SAVVY POV
As usual, pumasok naman ako at napadaan ako kung saan ko nakita na umiiyak ang batang babae na tinulungan ko. Sakto naman, naroon din ang limang lalaki na nang-bully sa kanya, kaya't tinanong ko sila.
“Mga buddy, napapansin niyo ba ang dalagitang binully niyo?” tanong ko.
“Sir, hindi namin siya nakikita ng ilang araw na,” tugon ng pinakalider ng grupo nila.
“Ganun ba! Alam niyo ba kung saan ang bahay nila?”
“Oo sir, Baldor. Pare, samahan natin si sir officer.”
“Walang problema, pareng Rom,” ani niya.
Sabay-sabay kaming naglakad; mga ilang kanto din ang aming nilakaran.
“Yan sir, ang bahay nila,” tugon na tinatawag nilang Baldor.
“Sige, kumatok kayo…”
“Tao po! Tao po! Tao po!”
“Bakit, ano ang kailangan niyo?” tanong ng isang babae na para bang lumuluha pa.
“Pwede po magtanong, dito po ba nakatira ang isang dalagita na ang pangalan ay Ineng?”
“Oo, sa katunayan nga, ako ang nanay niya. Hinahanap po kasi ng isang pulis, officer ma'am.”
“Aling Melba, nalang, sige, pasok muna kayo.”
“Sir, pasok daw tayo.”
“Diyan nalang kayo magbantay. Kapag nagpasaway kayong lima, magtago na kayo.”
“Hala sir, masyado kang judgmental. Dito lang kami.”
“Aling Melba, ako pala si Savvy, isang agent,” simula kong wika.
“Ganun ba? Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo, sir?” tugon niya.
“Pumunta ako dito para alamin kung saan yung anak niyo, si Ening,” umiiyak na nakatingin lang sa akin.
“Katunayan yan, sir. Hinahanap siya ng asawa ko at mga kuya niya noong inutusan ko lang na bumili ng suka at tuyo; hindi na bumalik, sir. Nag-aalala na po ako, ilang araw na rin.
“Nag-report na ba kayo sa kapulisan natin?”
“Wala pa, sir. Hinihintay ko pa ang mag-ama ko.”
“Ganun ba, Aling Melba! Sige po, Aling Melba, tutulong ako sa paghahanap sa kanya kasama ng mga kasamahan ko… Meron kasi ngayong balita na kinukuha ng mga sindikato ang mga kabataan para pagtindahin ng droga sa iba't ibang lugar o bansa.
“Mahaging langit, wag naman sana,” umiiyak na sabi ng ginang.
“Niyakap ko na lang… Paano magpapaalam na ako? Yung sinasabi ko, gagawin ko,” wika ko.
“Salamat, sir.”
Umalis na ako; dumeritso na ako sa NBI Building.
Maegelle Pov
GUMISING na ako kahit 4:30 palang nang madaling araw. Nagluto na ako ng almusal namin para hindi lagi ako nalang ang inaasikaso nila; nakakahiya. Sumagi sa isipin ko si ate Carlyn.
Kaya nais ko tawagan mamaya si Nosgel, baka isipin niya hindi ko na siya naalala, pero dalawa kami ni Marian.
“Magandang umaga, Maegelle,” bati ng kanyang naging magulang.
“Magandang araw, kain na po tayo. Ako na po ang nagluto; maaga akong nagising.”
“Salamat, Maegelle. Dapat ginising mo din si Marian para may kasama ka,” wika nito.
“Napagod po yata siya pagtinda at pag-akyat sa bangka kahapon. Kaya,” hindi ko na ginising.
“Magandang araw, mahal na reyna Marian, kain na tayo,” saad nila na nakangiti.
“Magandang buhay sa inyo, salamat,” nag-vow pa na kala ay Reyna talaga.
Habang kumakain kami, nagsalita ako.
“Nanay, Tatay, pwede bang mag-work kami ni Marian, kahit po sa bayan lang? Para makatulong ako sa inyo, Nanay.”
“Kung yan ang gusto mo, Maegelle. Mag-usap kayo ni Marian; ayaw niya talagang mapalayo sa amin,” kala mo sanggol, wika nito.
Si Marian, para wala siyang naririnig. Tuloy lang ang kain.
“Mamaya na tayo mag-usap; kain muna tayo. Sarap ng luto mo, Maegelle,” ika ni Marian sa akin.
“Ngumiti lang ako… ako na rin ang maghuhugas ng pinagkainan natin.”
“Maegelle, sama ka ba ulit? Sabi kasi ni Duday, mayroon daw basnig na parating, sobrang laki at maraming huli,” wika niya habang nagpupunas ng lamesa.
“Sige, pagkatapos natin, magpapalit muna ako ng damit at maglalagay ng sunblock.”
“Sige, hintayin kita sa labas; may dala na akong balde.”
Habang papunta kami sa dalampasigan, nag-usap kami tungkol sa plano; wala daw problema. Nang makita namin ang basnig at may kakilala siya, bigla niyang tinawag. Kala ko sa una, dedmahin lang siya, pero bigla siyang nagsalita at sumigaw si Marian.
“Kuya Ernesto, pahingi ng isda…!”
“Ikaw pala, Marian. Akin na ang balde mo at gagawin ko ng dalawa. Balde, bibigay ko sa'yo ang isda; naka-jackpot kami ngayon araw, eh.” Bakit parang namumula yang kasama mo?
“Ganyan talaga siya, Kuya Ernesto, dahil sa init,” tugon ni Marian.
“Yan na, Marian. Marami akong nilagay sa balde niyo; iba tinda niyo,” ani nito sa kanila.
“Oo, Kuya, salamat,” tugon niya.
“Salamat po, Kuya,” wika ko rin.
Nabenta namin agad ang lahat ng isda. Bumili na rin kami ng pagkain para sa isang linggo.
“Maegelle, bili tayo ng karne; may tira pa tayong 500,” wika ni Marian.
“Ikaw ang bahala, Marian,” tugon niya.
Nakabili na siya ng lahat ng gusto niya.
“Okey, may tira pa ulit. Bili na lang natin ng lumpia yung chichirya,” ani niya.
Hindi ko akalain na masasanay ako sa buhay na ganito. Una, nahirapan ako, pero lagi nandiyan sila para sa akin. Ginagawa ko rin ang lahat para masanay ako sa buhay na mayroon sila. Kahit lagi nagpapadala ang ate ko, mas okay na masanay ako.
Pagkatapos naming bilhin ang kailangan, umuwi na kami para makaluto na kami ng ulam.
“Tara na,” yaya sa akin ni Marian.
Habang naglalakad kami pauwi, naisip ko hanggang kailan ako sa kanila. Sobrang mahal ko sila, lalo si Marian, dahil siya ang kasama ko sa lahat. Dahil din sa akin, hindi na rin lumayo si Marian sa magulang niya. Tulad ng sinabi ko, may natatanggap siya galing sa kanyang kaibigan. Kaya masaya ako; dito ako iniwan, ramdam ko na ligtas ako sa kanila. Isa pa, gusto kong lagi kaming pumunta sa dagat at manghuli ng isda. Kami din ang magtitinda. Sarap ng buhay talaga, simple lang pero payapa. Sana dito na ako manirahan sa kanila habang buhay, pero alam ko may hangganan ang lahat.
“Marian,” tawag ko sa kanya. Napalingon naman siya.
"Bakit, ano naman ang iniisip mo? Kung iniisip mo na tatagal ka dito sa amin, pwede naman at lagi kang tatanggapin, dahil simula nang binilin ka sa akin ng best friend ko,” ikaw na naging bunsong kapatid ko. Halika ka nga dito para mayakap kita. Nag-iisip ka naman, huwag mong isipin ang dalawa; mga pangit sila. Ayos lang kung ano-ano ang sabihin ko sa kanila, takot sila sa akin! Ako pa ba?" sabay tawa naming dalawa. "Bilisan natin para maluto ang mga ito."
“Okay.”
"Ikaw na muna ang maglinis ng katawan; ako na muna ang bahala sa kusina," wika ni Marian.
Umakyat na ako sa kwarto at napatingin ako sa picture namin ni ate Carlyn at Nosgel. Miss ko na kayong dalawa. Pwede ba tumawag kayo, please? Napansin ko nalang tumutulo ang mga luha ko. Pinunasan ko ang aking mata dahil baka tawagin ako ni Marian; ayaw niya akong nakikitang umiiyak. Kaya bago niya malaman, pinunasan ko na ang aking mata. Matang lawin pa naman yun. Pumunta na ako sa banyo para makapaglinis ng katawan. Pagkatapos ko, sakto nakasalubong ko siya sa hagdan. "Tapos ka na ba magluto?" tanong ko.
"Nope! Dumating si Mother Earth," kaya yun, makakalinis na ako ng katawan ko.
"Nay, magpahinga na po kayo. Alam ko na yan at nasanay na din ako magluto."
"Ako na lang, anak. Timplahan mo nalang ako ng kape," pati si tatay mo nandiyan sa labas.
"Okay, Nanay. Ito na ang kape niyo. Ibigay ko din para kay tatay," tawag ko.