4th Scandal

1732 Words
4th Scandal Mabilis na lumipas ang sem break. Start na ngayon ng second semester. Panibagong mga mukha, panibagong mga subject, panibagong mga pagsubok. Sana lang ay magawa kong maka-survive dito sa Wilson Uiversity. Nagtitiwala ako sa sarili ko na makakayanan ko ang first day of school ko dito. Hindi ko pa kasabay pagpasok si Gail, 7 kasi ang klase nya samantalang ako ay mamaya pang 8. Magkaiba din ang course naming dalawa. Business management ang kinukuha ko samantalang sya ay computer science. Sayang. Siguradong OP ako mamaya sa klase kasi wala akong kausap. Nag-iisa na naman ako. Buti na lang at ibinili ako ni mama ng cellphone sa muslim, touch screen din kaya hindi masyadong nakakahiya. Ang gamit ko lang kasi sa probinsya ay yung cellphone na black and white pa. Napatingin ako sa orasan. 7:30 na. Napatingin din ako sa bag ko at agad ko yung inilagay sa balikat ko. Kailangan ko ng umalis, baka malate pa ko. Tantsa ko ay mga 7:40 ako makakarating sa room ko. SS101. Psychology. Minor subject. Nang makarating ako sa gate ay nakita ko ang mga estudyanteng pumapasok na parang hindi man lang kinakabahan, samantalang ako? Luluwa na ata ang puso ko. Dire-diretso akong pumasok sa gate at diretso ang tingin. Kailangan ay confident din ako. “Miss!” Kung kaya nila, kaya ko rin dapat. Kailangan kong mag-adjust. Dapat pala ay tumawag ako kay Blaine ngayon para makahingi ng moral support. Hihihi. “Miss na nakasibilyan!” Kung hindi kami makapag-skype, kahit sa text man lang ay dapat na nagkakausap kami. O kaya tatawagan ko sya. “Miss na walang I.D!” Nasa school na kaya si Blaine ngayon? Hindi ko na kasi alam ang sched nya ngayong second sem. Napatalon ako sa gulat ng may humawak sa braso ko. Si manong security guard pala. Nakatingin na din sa akin ang iba pang estudyate na parang nanonood ng pelikula. May nagawa ba ko? “Kanina ka pa naming tinatawag ah? Bakit di ka lumilingon?” “P-po? Pasensya na po. Hindi ko pa rinig.” “Tss. Bakit nakasibilyan ka? Second sem na kaya dapat ay naka uniform ka na.” Napatingin ako sa suot ko at tama sya. Ako lang yung nakasibilyan. “Asan din ang ID mo?” Napalunok ako dahil sa kaba. Hala! Pano to? Anong gagawin ko? “W-wala pa po. Transferee po ako.” Tumango naman ang guard kaya tumalikod na ko para maglakad pero hinawakan nya uli ako sa braso kaya napaharap uli ako sa kanya. “Asan ang registration form mo? Hindi ka makakapasok hangga’t wala ka nun.” Pakiramdam ko ay lahat ng pawis ko sa katawan ay lumabas na sa noo ko. Grabe, sobra kong kinakabahan. Binuksan ko ang bag ko at hinalwat ang gamit duon pero hindi ko nakita ang reg form ko. Nahihiya akong tumingin sa guard at ngumiti ng awkward. “Naiwan ko po e.” “Ganun ba? Sige na. Labas ka na ng school. Pasensya na pero hindi kami nagpapasok ng wala yun sa mga transferee.” Wala na kong nagawa kundi lumabas. Tatakbo na kong bumalik sa boarding house para makuha yun. Nang maka-akyat ako sa palapag kung nasan ang kwarto ko ay agad kong hinawakan ang door knob. Bubuksan ko na sana ito pero nakarinig ako ng mga ungol. Biglang kumalabog ang t***k ng puso ko. Sobrang bilis. Naiiyak na din ako at the same time. Wala na namang tao dito kanina e. Sino yung nasa loob? “Ahhhhhh.. Oooooohhhh... Yeah... You’re so great.. Uhmmmmm..” Napasandal ako sa sahig. WALA NA. Late na ko sa unang klase ko. Jusme. Pano ko sila iistorbohin sa loob? Sobrang nakakahiya. “Hmmmmmm... Hmmmmmm... Hmmmmm.” Napatayo ako ng biglang bumukas ang pinto, at iniluwa nito si... si... si... si Layron. Bakit ganun? Parang gusto kong mahimatay bigla? Siya na naman? “T-tapos na ba kayo?” tanong ko ng nakatungo. Kita ko ang mga paa nya na unti unting lumapit sa’kin at bigla akong hinawakan sa chin ko. Itinaas nya ang mukha ko kaya diretso akong napatingin sa mukha nya. Gwapo talaga sya. W-what? Manyak yan Kaylee! Wag kang magpahawak dyan! Marumi ang lalaking yan. Katatapos lang nyang makipagano... err... makipag-anuhan. Tinabig ko ang kamay nya at wala man lang syang kahit anong reaksyon. “Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi naman ako ang nakikipagsex sa loob. Nanonood lang ako dun. Pero kung gusto mo, libre ako ngayong umaga. Wala akong gagawin, nag-iinit na nga din ako e. Ano? Gusto mo ba?” “M-manyak!” Sinampal ko sya ng malakas at dire-diretsong pumasok sa loob ng kwarto. Nakita ko dun ang isa kong kaboardmate na hindi ko kaclose at ang lalaking kasama ni Layron nung nagpa-enroll ako. Pareho silang walang saplot. “AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!” Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sa pagkabigla. “Shhhhhhh. Wag kang sumigaw!” Akmang tatakpan nung lalaki ang bibig ko pero nagtatakbo ako palabas ng kwarto. Nandun pa din si Layron habang hawak hawak ang pisngi nyang nasampal ko. Hinawakan nya ko sa braso at itinulak sa pader. Ikinulong nya ko sa kanyang mga braso. Nakahawak ang magkabilang kamay nya sa pader kaya napapikit ako sa gulat. “Hindi mo pa ata kilala ang sinampal mo? Hmmm?” Hinuhuli nya ang tingin ko pero pinipilit kong hindi sya matignan sa mata. Tsk. Kukuhanin ko na nga lang ang reg form ko, nagkaganito pa. Ang malas talaga. “Sa susunod na gawin mo sa’kin yun,” inilapit nya ang labi nya sa tenga ko bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Uungol ka din katulad ng narinig mong ungol kanina. Naiinitindihan mo ba?” “O-oo. H-hindi na ulit kita sasampalin. H-hindi na ulit ako magpapakita sa’yo.” Pilit ko syang itinutulak para lumayo sya sa’kin dahil nga natatakot na din ako. Ganito ba ang nangyayari bago ma-rape dito sa maynila? Jusko po. Gusto ko ng umalis dito. “Gusto kong nakikita ka parati. Gusto kong paglaruan ka.” Humalakhak sya at nagsimulang maglakad pababa ng hagdan. Lumabas na din ang kasama nya at sumunod sa kanya. Pumasok na ko sa loob ng kwarto at dali daling pumunta sa table ko. Hinanap ko ang reg form ko at agad na nilagay sa bag. Time check. 8:25. Late na. “Hoy Kaylee!” Binato ako ni Jessa ng unan sa ulo kaya napatingin ako sa kanya. “Ayokong malalaman ng iba ang nangyari dito hah? Kung hindi malalagot ka sa’kin. Tssss! Istorbo ka eh. May round 2 pa sana kami ni Bert.” Bert? Yun siguro ang side kick nung manyak na Layron na yun. Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Hindi ko naman ini-expect na ang boardmate kong to, na si Jessa ay ganito ang ugali. Para syang... malandi? Ano ba yan Kaylee! Nanghuhusga ka na sa kapwa mo. Masama yan. Argh. Pero hindi ko maiwasan eh. Ganito ba talaga mag-isip ang babaeng to? Hindi man lang nya naisip na hindi lang sya ang rumerenta sa kwartong to. Apat kami. Tapos dun sya matutulog mamaya ng hindi nya nilalabhan yung kobre kama? Eew. Nakuuu. Patawarin nyo po ako Lord sa nakita ko ngayong araw. Hindi yun sinasadya ng mga mata ko. Sila ang may kasalanan nito eh. Hindi nila ginagamit ang utak sa ulo nila, pano kung may tao pala dito sa kabilang kwarto? Edi naisumbong na sila? Ayy teka. Late na nga pala ko!!! Tumakbo ko palabas ng kwarto at sinugod agad ang school. Winagayway ko ang reg form ko habang papasok ako para hindi na ko sitahin nung guard. Ngumiti naman sa’kin si manong guard at kinindatan ako. Hahaha! Loko yun. Pero tingin ko ay nasa 20-anyos lang yun. Wala yung girlfriend kaya kung makakindat, wagas. Pagdating ko sa classroom ay agad kong binuksan ang pinto kaya naagaw ko ang atensyon ng buong klase. Tingin ko ay nasa kalagitnaan sila ng klase dahil nagsusulat sa board ang prof. “So? Are you a student here in my class Ms.?” Tumango ako sa kanya pero tinitigan nya lang ako. “Ahhh, magpapakilala po ba ko?” Bigla namang tagwanan ang buong klase. Grabe na talaga ang nangyayari sa’kin ngayong araw na to. Gusto ko nang lumubog sa lupa, as in, ngayon na. “Go ahead.” “Ah. Hi! Ako nga pala si Kaylee Salvador. Transferee ako galing sa stateprovince university. Sana maging magkakaibigan tayo.” Pakiramdam ko ay center of attraction ako dahil sa pagpapakilala ko. Nasa likod kasi ako at lahat sila ay nakadungaw sa’kin. “Ok class, I think na kilala nyo na sya. Siya lang ang nag-iisang nagpakilala sa klase kaya sa tingin ko ay hindi nyo siya malilimutan.” Tumawa ang prof at tumingin uli sa’kin. Kainis. Ako lang pala ang nagpakilala. Hindi nya naman sinabi agad na hindi na kailangan yun. Bumukas ang pinto kaya nawala ang mga mata nila sa’kin, nanlaki ang mata ko dahil sa lalaking pumasok. Si Layron. Pati ba naman dito? Magiging impyerno ata ang buhay ko hangga’t nakikita ko sya. Tumahimik din ang buong klase sa pag-eksena nya. Napalingon sya sa’kin at kininditan ako. Inirapan ko na lang sya at umupo sa may bakanteng upuan. Baka may makapansin pa sa’king kilala ko sya. Tinignan ko sya sa gilid ng mga mata ko para hindi nya mapansing nakatingin ako sa kanya. Napatingin ako sa silyang nasa kanan ko. Bakante. Tsk. Wrong choice of seat. Inilibot ko ang tingin sa buong klase pero wala na kong makitang malilipatan, lahat okupado na. Dumaan sya sa harapan ko at umupo sa tabi ko. Ewan ko, bigla akong nanghina. Hindi ko talaga gusto ang mga nangyayari. Bakit ba hindi sumasangayon sa’kin ang magandang kapalaran ngayon? “Mukhang siniswerte ata ako ngayon ah?” Tss. Ikaw lang. Dapat talaga makaisip ako ng paraan na makaiwas sa kanya, ngayon pa lang. Hindi pwedeng magulo ang pag-aaral ko dahil sa kanya. “Ako naman minamalas.” Pabulong kong sagot. “Tss. Maswerte ka nga’t ikaw ang napili kong tabihan.” “Saang parte ako naging maswerte? Eh frat leader ka? Delikado. Nakakamatay.” “Tssss. Pati ikaw, alam kung sino ko? Ini-istalk mo din ako no? Isa ka rin sa mga babaeng inaalam ang lahat ng tungkol sa’kin para matikman ako. Slut.” “Kapal.” Pinigil kong sampalin sya dahil sa sinabi nya sa’kin. Humarap ako sa blackboard at huminga ng malalim. Isipin mo Kaylee ang dean, hindi ka pwedeng magkarecord.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD