43rd Scandal

1753 Words

43rd Scandal "Tahan na, hindi naman maibabalik ng luha mo ang katotohanang naghalikan si Layron at Violet. Tanggapin mo na lang," Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak sa nakita ko. Buti at pag-uwi ko sa boarding house ay naririto na din si Alex dahil kung hindi, baka may magawa akong hindi maganda sa sarili ko. "Kaylee, totoo ba yung kumakalat na balita? Boyfriend mo na si Yael?" "H-Hindi yun totoo. Wa'g kang maniwala sa mga yun. Sinisiraan lang nila ko." "Hindi naman ako naniniwala, Kaylee. Kilala kita at isa pa, kaibigan kita." Niyakap ako ni Alex ng mahigpit at bumulong, "Kung ayaw mong sabihin sa'min ni Gail ang dahilan kung bakit nagawa mo yun kay Layron, hindi ka pa rin naman iiwan. Andito lang kami palagi sa tabi mo. Mahal ka namin bilang isang kapatid. Yun ang tatandaan mo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD