2nd Scandal

1571 Words
2nd Scandal “Dito Kaylee ang magiging boarding house mo. Bedspace lang naman kaya 1,200 lang every month. Malayo kasi ang bahay natin dun sa papasukan mo kaya napagdesisyunan namin ng papa mo na mag-boarding house ka na lang.” Tumango ako sa sinabi ni mama at nilibot ang tingin sa buong silid. Mayroong dalawang double deck kaya siguro’y apat kami ditong maghahati-hati. Sana lang ay mga mababait at maayos ang makakasama ko rito. Hindi rin kasi maganda na maingay ang magiging kasama mo, hindi ka masyadong makakapag-aral. “Kaylee, magsabi ka sa’kin ng totoo, hindi mo ba gusto dito? O humanap na lang muna tayo ng ibang boarding house? Nasisikipan ka ba dito?” “Ano ka ba naman ma! Ayos lang ako dito. Maganda naman tsaka hindi masikip. Wag kayong mag-alala mama, kakayanin ko ang hamon sa’kin ng maynila.” “Oh sya sige, ayusin na natin yang mga gamit mo. Ilagay na natin sa cabinet mo yang mga damit mo.” Pinigilan ko ang kamay ni mama na balak kuhanin ang bag ko, umiling na lang ako sa kanya at ako na ang nagdala sa kama ko. “Ako na ang bahala dito ma, ang mabuti pa, umuwi na po kayo sa’tin. Hinihintay na po kayo ng mga kapatid ko. Tsaka mapapagod pa kayo. Wag nyo na po akong alalahanin, sisiw lang ang gawaing to sa’kin.” Tumango si mama sa’kin at hinaplos ang likod ko. “Hay naku, ang laki mo na talaga ngayon. Hindi ka na isang baby, dalagang dalaga ka na!” “MAMA!” Ewan ko ba, ayoko talagang sinasabihan ako ni mama na hindi na ko baby at dalagang dalaga na ko. Nakakahiya kasi, para bang mama’s girl ako. “Oo na, pero dalaga ka naman talaga. May boypren na nga! Haha. Sinabihan mo ba yun na wag mambababae dun sa probinsya natin?” “Kahit hindi ko sabihin, hindi yun mambababae.” “Wag kang papasiguro, madaling maakit ang mga lalaki ng isang makinis at seksing babae. Naku! Langit sa kanila ang makakita ng ganun.” Alam ko naman. Pero hindi ganun ang pagkakakilala ko kay Blaine, he’s smart and stick-to-one. Ibang iba sya kumpara sa mga lalaking kilalang kilala ko sa school ko dati. Kung yung iba ay tititigan ang hita ng mga babaeng naka short shorts, si Blaine naman ay mananatili ang titig sa’yo. Ang sabi nga ni Hannah ay baka silahis daw yang si Blaine, pero nakumpirma ko ang totoo nyan kasarian ng binuklat ko ang cellphone nya. Collector din ang isang yun ng porn. Nung tinanong ko sya kung bakit ganun, eh hindi na daw talaga mawawala yun sa isang lalaki. Hindi nya naman daw sa’kin gagawin yun hangga’t hindi pa kami kasal. “Oh pano? Ok ka na ba talaga dyan?” “Opo ma. Wag na kayong mag-alala sa’kin. Sabi nyo nga, dalaga na ko, di ba?” “Ay sya sige, aalis na ko’t baka gutom na yung mga kapatid mo. Anlayo din kasi ng byahe natin kanina papunta dito sa maynila. Wag mong kakalimutang dumalaw sa’min minsan ah? Tinuro ko na sa’yo kung saan ang sakayan at kung anong sasakyan mo. Mag-iingat ka dito. Madami ditong magnanakaw.” “Opo.” Lumabas si mama ng kwarto ko at pumasok ang isang babae na sa tingin ko’y kaedad ko lang. Ngumiti sya sa’kin at nilagay ang bag nya sa kamang katapat ko. “Hi! Ako nga pala si Gail. Ikaw?” Inabot nya sa’kin ang kamay nya at sinuklian ko naman sya ng ngiti dahil gusto ko ng magkaroon ng kaibigan. Ang hirap ata ng nag-iisa ka, lalo na’t di mo pa kabisado ang lugar na to. “Ako naman si Kaylee. Galing akong probinsya at kararating ko lang ngayon dito sa maynila. Ikaw? Bago ka lang ba dito?” “Naku, hindi. Diyan na ko nag 1st year sa University na malapit dito sa Boarding House natin. Lumipat lang ako ngayon kasi hindi ko trip yung mga kasama ko sa kwarto dun sa pinanggalingan kong boarding house. Taga-probinsya ka pala? Hindi halata ah, masyado kang maganda para gumawa ng mga gawain sa bukid.” Naku. Magaling din palang mambola ang mga taga-maynila. Hindi naman ako masyadong maganda eh. Pero sabi nung iba, may itsura nga daw ako. Ayoko namang maniwala, baka lumaki ang ulo ko. Hahaha. “So, dun ka din ba papasok?” Tumango ako sa kanya at nagsimulang alisin ang mga damit ko sa bag na dala ko. Kailangan ko ng ayusin tong mga gamit ko. Bukas na bukas kasi ay mage-enroll na ko para sa second sem. Buti na lang at nagtake ako ng exam ng finals ng advanced kaya hindi ako masyadong mahihirapan. “Oo. Dun ako papasok. Pwede mo ba kong samahan bukas? Magpapa-enroll, may klase ka ba?” nahihiya kong tanong. “Ano ka ba! Wala na kaming klase ngayon. Sem break na no. And sure! Sasamahan kita dun. Don’t ya worry!” Maganda naman ang naging takbo ng maghapon ko. Kwentuhan lang kami ni Gail at dumating na din yung dalawa pa naming makakasama sa kwarto. Binati nila kami pero hindi pa kami magkaka-close. Sabi pa ni Gail eh hindi nya daw feel ang mga kasama namin, mukha daw maaarte. Pagdating ng gabi, hindi agad ako nakatulog. Bukod sa walang TV, naninibago pa ko sa kamang hinihigaan ko. Ganun din ang mga kasama ko pero pinilit nila ang mga sarili nila na makatulog agad. Inalis ko lahat ng iniisip ko saka pumikit. Kailangang magising ako bukas ng maaga. *** “GOOD MORNING! RISE AND SHINE!!!” Napamulat ako dahil sa sumigaw sa mismong tenga ko. Kilala ko naman kung sino yun kaya napabangon agad ako. Nakakahiya naman at ke bago bago ko dito eh magiging tulog mantika ako. “Ligo ka na! Tapos na ko. Bilisan mo’t mauunahan ka ng mga kasama natin. Feeling ko matagal maligo ang mga yan.” “Wag ka ngang maingay. Baka marinig ka ng mga yan.” “Sus. Don’t worry! Ako ang bahala sa mga yan. Kaya sige na! Ligo na. Tapos, sabayan mo kong kumain dito.” Napakamot naman ako sa ulo. Aist. Nakalimutan kong mag-grocery. Sigurado kong pagkain nya ang mga nakahain ngayon. “Oh? Ba’t nakatunganga ka lang dyan? Pasok na!” Tinulak nya ko papasok sa banyo kaya wala na kong nagawa. Napatingin ako sa buong banyo, buti naman at malinis. Ayoko kasi ng banyong madumi. Nakakadiri. Binuksan ko ang shower at nagsimulang hubadin ang mga damit ko. Nang huhubadin ko na ang bra ko ay nakakita ako ng butas sa kisame ng banyo at dun sa butas na yun ay may mata. Namula ako sa hiya kaya kinuha ko ang mop ko at sinundot sundot ang butas na yun. Buti na lang at hindi ko pa tuluyang nahuhubad ang bra ko. “BASTOS! BASTOS!” Nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng banyo kaya agad ko yung binuksan. “Bakit? Anong meron?” tanong ni Gail “M-may naninilip sa’kin dun sa butas.” “OMG! HINDI KO NAKITA YAN! BAKA NASILIPAN DIN AKO. Wait. Pupuntahan ko ang land lord at magsusumbong ako para matakpan na ang butas na yan.” Dumako ang tingin nya sa butas saka ito sinigawan. “HOY MGA MANYAK KAYO! PAPATAYIN KO KAYO.” Agad na lumabas ng banyo si Gail at nagtungo sa labas. Pumunta na muna din ako sa lamesa para makakain muna. Ginawa ko ding saplot ang aking twalya. Nang matapos akong kumain ay dumating na din si Gail at halatang bad trip. “Ok na. Wag kang mag-alala, tinakpan na ng plywood. Langyang mga lalaki! Tuwang tuwa pa sila ng sinugod ko sila. Ba’t daw ako nagagalit eh hindi naman daw ako yung nasilipan? Tss.” “Sigurado ka bang ok na?” “Oo. Nandun ako nung tinakpan yun. Wag kang mag-alala. Kung masilipan ka man, pagsisisihan nila. Hindi ka naman nila matitikman e. Pasabikin mo para mabitin. HAH! Sarap talagang patayin ng mga lalaking yan.” Pumasok na ko ng banyo at patuloy pa din sa pagbubunganga si Gail. Hinayaan ko na lang. Sino ba namang babae ang hindi magagalit pag nasilipan? Ganito pala sa maynila. Nakakatakot. Hindi malayong mare-rape ka dito. Hula ko nga eh kaedad lang namin yung mga lalaking nanilip sa’min. Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis para makaalis na kami. Gising na din ang dalawa pa naming kasama at halatang walang alam sa nangyari. Hindi na lang namin sasabihin dahil baka matakot pa sila. “Tapos na ko Gail. Tara na?” “Let’s go!” Walking distance lang naman pala ang unibersidad na papasukan ko. Hindi naman pala kaliitan, medyo malaki din. Nang makita namin ang pila ng magpapa enroll ay pumila na din kami. Alam kong mahaba ang process nito. Pupunta sa cashier, pupunta sa registrar, pupunta sa dean at kung saan saan pa. Pero mukhang mabilis namang matatapos ang pagpapa enroll ko. Madami kasing computer ang ginagamit. “Ayun ang forms! Kuha ka!” Nakita ko ang papel ng mga forms at agad na pumunta duon. Kumuha ako ng isa at tinignan iyon. “Master, hindi ba’t yun ang babaeng sinilipan natin kanina?” Napadako ang tingin ko sa lalaking kausap ng mukhang adik. Nakatingin sya sa’kin at nakangisi. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan sa mga ngising yun. “Oo. Pero mukha namang walang masisilip sa kanya. Sayang, makinis pa naman.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD