Chapter 2

1110 Words
Pagka-gising ko kinaumagahan ay may naamoy agad akong mabangong almusal. Dali-dali akong tumayo at hindi na nag-abalang ayusin man lang ang sarili. Pagkalabas ko sa kwarto ay dumeretso na ako sa kusina kung saan natagpuan ko si Kuya Jerick nagluluto ng pritong talong, tuyo at itlog na siyang mga paborito kong almusal. " Aga ng gising natin ah! " Sabi ko habang singhot-singhot parin ang kaniyang niluluto. I tried to acted like nothing happened weird last night. " Oh gising ka na pala! Upo ka na dito oh. " Sabi niya habang iminuwestra ang upuan saakin. He also acted like nothing happened. Or it's just me who's making it as a big deal? Hinidi! Erase, Erase, Erase! Hindi ko na iyon inisip pa at sumabay nalang sa pagkain kay kuya Jerick. Alas tres ng hapon ng nagdesisyon si kuya Jerick na bumisita sa kanilang bahay. Sa bahay nila Jaquie. Sabi niya ay wala 'rin silang alam na umuwi siya dito. Balak niya'ng surpresahin ang pamilya niya. Lalo na daw ako. " Kuya?! " Bulalas ni Jaquie nang makita niya ang kapatid. Naabutan namin siyang nagdidilig ng halaman sa labas nang kanilang bahay. " Surprise! " Masayang ginawaran niya ng yakap ang nakababatang kapatid. Mabilis na pumasok si Jaquie sa loob ng kanilang bahay para siguro tawagin ang kanilang ina. Masayang kong nilingon si kuya Jerick nang maglahad siya ng kamay na agad ko namang inabot. Natural na sweet at maalagain si kuya Jerick kaya 'di ko masikmura ang sinasabi ni Jaquie na may gusto 'daw saakin itong kuya niya. Malabo. Sobrang labo kasi bakit niya naman ako magugustuhan. Sobrang daming babae ang pwede niyang gawing girlfriend. Pabigat nga lang ako sa kanila eh. Laging sinasabi ng nanay nila na si Tita Josephine na okay lang daw at tanggap nila ako. Sobrang laki nang pasasalamat ko kanila dahil sila ang kumupkop sa akin. Hindi nila ako pinapayagang magtrabaho dahil kaya naman daw akong buhayin ni kuya Jerick. Sobrang laking abala ko na sila kaya sa tuwing umuuwi si kuya Jerick dito ay pinakikiusapan ko siya'ng isama ako sa Manila upang doon makapagtrabaho. Kung dito kasi ay wala akong mapapala dahil puro pagsasaka lang ang hanap buhay nang mga tao dito. Gusto kong makatulong sa kanila kahit papaano. Pero hindi nga lang pumapayag si kuya Jerick kahit aprobado naman sila Tita at si Jaquie sa gusto ko. Hindi ko alam kung bakit siya mahigpit sa akin, pero hinahayaan ko nalang dahil malaki ang respeto at utang na loob ko sa kaniya. Masaya niya akong hinatak papasok sa kanilang bahay. " Tayo na, Ashey? " Tanong niya na ikinabigla ko. " H-ha? " Sagot na tanong ko sa tanong niya. " Ang Sabi ko, pumasok na tayo sa loob. Bakit? May problema ba? " Tanong na 'rin. " A-ah! Oo, tayo na.....sa loob. " Sabi ko sabay hila na sa kaniya sa loob. " Anak?! Diyos ko. " Sabi ni tita Josephine sabay yakap sa anak. Naintindihan ko ang labis na pagka-galak nilang mag-anak sa pagbabalik ni kuya Jerick na matagal-tagal 'ding hindi naka-uwi dito. Nagsasalin ako ng juice sa mga baso sa kusina habang naghahanda naman ng pritong saging si Jaquie. " Pst! " Dinig ko mula saaking likuran kaya inikot ko ang aking ulo. Tinaasan ko ng kilay si Jaquie dahil sa tingin