Nagkagulo ang paligid. Halo-halo ang tunog mula sa bulungan, kantyawan, at komento ng mga taong nanonood sa amin. Nakita ko pa kung paano hinila ni Tiya Alba si Igor upang hindi na makiusyoso. Nang muli kong ibalik kay Iso ang tuon, unti-unti nang nanggigilid ang kaniyang luha. My knees trembled. Sa sobrang ingay ng paligid, hindi ko alam kung sa paanong paraan ko pa ihaharap ang mukha ko sa mga tao. Sa paningin nila, sigurado akong hindi lang nila ako kinamumuhian. Nahagip ko pa ng sulyap ang isang babae na animo’y nandidiri kung makatingin sa akin. “Totoo ba, Daff? Totoo ba ang sinabi niya?” mahinang tanong sa akin ni Iso. May galit sa tono nito kaya umahon na sa akin ang takot. Napahigpit na lang ang paghahawak-kamay namin ni Carlo nang dahil dito. Sa anumang oras, pakiramdam ko

