarili natin ang pagiging loyal sa isa’t isa. Ang kailangan lang nating gawin, pagkatiwalaan mo ko at pagkakatiwalaan kita.” “Tama ka. Pero sobrang hirap kapag wala ka sa tabi ko. Lalo na nung unang araw na wala ka na sa school. Impyerno yun.” “Ikaw talaga! Kung ano ano yang sinasabi mo. Kamusta si Hannah?” “Malungkot din sya nung una, pero nakamove on na din sa pag-alis mo. Nakikita ko sya minsan na may kasama, pero madalas wala.” Kawawa naman ang bestfriend ko. Mahirap kasi talagang magkaroon ng kaibigan sa college lalo pa’t palipat lipat ang klase mo kaya iba iba rin ang classmate mo. “Wag mong papabayaan ang isang yun ah? Alagaan mo yun.” “Di ka magseselos?” Para kong hinampas ng timba sa tanong nya. Ano yun? Para ngang... para ngang ang hirap. Hindi ko maiiwasan ang bagay na yun at sa bestfriend ko pa mararamdaman yun? Aish! “H-hindi. Ano ka ba! Bestfriend ko yun, bakit ko naman pagseselosan?” Hindi ko alam kung nahalata ba nya ang pangamba sa boses ko. Normal lang naman siguro na magselos ka ng konti sa bestfriend mo. Tsaka ganito yung madalas kong napapanuod sa TV eh, magkakadevelopan yung iniwang lalaki at ang bestfriend nung babae. Ano ba tong mga naiisip ko? Mali. Hindi tamang mag-isip ako ng ganito. Aish! Hindi to isang palabas sa TV. Totoong buhay to. Imposible yung mangyari. Kinilabutan ako bigla. Malaki ang tiwala ko sa dalawang taong yun. Anong kailangan kong ikatakot? Mahal nila ko at mahal ko sila. “Haha. Kaw talaga, binibiro lang kita. Kakamustahin ko yun paminsan minsan. Wag kang mag-alala dun. Gusto mo bang ihanap ko ng boyfriend para hindi naman sya mag-isang kumakain sa labas?” Parang biglang nagkaron ng light bulb sa ulo ko dahil sa suhestiyon nya. Malaki ang punto dun ni Blaine. Kailangan ni Hannah ng boyfriend para hindi na sya laging nag-iisa, ayoko namang magmukhang loner yun. Tamad din yung makipagkilala sa ibang tao eh. “Sino namang ipapakilala mo dun? Baka babaero?” “Tsss! Meron ba sa barkada kong babaero? Wala naman. Wag kang mag-alala, safe to. Ano?” Napakamot ako sa ulo dahil sa naiisip naming dalawa. Hindi rin kasi ako sigurado dahil baka masaktan sya sa huli at hindi na ulit sumubok mag boyfriend. Ayoko naman ng ganun, gusto kong magiging patay na patay kay Hannah ang ire-reto namin sa kanya. “S-sige. Basta hindi babaero ang ire-reto mo dun ah? Baka umuwi yun ng luhaan, malalagot ka talaga sa’kin. Sasaksakin talaga kita sa maselang bahagi mo.” Humagalpak sya ng tawa dahil sa sinabi ko. Tuwang tuwa pa, parang bata. Pinagbantaan na nga, masaya pa din. Anong nakain ng mokong na to? “Langya ka naman Kaylee! Talagang dun mo ko sasaksakin? Ayaw mong magka-anak tayo?” Kahit mag-isa lang ako sa kwarto at nasa kabilang linya lang sya at uminit na agad ang pisngi ko dahil sa nagiging topic namin. Feeling ko ay puputok na ang mukha ko dahil sa sobrang init. Nakakahiya. Buti’t wala akong kasama ngayon dito sa boarding house. “G-gusto.” Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin sa kanya ang sagot ko kaya nagtakip na lang ako ng unan sa mukha at umikot ikot sa kama. “Hahaha! Yun naman pala e, wag mo kong sasaksakin dun.” “T-tse! Sige na, maliligo na ko.” “Pwedeng wag mong ibaba? Papakinggan na lang kitang maligo.” “MANYAK!” Narinig ko ang muli nyang pagtawa pero pinatay ko na ang tawag. Kainis. Pano nya nasasabi ang ganung bagay sa’kin? Bago ako pumasok sa banyo ay nagtype muna ako ng text. Ako: I Love You. Mwah! Wala pang 15 seconds ng tumunog ang cellphone ko. Ang bilis talagang magreply nito pag ako ang nagtext. Napangiti ako bigla. Blaine: Mas mahal kita. Salamat sa kiss! ? Hindi na ko nagreply ulit dahil baka malate pa ko sa school. Second day pa lang at ngayon ko pa lang makikita ang iba kong prof at kaklase. Sana naman ay hindi ko na kaklase ang isang yun. Bangungot. Bangungot ang makasama sya sa kahit isang klase. Kaklase ko na sya sa General Psychology at sana naman ay hindi na sa iba pang subject. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa college life ko pag nangyari yun. Damn! Wala na ang kabang bumabalot sa’kin nung papasok na ako sa gate. Nakalabas na din ang registration form ko para hindi na ko masita ng guard dahil nakasibilyan pa din ako at walang I.D. “Bert! Yan na ba yun? Yan yung nakakita sa’yo na hubo’t hubad ka?” Nag-init ang mukha ko dahil sa hiya. Malakas ang pakiramdam ko na ako yung pinag-uusapan nila. Bert. Bert din ang pangalan nung nakita kong hubo’t hubad sa room namin na nakikipag-ano kay Jessa. Aish! “Yan nga yun. Virgin pa sigurado. First time sigurong nakakita.” “Whahahaha! Baka naman Bert nagulat dahil maliit?” “GAGO!” Napapikit ako dahil sa kahihiyan. May nakakapit ata sa’king malas dahil sa pag-alis ko ng probinsya namin. Si Gail pa nga lang ang kaibigan ko pero ang dami dami ng nagpapahiya sa’kin. Dumiretso ako sa classroom namin at laking pasalamat ko ng hindi ko nakita dun ang lalaking yun. Ayoko ng banggitin miski ang pangalan nya. Kasalanan yun. Kasalanang mabanggit ang mabaho nyang pangalan. Natapos ang dalawang oras na klase kaya naman tinext ko na si Gail na kung sabay kaming makakapagluch. Good thing at tapos na din ang klase nya. Blaine: Hi baby ko. Nakakain ka na ba? Napangiti ako ng nagtext uli sa Blaine. Naks naman. Sinusulit ang load. Ako: Hindi pa e. Kakain pa lang. Ikaw din, kumain ka na. Tanghali na. Bawal magpagutom. Blaine: Wag kang mag-alala sa’kin. Boses mo pa lang kanina, busog na ko. Ako: Adik ka talaga! Biglang may humila ng cellphone ko kaya muntik na kong makapanampal ng wala sa oras. Buti na lang at napigilan ko ang sarili ko, si Gail lang pala. “Whoo! May boyfriend ka na pala?” “Oo.” Nakangiti kong sagot. Hindi ko pala nabanggit sa kanya. Well, ngayon ay alam nya na. “Gwapo ba?” Tumango na lang ako sa tanong nya. Bakit kaya ganun? Isa din sa hanap ng mga babae ang gwapo, ang hanap naman ng lalaki, magaganda. Pano yun? Walang puwang ang pangit sa mundo. Haaaay. “Kaw ah. Di ka nagsasabi. Pero sige na, let’s go na! Kainan time na. Sweet ng boyfriend mo!” Lalakad na sana kami papunta ng canteen pero may nakaharang sa dadaanan namin. Napatungo na lang ako nung narealize kong SIYA na naman yun. “Tara na, Gail.” Lumakad kami papunta sa kanan dahil nga nakaharang sya sa daanan namin pero biglang humarang si Bert. What’s his problem? Wala akong ginagawa sa kanya. “Sa kaliwa tayo, Gail.” Nakatungo kami pareho habang dadaan sa kaliwa pero may humarang na naman. Yung lalaking kausap ni Bert kanina malapit sa may gate. “Wag na lang tayong kumain, Gail.” Humarap kami sa likod at nagsimulang magmartsa papaalis dahil alam naming wala kaming magagawa. Palaban si Gail, pero simula kagabi, ayaw nya nang kalabanin ang hari ng mga frat dahil ayaw nyang mapag-initan ako. “May boyfriend ka na?” Ano naman ngayon kung meron na? Tssss. Nagkunwari akong wala naririnig pero may biglang humawak sa braso ko, si Bert. Hawak naman nung isa pang lalaki si Gail. “Bitiwan mo nga ako!” Ihinarap ako ni Bert sa master nya pero tumungo lang ako. “Wala kang karapatang talikudan ako. Tinatanong kita kaya sumagot ka. May boyfriend ka na?” “Ano naman kung meron?” “Talaga lang ah?” Ni head-to-foot nya ko na para bang hindi sya makapaniwala pero wala akong pake. Isipin nya na ang gusto nyang isipin. Wala talaga akong pake. “Mukha ka ngang flat na blackboard pero meron pa din sa’yong nanligaw? Ang malas ng syota mo.” Ako nga ang malas dito kasi nakita pa kitang hayup ka! “Pwede ba! Bitiwan nyo ko. Bullying na to ah?” “Buti nga’t yan lang ang ibinibigay ko sa’yo. Pasalama’t ka at hindi kita nire-rape. Wala naman kasing mahahawakan sa’yo. Flat. Tss!” Tumawa silang tatlo at binitiwan kami. Naglakad sila papalayo kaya inirapan ko na lang sila kahit hindi nila ko kita. Makakaganti rin ako. Tandaan mo yan Layron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD