“What are you doing here?” The sun has risen up. Tuluyan nang maliwanag ang paligid. Malinaw na sa akin ang mga imahe nila ngunit hindi pa rin mag-sink sa akin na nasa harap ko ngayon sila. They are both sitting in front of me in this dining table of Carlo’s house. Katabi ko ang boyfriend ko at si Roma ay nakasilip mula sa labas. Paano sila nakarating dito? Paano nila ako napadpad dito? Paano nila nalaman na narito ako gayong wala namang nakakaalam maliban sa mga narito sa isla? Napakarami kong tanong na hindi magawang sagutin. Sa sobrang gulat ko sa mga nangyayari ay hindi na lang ako makapagsalita. Dad is painted with anger and worry. Halatang halata sa mukha niya ang pagpipigil na lapitan ako at yakapin. Kanina, noong nakita nila ako, sa kagustuhan kong lumayo ay muntik pa a

