Nang matapos ang aming klase ay dumiretso na kami sa labas ng campus. Sakto namang paglabas namin ay naramdaman ko sa aking hita na nag vibrate ang phone ko na nakalagay sa bulsa ng aking palda. Kinuha ko ito at binuksan upang makita kung bakit ito nag vibrate. Nakita ko na nagchat sa akin si Bailey. Bailey: "Hey! Meet me at the parking lot" Nang mabasa ko ito ay agad akong nagpaalam kila Christine. "Guy's una na ako ah, may kailangan pa akong asikasuhin ei!" Tumakbo na ako at dumiretso papunta sa labas ng gate. "Ingat!" Sigaw naman sa aking ni Christine. Nang makita ko na hindi na sila nakatingin sa akin ay dali-dali akong bumalik at pumunta sa parking lot kung saan kami magkikita ni Bailey. "You made it!" Ani nito sa akin habang nakasandal parin sa kaniyang sasakyan. "Mamaya ka

