Pasulyap-sulyap ako sa labas nang anyayahan ako ni Igor upang pumasok sa loob ng bahay. Kabado ako at hindi mapakali sa kung ano man ang posibleng mangyari. Paano ako makakampante kung may ideya na ako sa mga magaganap mamaya? Medyo maingay sa labas at sa biglang pagdami ng tao, hindi ko na magawang makita si Carlo. Taimtim na lamang akong humiling na sana hindi siya gumawa ng eksena kung sakali mang ituloy nga ni Iso na kantahan ako. Kung aaminin niya rin ang nararamdaman niya sa akin, hindi naman ibig sabihin nito na dapat ko ring sabihin na may gusto ako sa kaniya. Oo, hinahangaan ko siya noon ngunit hanggang doon lang iyon. Si Carlo ang mahal ko at wala ng iba. Amoy na amoy ang mga pagkaing nakahain sa labas. Pansin ko rin ang pagiging abala ng kusina nila dahil marami ang nagluluto

