3rd Scandal
Bigla akong namula dahil sa narinig ko. WTH? Sila yung nanilip sa’kin at dito rin sila pumapasok sa school na to? Ibig sabihin, palagi ko silang makikita rito? Argh. Kapag minamalas ka nga naman.
“Oi, Kaylee!” Lumapit ako kay Gail na ngayon ay nakahalukipkip at masama ang tingin. “Yung mga lalaking yun, wag mo silang papansinin. Sila yung nanilip sa’yo kaninang umaga eh. Dun din pala sila nagbo-board sa boarding house natin. Tss! Gusto mo bang lumipat na lang tayo?”
Umiling ako sa kanya at ngumiti. Hindi naman ako maarte eh, hindi naman sa gusto kong masilipan ako pero si mama na din kasi ang pumili ng boarding house na tutuluyan ko at ayoko namang mag-alala pa sya kung lilipat pa ko sa iba. Tsaka natakpan na din naman yung butas kaya ok na.
“Sigurado ka?”
“Oo”
Inirapan nya ako kaya bigla akong kinabahan. N-nagalit kaya siya?
“Hindi ako kumbinsido sa sagot mo. Pero sige, dahil magkaibigan na naman tayo, mananatili tayo dun. Ah! And one more thing, wag na wag mong kakalabanin ang lalaking yun. Layron ang pangalan nya, at bali-balitang leader sya ng isang frat. Alam mo namna siguro kung gano kadelikado ang mga yun di ba?”
Ano? Fraternity? Hindi ba’t may mga namamatay dahil dun? Dahil sa hazing na ginagawa nila sa mga members? Tss. Yabang lang naman ang dala ng mga taong yan. Porke’t nagawa nilang matapos ang mga pinapagawa ng mga myembro na, magkakaron na sila ng ganang mang-apak ng ibang tao. Yung tipong pag-aari nila ang isang lugar, kumbaga ay bawal tumapak sa teritoryo nila dahil pwede ka nilang bugbugin.
“Bakit meron dito? Hindi ba bawal yun?”
“Bawal talaga yun dito sa school. Pero hindi pa naman kasi napapatunayan na meron nga silang frat. Alam mo na, walang ebidensya. Basagulero ang mga lalaking yan, dahilan kung bakit naging sikat sila dito sa campus. Makikita mo na lang minsan sa park na meron silang binubugbog. Nakita ko na din sila isang beses, parang gera nga eh. Madaming kasama si Layron, at madami rin silang kalaban. Gang war.”
Aish. Safe ba dito sa school na napasukan ko? Nakakatakot tuloy lumabas ng school pag mag-isa ka lang. Anytime, pwede silang lumapit sa’yo at saktan ka. Pero kaya ko to, tao lang sila katulad ko. Hindi ako dapat matakot. Hindi sila Diyos.
“May namatay na ba ditong estudyante dahil sa frat?”
“Wala pa naman. Tsaka tsismis pa lang naman yung frat daw nina Layron. Sayang no? Ang gwapo pa naman.”
Hindi ko maitatanggi ang sinabi ni Gail. May itsura talaga si Layron. Mas gwapo pa nga sya kesa sa boyfriend kong si Blaine. Hindi naman pagtataksil yun di’ba? Pumuri lang ako.
“Wala naman silang ginagawa sa mga babae di ba?”
Humalakhak sya sa sinabi ko. Ano namang nakakatawa dun? Tss. Weird din ng isang to eh!
“Boys will always be boys. Syempre hilig ng mga yan ang mga babae. Dito sa maynila, sobrang daming bar. At dun! Dun ang tambayan ng mga lalaking mahilig sa makikinis na babae. Hahahaha! Pero wala pa naman akong nababalitaan na may sinaktan ang mga lalaking yan na babae. Who knows?”
Napatingin uli ako sa dako nina Aron? Err. Layron pala. Nakatingin sya sa’kin pero bigla syang nag-iwas ng tingin ng nakita ko syang nakatingin sa’kin. Napatingin ako sa shorts ko, sobrang ikli pala. Tss. Tama nga si Gail, mahilig sila sa makikinis na babae.
“Bakit dalawa lang sila?”
“Ewan ko din.” Nagkibit balikat sya at umupo sa may silya, sinundan ko sya at nagsimula na kong mag fill-up ng forms. “Pero madami ang mga yan. Pag nasa school sila, madalas na pito silang magkakasama. Yung iba kasi nilang kamyembro ay dun nag-aaral sa iba pang university. Hiwa-hiwalay. Napapaisip nga ako minsan eh, kung barkada lang ba sila o frat na talaga. Ang hilig sa away, which is hindi hilig ng mga lalaking magkakabarkada. Alam mo naman ang hilig ng mga normal na lalaki di ba? Dota. Basketball. Girls.”
Napatango ako sa sinabi nya. Mas maganda pa rin ang school namin. Walang mga gani-ganito, puro normal na estudyante lang. Siguro naman ay hindi ko sila madalas na makikita sa school na to, nakakahiya kasi dahil muntik na nilang makita ang katawan ko.
“Bakit ang dami mong alam sa kanila?”
“Sa oras kasi na makilala mo ang mga yan, maku-curious ka na. Tignan mo nga ikaw, naging matanong ka na. Ganyan din ako dati.”
Sa bagay, kilala mo dapat kung sino ang dapat mong iwasan sa school. Pumunta ko dito para mag-aral at ayoko namang maging sagabal sila sa’kin. Sa madaling salita, ayokong magkaproblema.
“Heto, tapos na kong mag-fill up. Dadalhin ko lang dun para makapag-enroll na ko.”
“Samahan na kita. Tara?”
Nagpunta kami sa isang prof na nangongolekta ng mga fill-up forms at tinignan ang form ko.
“So, you’re a transferee? Hmmm. Galing ka palang probinsya at base dito sa grades mo, matalino ka. 1.66 ang GPA? Not bad. Good luck sa pagpasok mo dito sa Wilson University. Handa ka na bang maging isang Pure Heart?”
Kumunot ang noo ko dahil sa tanong nya. Siniko ako ni Gail dahil medyo natagalan akong sumagot.
“Ah. Hehe. A-ano po yung pure heart?”
“Ah! Oo nga pala. nakalimutan kong sabihin sa’yo. Pure Heart ang tawag sa mga estudyante ng W.U. So, good luck to your journey here, and I hope that you’ll reach your dream with us.”
Tumango ako sa prof at ngumiti. Pupunta pa kami actually sa registrar para kuhanin ang registration form ko. Duon ko pa din ibibigay ang iba ko pang forms para maging estudyante na talaga ko dito.
Hindi ganun kahaba ang pila kaya nakatapos agad ako. Dumiretso ako sa cashier at nagbayad ng paunang tuition fee. Sunod naming pinuntahan ay ang Dean’s Office ng College of Information Technology and Sciences. Napagplanuhan ko na rin kasi ngayon na kumuha na ng schedule ko para hindi na ko babalik bukas.
“So, Ms. Salvador, may ilang subjects ka pala na hindi maki-credit, pero konti lang naman. Sayang. Heto, ito ang schedule mo. Good Luck dito sa Wilson University. I hope you’ll enjoy you’re stay here.”
“Salamat po mam.”
Lumabas ako at nakita ko si Gail na nag-aabang sa’kin sa may fountain. Agad ko syang pinuntahan at winagayway ang sched ko. Sa wakas, enroll na ko.
“So, isa ka na ding Pure Heart. Congrats. Ano? Tanghale na? Kain na tayo?”
Um-oo ako sa kanya at naglakad kami patungong canteen.
Pagdating namin duon ay marami ng tao pero may bakante pa namang lamesa at upuan. Duon kami pumwesto sa isang mahabang mesa dahil okupado na ang mga pandalawahan. Napagdesisyunan kong bumili ng buko juice at kaning may ulam na adobo. Pizza naman ang kay Gail.
“Lagi bang ganyan ang tanghalian mo? Buti hindi ka nananaba.”
“Hindi naman. Ngayon lang ulit.”
Sabay kaming napatingin ni Gail sa dalawang lalaking na naki share sa table namin. Napairap na lang si Gail nung nakita nya kung sino ang mga ito, ako naman ay nagmadaling kumain. Halos isubo ko na yung plato.
Pano ba naman kasi? Yung kasali sa frat ang tumabi sa’min. Nakangisi sa’kin yung kasama nung Layron habang sumisipsip sa iced water na iniinom nya. Kadiri.
“Mahilig ka pala sa B.J.?”
Bastos!
[A/N : Sa mga inosente pa po dyan, itanong nyo na lang sa mga greenminded ang B.J. Pero kung ayaw nyong madumihan ang inyong isip, mas nakakabuting wag na lang magtanong.]
Napataas ang kilay ko sa nakangising si Layron. Nagpanggap na lang ako na wala akong narinig. Ayokong magbigay ng gulo sa mismong buhay ko.
“Oh? Bakit? Pssst! Babaeng mahilig sa B.J.! Tignan mo nga ako. Nakita ko na yang katawan mo kaya wag ka ng mag-inarte dyan.”
Ramdam ko ang mga titig ng mga estudyante sa paligid. Nag-iinit na din ang buong mukha ko dahil sa sobrang hiya. Ganito ba ang mararanasan ko sa buong taon na ipapanatili ko dito? Grabe. Parang di ko kakayanin.
Sinipa ako ni Gail sa paa at nagsenyas na tumayo na kami.
“Oi! Babaeng mahilig sa B.J.! Bakit papaalis na kayo? Wala naman akong sinasabing masama ah? Whahahaha! Buko Juice ang ibig sabihin ng B.J. ko! Ano bang iniisip mo?”
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakatungo na ako dahil baka tumatak ang mukha ko sa mga tao dito at makilala pa ko sa pasukan. Ayokong mangyari yun.
Bakit ba bigla na lang syang lumapit sa’kin at nagsimulang mang-inis? Wala naman akong ginagawa sa kanya. Kung tutuusin nga, siya pa ang may atraso sa’kin. Nanilip sya. Pero hindi nya naman nakita ang katawan ko ah? Nahuli ko agad sila. Sigurado kong kaya nya sinabi yun ay para mapahiya ako. Napakasama ng lalaking yun.
“Kaylee, alam kong nabastos ka, pero dapat inupakan mo ang isang yun. Kailangan nyang matuto.”
“Ikaw na din ang nagsabi Gail, mahilig silang makipag away. Anong magagawa ko sa kanila? Ha? Wala. Baka ako pa ang mabugbog sarado.”
“Pero pag hinayaan mo silang ganyanin ka, patuloy nila yang gagawin sa’yo. Para ngang trip na trip ka nung si Layron eh.”
Damn that guy! He’s such a jerk. Kung hindi ko lang talaga alam na nakikipag away sya, sasapakin ko talaga yun. Naiinis ako. ARGH. Gusto ko syang sipain sa pinaka iingatan nyang bagay. Sa susunod na gawin nya sa’kin yun, sisipain ko talaga sya dun. Mali. Tutuhudin ko pala. Ang bastos bastos!
“I think... you’ll be the next target.”
May babaeng lumapit sa’min at halata sa ngiti at pananamit nito na isa syang liberated girl.
“Anong sabi mo?” tanong ni Gail.
“Not you, darling. She.” Tinuro nya ko at nilapitan. “Malakas ang kutob ko na isa ka sa paglalaruan ng frat leader na yun.”
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. Ano daw?
“Frat? Leader?”
“Oo. Isa syang frat leader. Si Layron. Yung bumastos sa’yo kanina? Ang swerte mo nga eh. Ang tagal tagal ko ng nagpapapansin sa lalaking yun pero binabalewala nya ko. Tss!”
Liberated nga. Gusto nyang bastusin sya ng isang lalaki? Weird Girl.
“K. Bye!” Nagwave sya sa’kin saka umalis. “ Oh! Wait! By the way, I’m Violet. Violet De Castro.”
“Teka lang!”
Nilakasan ko na ang loob ko dahil may gusto kong itanong sa kanya.
“Sabi mo, frat leader si Layron, pano mo nalaman yun? Pano mo napatunayan?”
“Hahaha!” Tumawa sya at nag evil smile sa’kin. “Bulag lang ang hindi nakakaalam nun. Tsaka gusto ko nga sya di ba? Alam ko ang mga dapat kong malaman sa kanya.” Pagkatapos nun ay dire-diretsyo na syang umalis.
Parang bumagsak ang buong mundo ko. Kanina, hula pa lang na kasama sya sa isang frat, ngayon? Kumpirmado na ngang kasama sya sa frat. Leader pa. Ano ng gagawin ko?