27th Scandal "May nangyayari na ba Kaylee? Bakit parang hindi mo naman masyadong nilalapitan si Layron? Kung wala syang ginagawa, you should do the first move, dahil kung hihintayin mo sya ay walang mangyayari." Ininom ni Violet ang kapeng nasa harap nya tsaka umiling iling at parang disappointed na disappointed sa nangyayaring progress ngayon ng pakikitungo ko kay Layron. "Bakit ba kasi hindi mo na lang sya akitin? Mas madali yun kesa dito sa pinapagawa mo sa'kin." Sa totoo lang ay hindi ko talaga makita ang point kung bakit nya 'to ginagawa. Bakit sa halip na sya ang lumapit kay Layron, ako pa ang gumagawa? "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala 'yung magagawa dahil nasa'yo ngayon ang atensyon nya. Well, I don't like the fact that he really likes you. You're just too plain. Too

