**Maegelle Mallory Point of View**
Simula nang sinilang ako, kailangan kong magtago dahil gusto nila akong patayin; may nais silang kunin sa akin. Kahit ang organisasyon na iyon ay pinamumunuan ng mga magulang ko bago sila pinatay. Ang organisasyon na iyon ay dati nang binuwag ng aking mga magulang. Dahil doon, tinago ako ng ate ko at lumaki ako sa ibang tao. Noong una, hindi ko maunawaan, pero nang pinaunawa sa akin ng ate Carlyn, naunawaan ko siya.
Umalis ang ate ko at pumunta siya sa Amerika para ipaayos ang kanyang mukha, na mukha ko, para hindi maghinala ang grupo ng The Shadow Council. Kaya nang bumalik siya, halos magkamukha kami at pareho ang body figure namin. Kaya halos hindi nagtataka ang The Shadow Council. Siya ay ako, at ang alam nila ay isa lang ang anak ng Mallory family.
Sa ganun pa man, natuto akong magtrabaho para sa sarili ko. Nakaasa ako sa kaibigan ni Nosgel Jadia, na kaibigan ng ate Carlyn ko. Sa kanya ako hinabilin ni ate dahil mapagkatiwalaan siya. Sa ngayon, sa Qatar siya nagtatrabaho para sa pamilya na wala nang iniisip kundi kwarta.
Kaya nagpapasalamat ako kay Marian Valdemar, na matalik na kaibigan ni ate Nosgel. Dahil halos hindi siya nagtatanong kung bakit sa kanya ako pinasa ni ate Nosgel.
Minsan, napadaan ako sa Balintawak Mall at nakita ko kung paano niya patayin ang mga nang-hostage; halos hindi ako makahinga. Para bang napakadali sa kanya ang ganung trabaho. Sino kaya siya? Ani ko sa isip ko.
Napakagaling niya naman. Paano kung bigla akong lumapit sa kanya at humingi ng tulong? Tutulungan niya kaya ako?
Bago ang lahat, magpakilala muna ako: si Maegelle Mallory, 24 years old, isa akong pinanganak na may ginintuang kutis. Nagbago ang lahat nang mamatay ang mga magulang ko; halos ayaw akong ilabas sa publiko ni daddy. Lagi na lang si ate, si ate Carlyn, na magaling sa lahat; tinuruan siya ni mommy at daddy. Pero sa lahat ng iyon, hindi ako nakaramdam ng panibugho sa damdamin ko kasi naniniwala akong may dahilan.
Ngayon, naunawaan ko na ang lahat. Naawa ako sa ate ko kasi ginagawa siyang robot ng The Shadows Council na pinangungunahan ni Don Nichoss, isang Chinese. Wala akong magawa kundi magdasal.
Bigla akong tinawag ni Marian.
“Hoy Maegelle, ano naman naisip mo? At bakit gusto mo pang umiiyak? Tandaan mo, kahit wala dito ang bestfriend ko si Nosgel, maasahan mo ako. Huwag kang malungkot, maniwala tayo sa Diyos, ang lahat ay may hangganan. Maligo tayo sa dagat, mayroon bangka na nakadaong, manghingi tayo ng isda.”“Sige, basta wag ka na lang malungkot. Kung gusto mo ng kausap o magkwento, makikinig lang kami sa'yo. Hindi ka namin huhusgahan, nila nanay at tatay,” tugon nito.
“Sige, Marian, salamat sa inyo,” wika niya.
“Anu ka ba, wala yun! Kita mo, mabait ang magulang ko, diba? Yun lang, hindi kagaya ng iba na sagana. Kami hampaslupa, kaya lang hindi halata, tapos sa tabing dagat pa ang bahay namin.”
“Ayus lang 'yan, Marian,” basta punta na tayo sa dagat.
“Sige ba, basta huwag mong kalimutan ang sunblock mo, baka mamula ka naman. Mamaya, lumaki ang mata ng best friend ko, Nosgel. Alam mo naman 'yun, tariray pa sa tariray,” pero huwag mo sabihin. Secret lang natin.
Kaya tumungo kami sa dagat; sakto naman, may bangka na padaong sa pangpang.
‘Yon, nakahingi kami ng isda at nakadalawa pa kaming balde. Ang iba, binta namin ni Marian. Mapabilib ka talaga kay Marian kasi sanay na sanay siya humingi ng isda at mangbola.
Nakatingin ako sa kanya. Ang totoo, graduate siya ng kolehiyo. Pero hindi siya nakapag-isip na pumunta sa Maynila. Ayaw niyang iwan ang mga magulang niya; masyado niyang mahal ang mga ito, na dapat naman.
Nakabili kami ng groceries para sa isang linggo. Masaya kami, nakauwi na hawak-kamay pa.
“Mamaya, nood tayo ng TV. Yung dream team variety show ng Korea, gusto ko 'yon,” wika niya kay Marian.
“Sige, basta wag ka na lang laging malungkot. Kung gusto mo ng kausap o magkwento, makikinig lang kami sa iyo. Hindi ka namin huhusgahan, nila nanay at tatay,” tugon nito.
“Sige, salamat,” umakyat na ako sa kwarto ko. Kamusta na kaya si ate? Ilang buwan na siyang hindi tumatawag sa akin, nag-aalala ako para sa kanya. Pero sabi naman ni ate Nosgel, wag ko nang isipin si ate dahil kaya daw ni ate ang sarili niya.
Naisip ko, bakit hindi kami magtrabaho ni Marian, kahit sa bayan lang? Ligtas naman siguro ako. Siya, bukas kausapin ko si Marian na mag-work kami kahit sa bayan lang, para hindi lagi ako mag-isip.
Bumaba na ako, nakita ko sila sa sala kaya umupo na rin ako. Bigla, nilipat ni Tatay ang channel, napunta naman sa balita.
(Isang sikat na Agent, si Savvy Svyatoslav)
Siya 'yun na nakita ko sa Balintawak Mall. Agent officer pala siya, kaya natumba niya ng mabilis ang limang hostage na ginang. Napakagaling niya naman at ang pogi, ani ng isip ko.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, pero hindi ko sinabi kay Marian habang kumakain ng bitukang baboy na paborito niya.
Dali-dali akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Mabilis ko ring naubos ang isang basong tubig, kung gaano kabilis ang t***k ng puso ko. Haist, bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa kanya?
Makaligo na lang, sakaling mawala ang mabilis na t***k ng puso ko. Saka pagabi na rin, at makatulog na rin, para bukas maaga akong magising. Nakahiga na ako, napasulyap ako sa baul na iniwan ni ate. Hindi ko pa rin mabuksan simula nang iniwan ito sa akin. Natatakot ako kapag binuksan ko, baka may makita akong ayaw ko. Wala pa akong alam kung ano ang nasa loob.
Napaiyak na lang ako, Ate. Miss na miss kita! Hanggang kailan ako dito? Kailan tayo lalaya sa grupong halos magulang natin ang nagpapatakbo?
Naalala ko noon, ang magulang namin ang halos tumutulong sa mahihirap. Nagbago lang nang makilala nila ang Chinese na iyon. Pati kami ng ate ko nagsasakripisyo. Napakasama niya; wala naman ginawa ang magulang ko. Buti na lang gumawa ang ate ko ng paraan para hindi malaman ng organization ng magulang ko na dalawa kaming anak ni Mallory.
“Umiiyak ka ba?” tanong ni Marian.
“Kanina ka pa ba diyan?” tugon ko.
“Oo, kanina pa. Hindi mo lang ako napansin. Sorry kung pumasok ako,” wika niya.
“Kung iiyak ako, wala naman magagawa, kaya nagdasal na lang muna ako. Yun lang magagawa, di ba? Minsan gusto ko maranasan mag-ikot, wala pang angambahan. Pero pinagkait sa akin. Paano kung sa iba ako binigay ng kaibigan ng ate ko? Paano ako, Marian? Ano na ako ngayon?
"Wag ka umiyak, pagsubok lang ito para sa inyong magkapatid. Dito masusukat ang pagmamahal at pagtutulungan ninyo sa isa't-isa at tiwala. Isipin mo ang lahat ng ito para sa'yo, diba? Kaya ngayon, magtiis ka muna.” Lahat gagawin ko para maging masaya ka sa amin, Maegelle. Lakasan mo ang loob, ang wika ko sa kanya.
“Kaya nagpapasalamat ako sa inyong pamilya. Malaking tulong talaga ito sa amin ng Ate para hindi malaman ni Don Nichoss.”
"Basta dito lang kami. Isa pa, tinuring kita na nakababatang kapatid, Maegele, kaya please wag ka malungkot, okay? Wala akong regalo kay bestfriend kung lagi kang ganyan."
“Sige, sige, pasensya na ulit.” Bukas ko pa sana ito sasabihin sa'yo, na kung pwede, magtrabaho tayo kahit sa bayan lang.
“Kung yan ang nais mo, sana makahanap tayo agad ng trabaho para mayroon tayong pagkaabalahan, Meagelle,” wika niya.
"Fight lang, makakahanap din tayo,” gusto mo sa Maynila tayo maghanap?
“Baliw ka! Alam mo, sitwasyon mo doon, pa tayo maghanap? Hindi rin tayo papayagan nila Nanay, Tatay, at isa pa, ni bestfriend Nosgel."
"Hala, nakalimot ako," habang humahagikgik.