ko ay sa kaniya nanggaling iyon. Wala na 'rin namang ibang tao dito sa kusina bukod sa aming dalawa. " So...... kagabi pa nakauwi si kuya? " Tanong niya sabay taas ng kilay. Tumango ako. " Ahh. So tabi kayong natulog? " Tanong niya na ikinabigla ko. Umiling ako. " H-hindi. Sa couch doon sa sala siya natulog. " Sabi ko naman at kinuha na ang mga baso at inilagay sa tray para sana ihatid na sa sala ng napatigil ako sa muling pag tawag ni Jaquie saakin. " Hep! " Humarap ako sa kaniya habang hawak parin ang tray. " Bakit? " Tugon ko sabay taas ng kilay. " Bakit ka na utal? At talaga ba? Sa sala? " Sunod-sunod na tanong niya. " Bakit? At totoo, sa sala siya natulog. Alangan namang magtabi kami 'diba? Hindi porket bahay niya iyon ay kailangan na niyang tumabi sa akin diba? Eh, kung gusto niyang sa kama matulog, oh edi ako sa sala, sa couch. " Mahabang sagot ko para matigil na siya sa mga haka-haka niya. Pumalakpak siya na ikinabigla ko. " Okay. Okay. " Sabi niya habang tumatawa. "Ikaw na kabogera ng taon, sis." " Sinamaan ko siya ng tingin. " Anong kabogera ka diyan. " Sabi ko sabay talikod na at inihatid na ang mga juice sa sala. Narinig ko pa siyang tumawa pero ipinagwalang bahala ko nalang. Ilang oras 'din ang kwentuhan nila tita Josephine, kuya Jerick at Jaquie. Minsan 'din akong nakikisali sa usapan at nakikitawa 'rin minsan. Sobrang sarap sa pakiramdam habang tinitingnan ko sila na nagtatawanan. Mga munting halakhak nila ay napapangiti 'rin ako. Sobrang gaan sa pakiramdam na sa kabila ng mga hindi magandang nangyari sa akin sa nakaraan ay may mga tao paring handang tumulong saakin. Tinanggap nila ako nang walang kahit anong kapalit. Itinuring nilang pamilya. Kaya para sa akin, sila ang anghel na ipinadala ng diyos para saakin. Kahit pala sobrang pangit ng mga nangyari sa akin sa nakaraan ay hinding-hindi ako kailan man pinabayaan ng diyos. Pero hanggang ngayon ay curious parin ako sa nakaraan ko. Kung saan ba ako nanggaling, Sino ang pamilya ko....O kung meron man. May mga magulang kaya ako? O ulila na ako? Iyang mga tanong na iyan ang siyang nagpapabaliw sa akin kaya iwinaksi ko iyon sa aking isipan at tumulong nalang sa pagliligpit ng mga hugasin kahit panay ang pigil ni tita Josephine saakin. " Oh, Ma uwi nako. " Paalam ni kuya Jerick sa kaniyang mama. " Oh, sige anak mag-iingat ka. " Sagot naman ni tita Josephine. Ah, Ma, pwede bang dalhin ko si Ashey? " Tanong ni kuya Jerick na ikinabigla ko. " Ha? Anong ibig mong sabihin? " Tanong ni tita na mukhang naguguluhan 'din tulad ko. " May pag-uusapan sana kami at hindi ko na kayang ipagpabukas upang makapag-desisyon na 'rin siya. " Sabi naman niya at humarap sa akin. " Tungkol sa pagpunta niya sa Maynila at sa pagtratrabaho roon. " Pagpapatuloy niya. Agad namang ako umayos nang tayo sa naririnig. " So, pumapayag ka na kuya? " Tanong naman ni Jaquie at lumapit. Tumango lamang siya na bigla Kong ikinasaya. " Sasama ako. " Sabi ko sabay harap kina tita at Jaquie. Nagpaalam na ako sa gabing iyon na kay kuya Jerick muna natutulog dahil 'din sa pag-uusapan namin tungkol sa pagtratrabaho sa manila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD