Ngayon araw ang punta namin sa Palawan at Mindoro para matapos na ang mga nawawalang kabataan. Nainis na ako.
“Officer Mr. Parker,” ngayon ang lakad natin. Ready na ba ang lahat ng agent natin?
“Yes, command mo na lang ang kulang,” tugon nito.
Nakarating na kami sa kuta ng mga walanghiya. Naka-ready ang lahat, pati ang ibang agent at ibang sangay ng kapulisan. Syempre, nakaready din ako; lagi akong ready.
“EVERYONE! I'M COUNTING! YOU KNOW WHAT I MEAN.”
One.
Two.
Three. Sumugod na kami sa loob ng kuta ng mga tukmol. Sumenyas ako na may tao sa isang agent. Binaril ni agent one.
Patay.
Tumakbo ako sa may pintuan. Nang malapit na ako sa pinto, nakita ko ang isang kalaban sa taas na isang sniper. Bigla akong nilundag at hinuli ko ang kanyang leeg at pinilipit. Lumingo ako sa kasamahan ko; lahat sila ay may kanya-kanyang katunggali.
Dumeretso ako sa taas at may nakita akong isang kwarto na tingin ko ay doon ang mga kabataang nawawala. Bigla kong binuksan ang pinto, at doon nga ang mga kabataan na umiiyak. Hinanap ko si Eneng at nakita ko siyang tumatakbo patungo sa akin.
“Sir…!”
Bigla ko na lang siyang niyakap, “Ligtas na kayo, huwag ka nang umiyak.”
“Sir, may isang room sa baba; nandoon ang mastermind nila, sir,” wika ni Eneng.
“Okay, dahan-dahan lang, guys. Ako muna bago kayo.” Nang sa may pinto kami, nakita ko si Mr. Parker, isang agent na pulis, na pumasok, kaya binigay ko sa kanila ang mga bata.
Saka ako sumenyas na bababa ako, dahil may isang room tulad ng sinasabi ni Eneng.
“Tumungo lang sila.”
Bigla akong dinamba ang pinto. Nagulat ako, may nakaabang na pala. Bigla akong tumambling papunta sa kabila. Doon ako dumapa at binaril ko siya sa binti, sapul. Saka ako tumayo at binaril ko ang ulo.
Boom, bagsak.
Nakita ko ang mastermind, nanggigigil ako. Nilundag ko siya sabay hila ng baril na hawak niya. Nabitawan naman ng ugok, doon ko sinuntok sa mukha. Sinipa ko, sinuntok ulit sa may bungo.
"f**k you. Dami mong sinira na buhay. Ito dapat sa'yo," sinuntok ko ng sabay-sabay na parang punch bag. Hiningal ako, pero hindi ko tinigilan ang gago. Nakita ko sa peripheral vision ko na pumasok ang mga agent.
“Sir, kami na po ang bahala sa kanya.”
“Saka ko tinigilan ang gago. Dalhin niyo sa kulungan. Kapag yan nakatakas, kayong tatlo ang mananagot sa akin,” it's clear.
“Yes, sir.”
Saka ako lumabas, hinahanap ko ang mga bata kung saan nila pinasakay. Nakita ko si Eneng na kinausap ng isang kasamahan ko.
“Ening, halika na at sumabay ka sa akin,” yaya ko sa kanya. Saka naman siya bumaba sa sasakyan at pumunta sa akin. Humawak siya sa kamay ko.
“Sir, paano niyo po nalaman na nawawala ako?”
“Pumunta ako sa inyo at nakausap ko ang magulang ni Eneng. Ano ba ang nangyari? Kwento mo nga sa akin.” Habang sinasalaysay niya sa akin kung paano siya nakuha ng mga adik na iyon, umiiyak siya. “Wag ka nang umiyak, ngayon ligtas ka na.”
Pauwi na kami nang napatingin ako sa daan at nakita ko naman ang babaeng nakita ko sa Balintawak Mall. Napahinto ako. Nagulat pa si Eneng, bakit kami huminto?
“Sir, bakit?”
“Wala, may nakita lang ako. Sana magkita ulit kami; napakaganda niya, ang kinis niya. Wika ng utak niya, nakangiti pa yata.” Daan muna tayo sa bakery, bili tayo ng tinapay bago kita ihatid sa inyo, eneng. Yan, dalhin mo na lahat sa inyo. Sa susunod, kapag inutusan ka ng magulang mo, sabihin mo na kapag gabi sila ang bumili.
“Okay po, Sir pogi, salamat ng marami.”
Umuwi na ako para makapagpahinga. Bukas, sa Mindoro ulit kami para e-raid.
Another day!
Nakaready na ako para sa pagdalaw sa probinsya ni Nanay Fe. Tinanong ko siya kung saan banda ang kanyang bahay. Nagulat siya kasi sa lugar niya ang sunod na mission. Sinabi ko na din kung bakit.
"Alam mo ba, iho, doon sa lugar namin marami ang nagtitinda ng droga, lalo na sa Caminawit. Yan din ang problema ng kapitan doon; kadalasan ang mga kabataan. Siguro dahil sa hirap ng buhay, sino ba ang hindi papasok sa ganyan, kung kapalit naman ay limpak-limpak na pera."
Kaya lang, mga kabataan din minsan napapahamak sa ganitong uri ng hanapbuhay. Sana nga masugpo ninyo! Mag-ingat kayo doon.
Masarap din doon ang mga pagkain, iho, at maraming sariwang isda.
“Talaga, Nanay? Sige, hayaan ninyo, pag-uwi ko, magdadala ako,” kasama ko pala si Mr. Parker, Nanay Lita.
"Talaga, iho? Hindi na ako mag-aalala, magkasama pala kayo."
Umakyat na ako sa kwarto. Tulad ng dati, mag-isa naman ako. Dumeritso muna ako sa balkonahe para makapagpahangin.
Tumingala ako sa langit, gaya ng dati noong maliit pa ako. Kinakausap ko ang mga tala sa langit. Nakakatuwa, diba? Dahil gawain ito ng mga batang maliit. Nais humiling sa langit, pero sa tulad ko, hindi na pwede. Naubos ko na pala ang kape, pumasok muna ako sa secret room, tumingin ako kung ano ang nangyayari sa nasasakupan ko.
Ang lahat ay nasa ayos, kaya nakahinga ako ng maluwag. Alam ko naman disiplinado ang The Grim Brotherhood, hindi dahil takot sila sa akin, kundi dahil mayroon kaming pagkakaisa at respeto sa bawat mamamayan, mahirap man o mayaman.
Tinawagan ko na rin ang butler ko, si Lason, kung may problema sa financial. Minsan kasi nagkaroon kami ng problema, buti naagapan namin ito kasama ng mga kasamahan ko sa organisasyon. Malaki ang pasalamat ko dahil nagtutulungan kami. Yun ang kinagawian namin sa mga magulang namin, kaya naging matatag ang The Grim Brotherhood.
“Okay, salamat butler. Kamusta ang anim? Pumunta ba diyan?” tanong ko ulit.
"Yes, Lord. Si Mr. Bryson lang ang hindi, pero itong mga nakaraang araw, si Mr. Knoxx madalang din pumunta."
"Ako na ang mag-uupdate sa kanila. Salamat anyway."
Pagkatapos ng call ko, nag-email agad ako sa mga ito, pati sa social media nila na halos naka-off ang kanilang account. Ano kaya ang problema nila?
Lumabas na ako sa secret room ko para makapaglinis ng katawan. Kailangan may maayos akong tulog dahil maaga akong papasok bukas para pag-usapan ang pagsugod sa Mindoro.
Matapos akong maligo, nagbihis na ako ng pangtulog. Pagkababa ko, nakita ko si Nanay Fe. Hindi na ako makakain; busog pa naman ako.
"Ikaw bahala, iho. Sige, goodnight. Ilalagay ko na lang ito sa refrigerator; kung magutom ka, initin mo na lang."
"Okay."
Paggising ko, 5 AM pa lang, kaya naligo na din ako para hindi ako abutan ng traffic sa daan. Bumaba na ako para mag-almusal. Nakita ko si Nanay Fe. "Morning, Nay! Ang aga niyo po. Kaya ko naman po mag-prepare ng almusal ko."
"Good morning din, iho. Hayaan mo na si Nanay Fe; alam mo naman, nasanay ako na ako lagi ang gumagawa ng mga ganito. Ito na ang kape mo. Ano ang gusto mo, fried rice o magtinapay ka na lang, with salad? Gusto mo ba magbaon ng makakain mo sa trabaho? Alam ko, hindi mo maintindihan. Baka mamaya dito ka pa kumain. Isipin mo lagi ang kalusugan, iho; wala ka pang pamilya."