5th Scandal

1365 Words
5th Scandal “So, binibining Kaylee. Kamusta naman ang first day of school mo?” Napabangon ako sa kama ng marinig ko ang boses ni Gail at mabilis na umakyat sa kama nya. Double deck kasi ang kama namin at duon sya sa taas. “Nagtanong ka pa. Sobrang saya. Grabe!” “Woah! Talaga? Madami ka ng kakilala? Boylets?” Hindi ba nya pansin na medyo sarcastic ang pagkakasabi ko dun? Tssss. “Anong madaming kakilala? Iisa nga lang. Kilala mo din kung sino.” “So... it means, lalaki yan?” Tumango ako sa kanya ng nakasimangot. Sa dami ng lalaking friendly, bakit hindi man lang ako nagkaroon ng kahit isa? Pero ayos lang na wala eh, basta hindi si Layron. “Wow! Ang galing mo naman. Nakakuha ka agad ng chix. Sino?” Chix? Tss. “Si Layron.” Hindi ko maintindihan kung anong nangyari sa mukha nya. Yun kasing itsura nya kanina ay parang excited na excited, ngayon? Ewan ko na. Mukha syang naka-wacky dahil sa pagkabigla nya. “Really? HAHAHAHA! That’s absurd. Pero ayos lang yan Kaylee. Don’t ya worry! Siguro destined kayo.” Napangiwi ako sa sinabi nya. Kahit sinong babae, hindi papangarapin na makatadhana ang lalaking yun, well, except pala dun sa babaeng nameet namin nung nagpa-enroll ako. Naka-drugs siguro yun! “Whatever. Linisin mo nga yang utak mo, kung ano ano yang naiisip mo. Kakasuka ka! Pwe!” Napadako bigla ang tingin ko sa kama nina Jessa, ang kamang ginamit nila kanina nung kasama ni Layron. Tumayo bigla ang mga balahibo ko. Grabe. Gusto kong sumuka pag naaalala ko yun. Ang sakit sa mata. Pakiramdam ko nagkasala ako. “Huy! Yun lang ba nangyari?” Kailangan ko tong sabihin sa kanya, hindi ko kayang hindi to makwento sa iba. Hindi naman sa tsismosa ko pero kailangan ko ng karamay tungkol dun sa nangyari. Yuck lang ng yuck si Gail habang nagkekwento ko. Pinapakinggan ko ding mabuti ang pinto dahil baka pumasok si Jessa at Alex. Pinagbantaan pa naman ako nun na wag kong sasabihin sa iba ang nakita ko. “YUCK! My gosh. Hindi ako makapaniwala? Dyan mismo sa kamang yan? Eew! Kaya pala pagpasok ko kanina ay parang iba ang amoy ng kwarto. Kaylee, palipat tayo. Please...” Medyo nagkaron nga ng amoy pero di ko na lang pinansin. Aircon kasi ang kwarto namin at malamang na kumalat na ang amoy ng mga pawis nila sa buong silid. “Mag-tiyaga na lang tayo dito. Wag ka na lang pumasok pag rinig mo sa labas ang mga... ungol nila.” “Yuck talaga to the highest level. Akala ko matino ang babaeng yun, hindi naman pala. Itsurang inosente pero nasa loob naman ang kulo. Yuck sya. Yuck. Yuck. Yuck.” Tinakpan ko ang bibig nya ng umibo ang doorknob ng kwarto namin, hindi ako nagkamali. Sabay na pumasok si Jessa kasama si Alex. Masama ang tingin sa’kin ni Jessa, may kutob siguro sya na nagkekwento ko kay Gail. “Hi Kaylee! Hi Gail! Kanina pa kayo?” masiglang bati sa’min ni Alex. “Uhm, oo eh.” Sagot ko sa kanya. “Ganun ba? May dala ko ditong hotdog at itlog, pang-ulam. Gusto niyo?” “Anong klaseng hotdog at itlog? Malaki ba?” Tinakpan ko ang bibig ni Gail at ako na ang sumagot ng matino kay Alex. Walanjo naman ang babaeng to. Si Jessa naman ang nagpakama, hindi si Alex. “Sige lang Alex, nakakain na kami. Enjoy nyo na lang pagkain sa... hotdog at itlog. H-hehe.” Nagkibit balikat si Alex at halatang naweirduhan sa inasta nitong katabi ko sa kama. “Sige. Hingi lang kayo kung gusto nyo.” Tumango ako at siniko ng malakas si Gail. “Umayos ka nga Gail. Si Jessa yung nagpakama, hindi si Alex. Okay?” “Tssss. Oo na. Nakakadiri kasi talaga. Tara na nga lang sa labas.” Bumaba kaming dalawa sa kama at nagpaalam sa mga kasama namin. Actually, ako lang talaga yung nagpaalam. Umandar na naman kasi ang kamalditahan nitong si Gail. “Hoy Gail! San mo ba balak pumunta?” “Yung malayo sa kanila. Tsss!” “Umayos ka nga. Pag nalaman nung si Jessa na sinabi ko sa’yo, malilintikan ako.” “Eh kasi naman, nanggigigil ako sa kanya. Ang landi nya. Nagawa nya yun sa loob ng kwarto natin? Ang lakas din naman ng loob nya. Hindi man lang nya hininaan ang volume ng mga ungol nya. Rinig pa sa labas. Haaay! Kwento mo pa lang pero kinikilabutan na ko. What if ako yung umuwi kanina sa room natin? Tsk.” Nakakita kami ng nagtitinda ng street foods kaya nagdesisyon kaming pumunta na lang dun at kumain para mawala na sa mga utak namin yang bed scene na yan. “Magkano po ang kwek kwek?” “2.50 ang isa.” “Walo po. Tig-apat tayo Kaylee. Kuha ka na lang ng stick.” Kumuha ako ng stick at nagtusok ng kwek kwek. Sinawsaw ko yun sa suka, tapos isinawsaw ko naman dun sa brown na sauce. Yummy! Sarap. Isusubo ko na sana ng may biglang kumuha ng stick sa kamay ko. Galit akong bumaling sa kumuha ng pagkain ko at nakita ko ang mukha ni Layron na ngising ngisi habang kinakain ang kwek kwek ko. “Ano bang problema mo? Akin yan eh.” “Ano naman ngayon? Nasubo ko na kaya akin na yun. Kung gusto mo kunin mo sa bibig ko, pero dila mo dapat ang gamit mo.” “Manyak!” Anak naman ng tinapa. Anong ginagawa ng isang to dito? Ang lakas ng pang-asar sa’kin ngayong araw ah? Kaninang umaga, nakita ko sya. Ngayong gabi, nakita ko na naman sya. Tssss! Malas. Pero sige, just ignore him Kaylee. Ano pa’t magsasawa din ang lalaking yan na i-bully ka. “Ang kinis mo.” Padabog akong kumuha ng isa pang stick saka nagtusok ulit ng isang kwek kwek. Subukan lang nyang agawin to, isasaksak ko talaga sa kanya ang stick na to. Tsaka anong sabi nya? Ang kinis ko? Haaaays. Tama na naman yung pambu-bully. Baka mamaya ay maisipan nitong rape-in ako. “Hahaha! Hoy. Kinakausap kita.” Sinamaan ko sya ng tingin pero hindi man lang sya natinag. “Ako ba ang kausap mo?” “Sino pa ba? Ikaw lang naman ang makinis dito. Tsss!” Wow. Papuri ba ang isang yun? Tsss. Kung sya lang din naman ang magsasabi nun, wag na lang. Kabanas! Nakaamoy ako ng sigarilyo sa tabi ko. Hindi ko na kailangang tignan pa kung sino yun, halata naman kung sino ang gagawa nun. “Pwede ba? Dun ka sa malayo mag-sigarilyo.” “Alam mo? Ang arte mo. Akala mo naman kung sinong maganda. Tsssss!” “Bakit? May sinabi ba kong maganda ko? Tanga ka pala e!” Napatakip ako ng bibig nang marealize ko kung anong nasabi ko. Kaylee naman, mag-isip ka muna kung sino yung sasabihan mo ng tanga. Ayaw mo pang mabugbog di ba? Ang tanga ko talaga! “Sinong tanga?” Maririnig mo ang diin sa tanong nyang yun. Napapikit ako dahil sa kaba, ang sabi ko ay hindi ako papasok sa kahit anong gulo, pero ano to? Magkakanda leche leche ang buhay ko dahil sa lalaking to. Kainis. “Wala.” Inirapan ko sya at nagbalik sa pagkain, pero sa totoo lang ay pinagpapawisan na ang noo ko. Nabitawan ko ang stick ng bigla nyang kong hawakan sa pisngi gamit ang isang kamay. Masakit ang pagkakahawak nya kaya dumami na ang nanonood sa nangyayari. “Ayusin mo yang tabas ng dila mo ah?” “HOY! HOY! ANO YAN?!” Lumapit si Gail pero kita ko sa gilid ng mga mata ko na hinawakan sya ni Bert, yung parating kasama ni Layron. Pano na to? Wala man lang pakialam yung ibang tao sa’kin. “Sa susunod na tangahin mo ko, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo. Alam kong alam mo na kung sino ako, kaya igalang mo ko.” Ako dapat yung ginagalang dito di ba? Ako yung babae. “Naiintindihan mo ko?” Tumango ako sa kanya kahit medyo naluluha luha na ko. Lalaki ba sya? Bakit pumapatol sya sa babae?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD