CHAPTER 5

1770 Words
Nakauwi na kami ni Marian. Sinabi ko na tawagan namin si Nosgel para kamustahin siya. Sabay kami pumunta sa sala para doon namin siya tawagan. 6 PM dito sa Pinas, doon 11 PM ng gabi, sakto nasa kwarto siya. Ring lang nang ring. After ng ilang minuto, sinagot niya naman. “Hello, baby Maegelle! Kamusta ka na? Ayos ka lang ba diyan sa bahay ng bestfriend ko na si Marian? I think ayos ka lang dahil mabait naman yan. Wag mo lang kunin mga chichirya niya; makita mo ang kanyang mata na parang kuwago.” “Nandito siya katabi ko, ate Nosgel,” tugon ko. “Anu 'yon, bestfriend? May sinasabi ka ba?” “Wala akong sinasabi, bestfriend. Kamusta na kayo nila tatay at nanay? Namiss ko na kayo.” Bigla na lang umiiyak ang mag-bestfriend, kaya tuloy ako napaluha. “Maegelle, tumawag na ba ang ate mo sa'yo?” “Hindi pa nga, ate Nosgel, kaya nag-aalala ako sa kanya,” wika niya. “Anu ka ba, Maegelle? Wag mo isipin ate mo kahit magkamukha kayo,” para kalabaw naman yun. Pero wag mo na sabihin kapag tumawag siya sa'yo, baka block niya naman ako sa social media, alam mo naman si ate mo. “I got you, ate Nosgel. Salamat pala sa lahat ha, hindi pa ako nakapagpasalamat sa'yo.” “Anu ka ba, ayos lang yun kasi naman baka mapatay ako ng ate mo, kalabaw,” sabay kami tumawa. “Bestfriend, kailan uwi mo? Gusto ko na sumayaw eh na kasama ka,” alam mo naman ako, matatakutin kapag gabi, tanong ni Marian sa kanya. “Naku, hindi pa ako makakauwi, bestfriend. Alam mo naman ang mama ko, yung mga naipundar ko na kaunti, pinagbibinta na, kaya ito, hindi pa makauwi.” Pero isang taon siguro, malaman natin, bestfriend. Subukan mong magpaligaw dyan, patay sila sa akin. Sabihin ko kay author, hindi sa'yo ibigay ang kaibigan ni secret, bestfriend. Anu balita dyan, bestfriend? “Naku, ganun pa rin! Alam mo ba yung nanglait sa'yo sa social media? ‘Yon, nabuntis ngayon, wala pang ama ang anak. Kawawa nga ang bata, lagi binu-bully ng mga bata dito sa atin.” “Kamusta naman si baklang Mary?” “Hay naku, balita ko nag-Japan. Yun, naka-sungkit ng hapon, kaya ngayon lahat ng pamilya niya, kinuha niya dito sa baryo at dinala doon.” “Di wow! Sila na ang sagana sa blessings. Yung kumuha ng bitukang baboy na chichirya mo?” “Haist yun, buntis kada taon, nanganak,” sagot niya kay Nosgel. “Maegelle, bakit natahimik ka?” “Wala! Na-miss ko lang si ate Carlyn,” sagot naman ni Maegelle kay Nosgel. “Naku, baka kung anu-anong pinaguutos ng Chinese na adik sa ate mo.” “Kaya nga eh, basta mag-ingat kayo lagi dyan, lalo ka na Maegelle, ha!” “Oo naman, ate Nosgel. Siya pala, mag-work kami ni Marian sa barangay. Anu nga tawag doon, Marian? ‘Yong tutulungan natin ang mga BHW.” “Mas ayos na yan kaysa lumayo kayong dalawa; baka mapahamak pa kayo. Maegelle, wag ka muna mag-post sa social media para hindi ka matunton ng Chinese na hilaw.” “I got you, Nosgel. Hintayin ko tawag ni ate kung pwede na ba o hindi pa.” “Paano na yan? Gabi na dito, maaga pa ako bukas. Sa sunod na lang ulit, mag-ingat kayo dyan, bestfriend. Sila nanay at tatay, paki-sabi kamusta.” “Noted po, bestfriend. Ingat ka din dyan. I love you,” wika niya. “Mas mahal ko kayong dalawa, kasama ang ate mo, kalabaw Maegelle.” Pagkatapos naming tawagan si Nosgel, pumasok na kami sa sarili naming kwarto. Dito ka magtataka, kahit sa probinsya, na may sariling kwarto para sa mga bisita na dumadating. Kahit si Nosgel, mayroon, at sa kwarto niya, makikita mo ang puro larawan ng mga paborito niyang band. Jusko, ako'y napahanga kasi puro larawan ng BTS band ng Korea. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang agent na iyon; sana mayroon akong pagkakataon na makausap ko siya para makahingi ako ng tulong. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Tulad ng dati, maaga akong nagising, kaya nagluto ako ng almusal namin ni Marian. Para ready na kami pumasok sa center mamaya; sayang din kasi. Ang binibigay na sahod ay 2500 bawat isa sa amin kung dalawa kami. Ang kita namin sa isang araw ay 5000. Pwede naming ipunin para ipagbukas nalang namin ng sari-sari store para kay nanay at tatay… para mayroon silang pagkaabalahan. Pumasok na kami ni Marian; pareho kaming naka-loose pants para mas makagalaw kami at pinagsama ang blouse. Syempre, hindi mawawala ang sunblock ko; baka lumaki naman ang mata ni Marian. Oops, wag niyo sabihan mga reader, ah! Secret lang natin. “Good morning, Kapitan Reyes,” bati naming dalawa ni Maegelle. “Good morning din. Sige, doon na kayo sa center para makapag-umpisa na kayo.” “Okay, Kapitan. Hello, ma'am, kami ‘yun pinadala ni Kapitan para tulungan kayo sa araw-araw.” “Hala, kayo pala yun! Ang gaganda ninyo, ha!” “Maliit na bagay, ika ni Marian, kaya siniko ko siya; natawa lang si doktora.” “Yung gagawin niyo para maging maayos ang lahat para sa mga buntis at sanggol.” “Okay po, doktora Sanchez,” wika namin. “Sige, ako ang taga-timbang ng mga sanggol; si Marian naman ang taga-kuha ng dugo ng buntis. Nang makita ko ang oras, ay 12 ng tanghali. Sinitsitan ko si Marian na para kumain muna kami. Nagpaalam kami kay doktora. “Sige, mga 1 PM ulit kayo mag-umpisa,” wika nito. “Okay po, doktora. Paano po, tutuloy na kami?” Tumungo lang sa amin si doktora. Ito naman si Marian, parang osang naman; yun, nakipagkwentuhan pa naman kay doktora, keso ang bait-bait daw at kung anu-ano pa ang sinabi para lang sa kanto ng Ermita, eh! Umiiling nalang ako, mag-bestfriend nga kayo ni ate Nosgel. Hinila ko siya sa canteen. “Ate, isang kanin! Isang tortang talong, pahingi na lang din ako ng sabaw.” “Ate, ako din, kagaya sa kanya,” wika nito. “Okay, mga binibining maganda,” tugon nito. Sabay hampas ng buhok itong si Marian, at tumawa lang ako. Ganito din siya sa baryo namin. Sobrang bait ng kapitan natin; libre ang pagkain natin. Sana araw-araw ganito, wika ni Marian habang sinusubo ang huling pagkain. Tapos na kaming kumain. Naglakad-lakad kami ni Marian para matunaw kami. Tapos, dumiretso na kami ulit sa center. Ang daming sanggol at mga buntis; jusko, nakaya nila manganak ng manganak taon-taon. Oras na ng uwi, kaya dumiretso na kami sa barangay para kunin ang sahod. “Kapitan, tawag namin.” “Kayo pala, kunin niyo nalang sa secretary ko, ha?” wika niya. “Noted, Kapitan. Salamat,” ani namin. “Salamat sa inyo ng marami,” tugon nito. Pauwi na kami nang dumaan muna kami kay Aling Lerma para bumili ng tocino para yun na lang ang ulam namin, saka bumili kami ng 1.5 na Coke. Lahat ng sahod ko, binigay ko kay Marian; wala naman akong kailangan bilhin pa. Kasi kumpleto ako sa gamit, kasi nakaraang buwan, malaki ang binigay sa akin ni Ate, kaya lahat ng kailangan ko, binili ko, lalo na ang sunblock. “Mother Earth, Father Earth, narito na kami ni Maegelle,” sigaw ni Marian, kaya natatawa na lang ako. “Upo muna kayo, mga anak. Ano ang dala ninyo?” “Ulam natin, Nanay. Bumili na kami kay Aling Lerma,” wika ni Marian. “Siya, ako ang magluluto para makapagpahinga kayong dalawa! Palit muna kayo ng damit ninyo.” “Salamat, Nanay,” sabay kaming umakyat sa taas. “Maegelle, Marian, kain na muna tayo; luto na ang hapunan natin.” Kumain na kami, at si Nanay na rin ang naghugas ng plato, kaya dumiretso kami sa sala para manood ng variety show na paborito namin. “Gwapo talaga ni Sanghun, ano?” “Hindi ko bet ang mga Korean boys, Marian; bet ko yung mga parang Chinese ang dating. Tapos, nang matapos na ang pinapanood namin, nagdesisyon kaming magkape sa labas ng bahay. May upuan kasi doon, bitbit ang kape, saka kami umupo, nakaharap sa dagat. Maaga pa naman, kaya nagkwento ako kay Marian. Nakikinig lang siya habang humihigop ng kape niya. “Alam mo, Marian, wala akong iniisip dati kundi ang sarili ko lang. Nang buhay pa ang mga magulang namin, pero nagbago ang lahat nang mawala ang mga magulang namin, at doon nagsimula ang kalbaryo namin ng ate ko.” Kaya nagdesisyon siya na umuwi muna ako sa Marinduque. Kasi hindi nila alam ang lugar na iyon. Sa mga naghahanap sa akin, doon ako tinago ng ate, na may binili siyang properties sa pamamagitan ni Ate Nosgel. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa bestfriend mo. Kasi kahit ano ang utos sa kanya ng ate ko, sinusunod niya. Hindi ko alam kung paano sila naging magkaibigan ng ate ko. Basta ang sabi ng ate ko sa akin, mapagkakatiwalaan siya. Which is totoo naman, napatunayan ko na, mahaba kong kwento sa kanya. “Alam ba, Maegelle, si bestfriend kasi kapag nagtiwala yan, sobra-sobra. Kaya lang, minsan yan din ang kahinaan niya. Kita mo ba, may problema yan sa pamilya niya, pero hindi ko narinig na dumaing yan; ganyan siya katapang. Kaya hindi ako magtataka kung kaya ng ate ko magtiwala sa bestfriend ko.” Ako din, ganun din! Kaya kami ngayon mag-bestfriend. Alam mo ba, Marian, kung saan kami nagkita ni Nosgel? Sa isang group page ng isang author na nagsusulat ng mga novela. Kasi mahilig din kami magbasa. Una, bardagulan lang kami hanggang ako nanalo sa pa-games ni author; ang prize 5000. ‘Yun tinawag niya ako pated. Na biro lang, kaya 'yun binigay ko siya. Doon nag-start ang lahat. Pero ngayon, halos hindi na kami makabasa kasi lagi na rin akong busy at si Nosgel din. Hala, Maegelle, matulog na tayo; maaga pa tayo bukas. “Sige, goodnight, Marian.” “Sa'yo din, Maegelle.” Humiga na ako sa higaan ko at pumikit, nagdasal para makatulog na. “Naririnig ko ang tilaok ng manok. Napatingin ako sa orasan; umaga na pala. Bumangon ako, diretso sa banyo para mamaya magpalit na lang ako ng damit. Bumaba ako sa kusina, nag-prito ako ng itlog at nagsangag ako ng tirang kanin namin kagabi. Nagtimpla na rin ako ng kape. Nang may narinig akong mga yapak ng paa; sila nanay at tatay pala. “Ikaw pala ang nagluto. Saglit, gisingin ko muna ang sleeping beauty natin,” natawa na lang kami ni tatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD