42nd Scandal Mabilis na lumipas ang tatlong araw. Nakakulong lang ako sa kwarto namin, umiiyak. Hindi ako nagsisisi sa desisyon ko dahil pamilya ko naman yun at mas mahalaga pa rin sila sa akin. Kaso, mahalaga din sa'kin si Layron. Akala ko magtatagumpay na ko sa paghihiganti kay Violet. Akala ko lang pala. Marami talagang namamatay sa maling akala, at kasama ako dun. Parang pinapatay ang puso ko. s**t. Sobrang sakit talaga. Gusto kong magwala kapag naaalala ko ang mga luhang lumandas sa pisngi ni Layron. Gusto kong aminin sa kanya ang totoo pero alam kong hindi pwede. "Kaylee, tara na. Hindi naman pwedeng dito ka lang sa kwarto. Kailangan mo ring pumasok..." yaya ni Gail. Nung unang araw ay hinayaan nya lang ako mag-iiyak pero ngayon ay pinupursige nya na akong pumasok. "Isipin mo na

