CHAPTER 1

2715 Words
I never expected that this would be the path I would take in life. I didn't think I would follow in my father's footsteps. I know that wherever they are now, they are happy with what I have achieved. After I got dressed, I went downstairs to have breakfast made by Nanay Lita. I needed to leave early because we had an ongoing case. I got into my car to head to the NBI building. While I was driving slowly, I glanced at the side of the road and noticed a young girl crying, seemingly being bullied by five men hanging out at the corner. I stopped to help the girl. "Hey, what happened to you? Why are you crying?" "Sir, please help me because they won't let me go home. They've been teasing me for a while now; they seem to be drunk." Suddenly, they responded, "And who are you? Just leave; you might be the one we take it out on," said one of the drunk men. I just smiled at them. "Your smile is crazy; you animal!" shouted one of the drunks, as the leader of the group approached. Umiikot ako kasama ang batang babae habang yakap ko siya. Nilagay ko muna siya sa tabi para hindi tamaan ng mga lasing na wala nang magawa sa buhay. Saka ako lumapit sa kanila at sinuntok ko sila ng sabay-sabay. Hinawakan ko sila sa kamay at pinilipit. “Araayyyyyyy ko, boss! Tama na po. Pasensya na po kung pinagtripan namin ang batang iyan.” Mga lasing lang kami. “Upo, sir. Lasing lang kami, sabay ng kasama.” "Umayos kayo! Ang alak nilalagay sa tiyan, hindi sa ulo. Kapag naulit ito, tingnan niyo lang kung ano ang magagawa ko sa inyo, mga tamad! Layas!" sigaw ko. "Eneng, pwede ka na umuwi. Saan ba bahay niyo?" “Diyan lang po, kabilang kanto, sir.” "Ingat sa pag-uwi ha, at kung pwede, iwasan mong magpagabi sa daan." "Upo, sir. Salamat po, sir. Gwapo niyo po, lalo na kung ngumingiti kayo." "Salamat. Sige, may pasok pa ako. Paalam ko." "Okay, sir. Ingat." Nakasakay na ako sa sasakyan ko, bigla kong iniisip kung buhay pa kaya si Mommy. May kapatid kaya ako? Sarap siguro na may kapatid. Nakarating ako sa CBI building. "Morning, Sir!" bati sa kanya ng lahat. Tumungo lang ako at dumeritso agad ako sa opisina ko. "Hello, Sir! Este, kamusta na ang pinakasikat na agent?" Umiling lang ako. "Wag mo akong pagtripan, Agent Snake." "Anu balita?" "Ay, wala naman." Habang nakikinig ako sa sinasabi niya, napapailing na lang ako. "Mayroon akong pinasu-baybayan sa mga special agent natin na matinik sa lahat,” na parang ikaw din ang mga ‘yun, wika nito. "Good, balitaan mo na lang ako, Agent Snake.” Snake kasi ang lahat ng malapit sa akin na kagaya ko rin na nag-iisang anak. Sa akin lang yan; ganyan ang tingin ng iba dyan, isang ruthless agent. Habang nagche-check ako kung ano nangyayari sa loob at labas ng bansa, may nag-pop sa email ko. Alam ko kung kanino galing, sa butler ko na si Lason; mamaya ko tingnan. Knock knock knock. “Yes, coming.” "Sir, lahat daw po ng mga agent ay may meeting dahil mayroon daw humingi ng tulong sa mahal nating President,” tapos pinasa sa atin. Dahil sa bansa nila, sobra daw po laganap ang droga, pati daw ang mga kabataan ay dinadamay, at mayroon din daw nagaganap na bentahan ng mga kabataan. Yan ang balita na galing kay Agent Blue. Bigla pumasok sa isip ko yung tinulungan kong dalagita kanina. Sige, pakisabi sa lahat para makapaghandang lahat. Salamat, Agent 1. Ang lahat ay nasa loob ng Crime Center na may malaking screen; doon nila makikita kung ano ang nangyayari sa lahat. Bigla umilaw ang screen at lumabas ang pangalan ni President Lorkes Hayyus. Ang lahat ay biglang tumayo at sumaludo sa mahal na Presidente ng Pilipinas. Nag-umpisa na magsalita ang President. Doon sila nababahala dahil mga kabataan ang target. Nagbigay na din ako ng command sa mababang ranggo. "Agent Snake, magpa-imbestiga ka sa mga Special Agent natin at sa mga Co-Agent natin tungkol sa report ni President." "Copy, Sir." "Ikaw naman, Agent Uno, kasama ka nina Dos, Tres, at Singko. Makipagtulungan kayo sa mga pulis sa mga karatig baryo at alamin niyo kung may nawawalang mga kabataan." "Noted, Sir." "Clear..." "Yes, Sir." "Dismiss." Pauwi na ako, dumaan muna ako sa bakery ni Aling Lucy para bumili ng paborito kong cheese roll. Pagdating ko sa bahay, nakita ko si Nanay Lita at binigay ko ang dala ko. "Savvy, iho, gusto mo na mag-dinner?" Huminto ako at humarap. "Wag na, Nay Lita, kasi binigyan ako kanina ni Snake eh, mukhang marami baon. Alam niyo naman yun, kuripot pa. Kala mo may lahing Bombay. Kape na lang, Nay Lita, at pakisamahan ng dala kong tinapay. Maliligo lang muna ako. At palagay na lang sa mesa ko sa kwarto." "Sige, iho," tugon nito. Dumiretso ako sa kwarto, binaba ko lang ang mga gamit ko, at tumuloy na ako sa banyo. Binuksan ko ang shower na may katamtamang init at lamig ng tubig. Napaisip ako sa aking pag-iisa sa buhay. Hanggang kailan ako mag-iisa, Mommy at Daddy? Bakit niyo ako iniwan? Nang matapos ako, nagtapis ako ng towel. Pagkalabas ko sa banyo, sakto may kumatok, si Nanay Lita. “Iho, ito ang kape mo at ang paborito mong tinapay.” Binuksan ko ang pinto at kinuha ko ang tray. “Salamat, Nanay Lita. Sige po, pahinga na kayo. Ako na ang bahala dito, gabi na din po.” “Sige, iho. Matutulog na din ako. Good night na, iho.” “Good night, Nanay Lita.” Pero bago siya umalis, nagsalita siya at nagtatanong. “Iho, kailan ka magkakapamilya? Tumatanda ka na.” Gusto ko pang alagaan ang mga anak mo. “Hindi ko rin alam, Nanay. Hindi ko pa nakikita ang babaeng nagpapatibok ng puso ko. Kung darating man siya, gusto ko kagaya ni Mommy.” "Pray lang, Iho, darating din siya sa iyo sa tamang oras at panahon. Oh, sige na, matulog na ako. Kainin mo lahat 'yan, wag puro trabaho. Matulog ka na din, Iho, bukas na 'yan." "Upo, Nanay, salamat ng marami sa inyo. Pumasok na ako." Dumiretso ako sa secret room ko, na ako lang ang nakakaalam. Baka kasi matakot si Nanay Lita at mahampas niya ako ng tsinelas. Si Mommy kasi nagturo sa kanya kung saan ako takot. Yun din kasi ang ginawa ni Mommy kapag nagpa-pasaway ako sa kanya habang wala si Daddy. Minsan, naglaro ako sa sala, kinuha ko mga gamit ni Mommy sa room nila at dinala ko sa sala. Yun, napa-lo ako kasi nalinis na 'yun ni Nanay Lita. Pagpasok ko sa secret room ko, dala ko ang kape at tinapay. On ko ang switch ng ilaw at ng screen ko. Mayroon kasi akong malaking screen na konektado sa “The Grim Brotherhood.” Saka ko pinanood kung ano ang nangyayari. Wala naman nagbago at wala ding kaguluhan, pinatay ko ang ilaw. Lumabas na ako, saka ko naramdaman ang antok, humiga na ako sa kama ko. KINABUKASAN Papasok na ako sa trabaho ko. Parang tinamad ako magkotse; gusto ko na sakyan ang alaga ni Daddy, ang VERGE MOTORCYCLE. Bago ako lumabas, kumuha muna ako ng helmet na nakalagay sa basement. Ang pinili kong gamitin ay ILM OPEN FACE. Kalagitnaan ng express highway, tumunog ang earpiece ko na naka-konek sa mga awtoridad. Mayroong hostage na nagaganap sa may Balintawak Mall. Kinokonek ko ang earpiece ko sa isa sa mga pulis na nandoon na nag-respond sa tawag ko. "Ano nangyayari diyan?" “Sir, good morning. Sir, may nang-hostage ng isang ginang dito sa mall, para mga adik eh,” sagot sa kabilang linya. “Okey, papunta na ako diyan. Bilangan niyo ako ng sampung minuto.” "Kopya, Sir.” Sinagad ko ang takbo ko ng motor; tamang-tama ito ang gamit ko. Kaya pala tinatamad akong magkotse, may ganap na naman pala. Ang aga, mapapalaban ako. Nakarating na ako sa lugar kung saan may hostage na nangyayari, at bigla na lang akong pumunta sa gitna kung saan ang mga pulis ay nakikipag-usap sa mga nang-hostage. Ilan sila? “Lima, Sir,” tugon sa kanya. Paglingon ko, nakita ko ang isang pulis na kadarating lang. Sinalubong ko agad siya. Tumungo lang kami sa isa't isa. "Pahiram muna ako ng sniper mo." At binigay naman sa akin. Naghanap ako ng pwesto ko; nakahanap ako ng magandang posisyon. Inaayos ko agad ang sniper at dumapa ako at sinilip ko agad sa lens ng sniper. Nakita ko agad ang mga walang kwentang tao, mga tanga; hindi man lang naghiwalay, wala man lang kahirap-hirap butusin ang ulo nila. One down. At nung nakita ko ang isa, bigla ko siyang tinira sa gitna ng ulo niya. Sabog, two down. Nakita ko ang isa sa may bintana. Parang hinahanap ako, ngumiti lang ako at tinira ko siya sa tainga. Nakita ko, bigla lang siyang nahimatay. Hahaha, natawa lang ako. Ang lakas mong mang-hostage tapos takot ka din. Dalawa na lang ang natitira. Nang nakita ko sa telescope ng sniper ko, hindi na ako nag-aksaya ng oras, dahil para mawawalan ng ulirat ang ginang. Tinira ko siya sa balikat, dalawang beses ko siyang tinira. "Die, fucker." Isa na lang ang natitira. Nang makita ko na bukas ang binti ng ginang, doon ako nagkaroon ng pagkakataon na barilin. Tulad ng inaasahan ko, sapul. Bigla na lang nabitawan ang ginang at bagsak sa sahig. Mabilis kong tinira ang kamay niya na may baril na .45 kalibre. Boom boom, saka lang pumasok ang mga pulis. At lumabas ako sa pwesto ko, sumaludo sila sa akin at tumango lang ako. "Pakidala ang ginang sa malapit na hospital," ang command ko. "Okay sir." Sumakay na ako sa motor ko, at nang isuot ko ang IPM helmet ko, nakaramdam ako na para bang may nakamasid sa akin. Nang makita ko siya, bigla na lang siyang nagtago. Alam ko na babae siya kahit nakasuot siya ng panlalaking kasuotan. Nakarating ako sa NBI Building at binati ako ng mga opisyal. Tumango lang ako. Pagpasok ko agad sa loob ng hall, tumingin ako sa screen. Nang bigla na lang may nagsalita sa likuran ko. “Napakagaling talaga natin.” Paglingon ko, si Mr. Parker pala. Ngumiti lang ako. “Anu ang balita sa lakad ni special agent?" Positive, marami ang nawawalang mga kabataan sa mga karatig baryo; yun ang balita ko. At mayroon daw ngayon nagtitinda ng droga sa Palawan at Mindoro. “Sige, sabihan mo sila na magmanman pa sila para yan ang susunod nating i-raid.” Kawawa ang mga kabataan na nalululong sa droga. “Sige, bye, Kaptain,” tumango lang ako. Alas kwatro ng hapon, nag-out na ako para makauwi at magpahinga. Gusto ko sanang pumunta sa The Grim Brotherhood para sa meeting nila at matawagan ang mga hunghang kong ka-braddy. Nang nakarating ako sa bahay, dumeretso ako sa silid ko para mag-shower. Pagkatapos ko, bumaba ako na bitbit ang phone ko at umupo. Nakita ko ang nakahain na pagkain. "Hello, Nanay Lita." “Kain ka na, Iho.” “Salamat, Nanay Lita. Bukas po ng umaga, doon ko ilalagay ang pera sa lamesa sa sala para sa groceries natin.” "Okay, Savvy," tugon nito. Nang matapos akong kumain, nagpa-timpla lang ako ng tea kay Nanay Lita. Pumasok ako sa room ko at dumeretso sa secret room. In-on ko ang mga switch ng screen at tinawagan ko si Lason. "Yes, Lord. Pupunta ako diyan bukas.” “Okay, Lord.” Tinawagan ko ang mga animal kong kaibigan. "O, bakit ka napatawag, the famous Agent?" Umiling lang ako, “Pupunta ako sa bahay natin.” "Okay, pati ba din kami, Agent?” tugon nito. “Okay lang, hindi para pasabugin ko mga negosyo niyo.” "Haist, hindi ka na mabiro, Agent. Oo na, pupunta na, takot lang kami sa'yo." "Very good.” "Anyway, Agent, napanood ko ang ginawa mo sa Balintawak Mall. Galing mo talaga, pero bakit ka pa nanghiram ng sniper kung mayroon ka naman sa basement mo?" “Baliw, hindi ko pwede dalhin 'yung mga yun, alam mo naman, di ba?” "Aah, okay, okay, Agent.” “May balita ba kayo kay Loverain Mohammed?" "Nope.” Pinatay ko ang tawag ko. Saan ka na, Loverai? Para siyang bunso naming kapatid, kahit sa sobrang sungit niya. Alam ko may problema naman siya kaya walang nangungulit sa inbox ko, kahit sa social media niya, naka-deactivated yata. **Kinabukasan** Tinawagan ko ang mga tauhan ko na nakatira sa kabilang bahay para hindi ako mahalata ni Nanay Lita. "Yes, Lord." “Mag-ready kayo, aalis tayo. Pupunta tayo sa Brotherhood house; alam nila kung ano ang ibig kong sabihin,” yun kasi ang nakasanayan naming itawag simula noon pa, kahit si Daddy ang namamahala. "Okay, Lord." “Nasaan si Damuz?” “Dito, Lord, sa tabi ko habang kumakain ng tocino with rice. Okay, isama mo siya at sabihan mo siya na dalhin niya ang aking SK2 ko.” “Noted, Lord,” tugon nito. Naligo na ako, pagkatapos, nagbihis na lang ng t-shirt at pants. At sinuot ko ang bracelet na nagpapakilala sa kanya bilang isang pinuno. Siya lang ang may-ari ng bracelet at ng Grim Brotherhood. Pero mayroon itong pagkakaiba. Depende kasi iyon sa ranggo. Dahil ako ang pinakamataas na ranggo, kaya sa akin ang natatangi. Nang makababa na ako, sumakay agad ako sa sasakyan ko. Huminto lang ako sa kabilang bahay para makita si Lason. “Ikaw na ang mauna, at alam mo kung ano ang gagawin, ang aking utos.” “Okay, Lord,” tugon nito. Habang kami ay nagabiyahe papunta, umidlip lang muna ako sapagkat aabutin ng ilang oras ang biyahe para makarating doon. Parang may naririnig ako na para bang nagtatalo. Minulat ko ang aking mata at nakita ko si Lason at Damuz na nagtatalo. “Ikaw na ang gumising.” “Ikaw na, ayaw kong makita ang kamukha ko.” “Sayang ang sperm ko.” “Ikaw na nga.” Sabay ko silang binatukan sa ulo. "Tumigil na kayo, gising na ako." “Tara na. Kapag ako ay naalibadbaran, ipadala ko kayo sa Island,” giit ko sa dalawa. Sabay silang namutla, “Hindi po, Lord,” takot na tugon nila. Kaya sabay silang lumakad. Pagpasok ko palang, ang lahat ay nakatungo. Pumasok ako sa secret room ng mga pitong Hudas para alamin kung nandiyan na sila. Usually, mga late naman sila, kaya nauna na ako. Sa kabilang room, binati nila ako, lahat ay nakayuko. “Head up, sabay-sabay kami umupo.” “Lason, check niyo ang anim na mga Hudas kung parating na sila; kundi, hindi sila makarating sa loob ng limang minuto. Alam nila kung ano ang mangyayari.” Kaya tinawagan sila ng butler ko. “Oo, parating na. Nandito na. Sabihin mo sa amo na nireregla.” “Ayaw kong sabihin. Baka ako pa ang lumipad,” tugon niya. Buti dumating na kayo; mayroon pa kayong dalawang minuto. Sabay-sabay ang pumasok ng anim sa loob ng hall. Kapag nagsama-sama ang mga The Grim Brotherhood, ang lahat ay naiihi sa sarawal. Umupo sila kung saan sila nakaupo; may kanya-kanya silang upuan batay sa mga ranggo nila, at umpisahan na ako. “Mayroon akong narinig na talamak ang droga at ang mga nawawalang kabataan. Gusto ko na mag-ingat kayo at ipagkalat niyo ang balita sa lahat ng nasasakupan ninyo.” “Okay, Lord,” sabay-sabay nilang sumagot, maliban sa anim na pangalawa sa pinuno. “Heyyy, Lordy! Practice tayo, tulad ng dati.” “Sige, magbihis lang ako.” Mayroon kami ditong room kahit ang anim na Hudas na ito; sige, susunod na lang ako sa practice room. Parang kailan lang, ako ang lagi kasama ni Daddy dito. Tulad ng sinabi ng anim na hudas. Lumakad ako papuntang practice room at nakita ko ang anim kung ano ang ginagawa. “Ano ang ginagawa ninyo, mga hudas?” “Haist, wala. Mahirap ipaliwanag sa mga katulad mo dahil wala ka namang oras sa mga ganito,” kaya huwag mo nang itanong, wika ni Knoxx. Tiningnan ko siyang masama; tinawanan lang ako. Pagkatapos naming mag-practice, sabay-sabay kaming umuwi. Wala pa ring nagbago sa anim na hudas; magaling pa rin sila, pero hindi pa rin nila ako matalo-talo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD