Habang pinapakita ko kay Eliza ang wallpaper ko ay napansin ko ang oras. "6:01pm" Inaya ko na ito umalis kaya naman ay parehas na kaming sumakay ng sasakyan. "Diba 10 pm pa ang curfew mo?" Pagtatanong ko sa kaniya. "Oo, bakit? Saan pa ba tayo pupunta?" Turan naman nito sa akin. "Basta! Itext mo muna sila tita at sabihin mo na malelate ka ng uwi!" Kinuha ni Eliza ang phone n'ya at ginawa naman ang aking sinabi. Nagmaneho na ako papaalis sa lugar na ito at pumunta na sa kung saan ako madalas pumunta kapag gusto kong mag relax o mapag-isa. Habang nagmamaneho ako ay biglang nagsalita si Eliza. "Saan ba kasi tayo pupunta?" Pangungulit na tanong nito habang nakatingin sa akin. "Secret! Basta ang alam ko ay magugustuhan mo ang lugar na pupuntahan natin." Sagot at paniniguradong turan ko

