Chapter 1: Kamote
CHAPTER 1:
Kamote
*.✧。*゚+๑˙❥˙๑.。*♡✿ ♡ ~♪♡~♪*♡✿ ˙❥˙๑.。*
*.✧。*゚+๑˙
QUEEN JANELLE'S POV
Busy ako sa pag-aayos ng mga tinda sa store kung saan ako nag p-part-time job habang hindi pa namin pasukan sa senior high, para na din may pang dagdag akong baon sa araw-araw. Bumukas ang pinto ng maliit na convenience store kung saan ako nag t-trabah,o kaya pumunta agad ako sa counter nang hindi tinitignan kung sino man ang pumasok sa store, hinintay ko na lang itong lumapit sa counter upang mag bayad.
Habang hinihintay siya ay inayos ko ang mga nasa counter, nang ilang minuto na ang lumipas ay napatingin ako sa pinto ng store kung saan nagulat ako sa aking nakita. Kaanina pa pala siya doon lamang naka tayo habang naka hawak ang kaniyang isang kamay sa frame ng pinto. Agad akong napa ngiti ng mag tama ang mga mata namin, kanina niya pa pala ako tinitignan.
"Bakit andyan ka lang? Bakit hindi ka naalis diyan at napili kung may bibilhin ka? Ano? Balak mong maging model diyan o di kaya eh, balak mong maging guard ng walang sweldo?" Natatawang tanong ko sa kaniya.
Umiling naman siya habang naka ngiti at nag lakad papalapit sa akin.
"Mukha ba akong may pera?" Natatawang sagot niya sa akin. "Ang daldal mo talaga" sabi niya nang makalapit sa akin at ginulo ang buhok ko kaya napanguso ako at inalis ang kamay niyang nasa ulo ko, ngunit hindi naman siya nag patinag.
"Oo. Mukha kang may pera, mukha ka din ngang model eh" sabi ko sa kaniya at pinag masdan siya.
Naka suot lamang siya ng luma niyang white t-shirt na medyo masikip na sa kaniya kaya bumabakat ang muscles niyang nakuha niya sa pag t-trabaho sa maagang edad. Suot din niya ang maong niyang pantalon na kumukupas na ang kulay ngunit hindi lamang nabawasan ng kaniyang kasuotan ang kaniyang ka-gwapohan.
Matangkad si Tyron na aking kaibigan. Mga 6' ata ang height niya kaya nakaka-dagdag ito ng appeal bukod sa itsura niya na hindi mo madaling mahanap sa ibang tao. Tyron has a gray eyes, chestnut brown hair, and pale white skin that made him look like an angel. Lalo siyang nag s-stand-out sa ibang mga tao lalo na dahil naiiba siya at matangkad siya, bukod doon ay napaka-gwapo niya, sobrang gwapo. As in literally, he looks like he came out of a manhwa story.
"Mukha lang pero wala talaga akong pera" sabay kaming natawa sa sagot niya.
"At least mukha diba? Haha ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya at pinag patuloy ang pag aayos ng mga gamit sa counter at ibang tinda sa likod ko.
"Sinusundo ka" maikling sagot niya kaya agad akong napatingin sa kaniya sabay taas ng aking kilay.
"Maaga pa naman ah?" Takang tanong ko sa kaniya.
Pinaghiwalay niya ang mga kilay kong nag salubong gamit ang kaniyang mga daliri kaya tinampal ko ang kamay niya paalis.
"Ano ba! Baka hindi ka nag hugas ng kamay mo tapos hahawak ka sa mukha ko! Pag ako talaga nag ka pimple!" Saway ko sa kaniya na tinawanan niya lang kaya napa-irap ako.
"Para lang po ipaalala ko saiyo, boss ma'am, hindi na po maaga mukha lang maaga pero six pm na" nakangisi niyang sabi sa akin.
Agad naman akong napatingin sa wall clock ng store at nakitang tama nga siya. Kung titingin kasi ako sa labas ay aakalain mong nasa 5pm pa lang dahil hindi pa madilim sa labas, siguro dahil July pa lang ngayon at maliwanag pa sa labas kahit 6pm na.
"Bilis na, boss ma'am nag luto pa naman ako ng paborito mo" pag mamadali nito sa akin.
Imbis na magalit ako sa pag mamadali niya sa akin habang kinukuha ko ang mga gamit ko ay naka ramdam ako ng excitement dahil sa sinabi niya.
"Talaga?!" Tanong ko at mabilis na umalis sa counter at lumapit sa kaniya.
"Ay hindi. Si Aling Marites ang nag-luto" sarcastic nitong sabi kaya napanguso ako.
"Oo. Nag bungkal ako ng kamote kanina pagkatapos kong mag trabaho kila Mang Kanor sa babuyan" bawing sagot niya at kinuha ang shoulder bag ko sa akin. Hinayaan ko na lang siyang bitbitin ito katulad ng lagi niyang ginagawa.
Napaghahalataan ko ng bakla itong best friend ko eh. Kasi kahit na sobrang pang babae ng mga gamit ko ay mahilig siyang bitbitin ito, parang pinaglalandakan niya na bakla siya gamit ang mga gamit kong pink gaya na lang ngayon. Pinag titinginan siya ng mga tao sa labas, gwapo kasi siya pero bitbit niya ay pink na bag na may ribbon. Ginawa ko lang iyon gamit ang luma kong damit pero maganda naman ang pakakagawa ko sa shoulder bag ko, nag mukha pa ngang model nito si Tyron eh.
Para talaga siyang bading pero hindi ko na lang tinatanong sa kaniya kung bading ba talaga siya, kasi kung oo ay tanggap ko naman at kung nahihiya man siyang sabihin ay kaya ko naman mag hintay hanggang sa siya ay umamin.
Hindi pa kami nakakalayo sa store ay nakita namin sa labas ang kapalit kong mag t-trabaho na si Carmen. Ngumiti at kumaway kami sa isa't-isa bago siya lumapit kay Tyron.
"Hi, Tyron! Pogi natin ah!" Bati nito kay Tyron na tinignan lang siya.
Tumaas naman ang kilay ko kay Tyron dahil hindi talaga ito namamansin ng ibang mga babae, isa sa mga reason kung bakit sa tingin ko ay bakla siya at gusto niya ay lalake, bukod sa lalake lang naman ang kinakausap niya, madalang sa babae na halos sa akin at sa Lola niya lang. Kinurot ko ng patago sa tagiliran si Tyron ng lumipas ang ilang segundo na hindi niya ito binabati pabalik habang nakatingin lang sa kawalan. Pero kahit kinurot ko na siya ay wala lang sakaniya.
Nakita ko naman na niinis si Tyron kaya hindi na ako nag pumilit pa. Hinila pa nga ako nito at nag simulang mag lakad kaya nginitian ko na lang si Carmen.
"Ah kasi, Carmen hindi kasi maganda ang pakirandam nitong si Tyron. Nag mamadali kasi kaming umuwi dahil natatae na siya, may LBM kasi si Tyron eh! Babyeee!" Kumaway pa ako kay Carmen habang marahan akong hinihila ni Tyron.
Nang makalayo kami ay tinignan ko ang itsura ni Tyron, parang wala lang sa kaniya na sinabi kong may LBM siya kay Carmen. Halatang sanay na sanay na sa kalukohan ko kaya napangiti ako sa aking sarili.
"What's funny?" Takang tanong nito kaya mas lalong napangiti ako.
"Hindi mo kasi tinanggi na may LBM ka eh" I giggled which made him smirk.
"Why would I deny the truth?" Nakangising tanong niya sa akin na nakapag patigil sa akin sa paglalakad dahil sa gulat.
"Halaaaa! Tyron ang bastos mo!! May LBM ka talaga?! Halaaaaa! Grabeee! Kaya pala ang baho mo!!" Pumunta ako sa likod niya at chineck kung may tae ba siya or wala. Tawang tawa naman siya dahil sa reaction ko.
Pagkapunta ko sa likod niya ay nakita kong malinis naman ang pwet niya, hindi naman siya natae dahil sa LBM niya.
"What? Me? Mabaho?" Nag smirk pa ito sa akin na nakita ko habang nasa likod niya ako pero nasa gilid ako. Tumango ako sa tanong niya. "At paano ka naman nakakasigurado, babae?" Humarap naman siya sa akin.
"Kasi naaamoy kita" pang-aasar ko sa kaniya. Lumapit naman siya sa akin kaya napaatras ako.
"Are you sure about that?" Seryosong tanong niya kaya tumango akong muli.
"Oo naman" sagot ko na kinakunot niya ng noo bago tumalikod muli.