28th Scandal "Anong tinatayo tayo mo dyan ngayon sa labas ng kwarto ko?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig at tinignang mabuti ang mga nanlilisik na mata ng taong kaharap ko. Simula kahapon ay hindi nya ako nilapitan o kinulit man lang. Hindi rin sya nag abalang pumunta sa kwarto namin kahit si Bert. Hindi sa gusto kong pumunta dun, pero madalas nya kasi yung ginagawa, ang tumambay sa kwarto namin sa hindi ko malamang dahilan. Kinwento ko kay Gail ang nangyari pero ngumisi lang sya at sinabing makipag-ayos nga ako sa kumag na'to. Kahit hindi ko gusto, err... Okay. Ayaw ko ng may kaaway kaya nandito ako ngayon sa labas ng kwarto nya ay para magsorry. "Ah, tungkol dun sa kahapon.. Hindi ko nam--" "Ayos lang naman sa'kin kung ayaw mo kong makausap. Wala kang dapat ipag-alala. P

