26th Scandal "A-anong ginagawa mo rito, Blaine?" Nanginginig ang boses ko ng tinanong ko sya at pinilit ko ang sarili kong hindi mapaiyak dahil sa galak. "Hindi ko na kaya e. Sobrang miss na kita, kaya... dito na lang din ako sa Maynila mag-aaral." Lumapit sya sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. Ganun rin ang ginawa ko. Pakiramdam ko ay nasa Cloud 9 ako dahil sa sobrang saya. Ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong gustong itanong, pero walang lumalabas sa bibig ko. Ang gusto ko lang ngayon ay makayakap sya ng mahigpit. Pwede palang ganito na lang. Pakiramdam ko ay nasa comfort zone ko ako. Walang dapat alalahanin, walang dapat ipag-alala. Dinala ko ni Blaine sa isang restaurant na kinainan nya raw kahapon. Ang sabi nya'y magugustuhan ko rin daw ang luto duon. Siguro ay gusto nya d

