I want to ask my father about this, kung anong ibig sabihin ng obituary na ito at bakit nakasaad na matagal na raw patay si Carlo. Paano nangyari `yon kung buhay na buhay pa ang taong ito? Paano masasabing yumao na kung si Carlo mismo ang nagligtas sa akin sa isla at nagkataon ding first boyfriend ko? Sa lalong paglala ng aking kuryosidad, kinuha ko ang obituary at mabilis na bumaba ng kusina. Sa bawat hakbang patungo kay Daddy, hindi maiwasang bahain ng maraming tanong ang aking isip. Bakit pinalabas na patay na si Carlo? Bakit suicide ang cause of death nito? Ano ang dahilan kung bakit namanipula kung ano ang totoo? He’s alive and living normally! Anong klase iyon? Sakto nang makababa ako dahil tapos na ang kaniyang niluluto. Nakahain na sa hapag ang pagkain at tatawagin na sana

