Chapter 03

1730 Words
Mga bituin at buwan na lang yata ang mga kakampi ko. Yayakapin kaya nila ako sakaling tapusin ko na ang buhay ko?   Malansa ang paligid. Halos masuka ako sa amoy dahil naghahalo ang baho ng mga taong narito. I was expecting that this club is exquisite. Pero sa bungad pa lang ay tila ayaw ko na magpatuloy.   “Si Pael ba ang hanap mo?” tanong sa akin ng bouncer. Gusto ko nang tumalikod dahil halos mahimatay na ako sa baho.   “O-opo.”   “Hayun siya, sa gawing kanan. Dire-diretso lang.”   “S-salamat po.”   Sinunod ko ang direksyong itinuro niya. Sa lalong paghakbang ay unti-unting umiingay ang paligid. Namumutawi ang mabilis na beat ng disco songs at ang patay-sinding mga ilaw. Namumutawi ang inis sa sistema ko dahil umasa akong naka-alis na siya at papunta na sa meeting place namin. Nagbago na lang daw bigla ang isip niya at dito na raw kami sa club magkita.   Habang naglalakad, hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko. Hindi ko maiwasang mangilabot sa tingin ng mga lalaking nakasasalubong ko. Halos lahat sila ay itim ang suot. Gula-gulanit at tila simbolo ng kanilang samahan. Iisa ang style ng itim nilang t-shirt. Natigalgal ako.   Daffodil, mamamatay ka na mamaya. Bakit hindi mo na lang i-enjoy ang natitirang oras? Kung hangga’t kaya maging masama, go!   Ang kaso, hindi naman iyon ang pagkakakilala ko sa sarili ko. Hindi ko iyon mapepeke. Kahit papano’y lumaki akong sinanay sa etika para lang matuwa sa akin ang mga magulang ko.   “Oh! You’re here, my lovely flower!” sigaw ni Pael nang sa wakas ay marating ko na ang pwesto niya. Nakaupo siya ngayon sa sofa at nakapagitna sa dalawang babae na nakabikini. Magulo ang buhok niya at nakaipit sa mga daliri ang nakasinding sigarilyo.   Tumango-tango ako nang nahihiya. Hindi ko kasi maiwasang ma-conscious sa mga nakapaligid sa akin. Maliban sa masangsang ang kanilang amoy, malalim din ang kanilang tingin.   “Bayad muna bago suicide,” aniya. Agad ko namang dinukot ang sampung libo sa bulsa ko at inabot sa kaniya. Hinablot naman niya iyon nang halos luwa ang mga mata.   “Tang ina, diyes mil ito ah?”  habol niya nang mabilang isa-isa ang mga inabot kong lilibuhin. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko nang nakayuko.   “Sa’yo na ang sobra…”   “Naks! May-ari yata ‘to ng rebisco mga pare. May pasobra!”   Nagsitawanan ang mga kasama niya. Lalong lumawak ang ngiti niya na animo’y naka-jackpot.   Kung sino-sino pa ang kinausap niya para lang ipagmayabang ang nakuha galing sa akin. Mayamaya’y sa akin na niya itinuon ang atensyon at iginiya ako palabas ng club na ito. Saka lang ako nakahinga nang maluwag dahil sa wakas ay nakawala na ako sa mistulang kulungan. Baka nga doon na ako mamatay sa sobrang baho.   Ngayong nasa biyahe na kami, sinabi niyang aabot ng anim na oras bago namin marating ang isla. Nasa gawing Palawan daw kasi iyon. Hindi naman nakapagtataka dahil Manila pa ang aming pinanggalingan.   Dahil na rin siguro sa antok dahil pasado alas otso na ng gabi, napagdesisyunan kong matulog. Hindi lang para magpahinga, kundi upang ihanda ang sarili sa matagal ko nang nais na mangyari.     **     Nagising na lang ako nang maramdaman ang mahigpit na pagkakatali sa aking mga kamay. Para akong nakagapos. Masakit.   “P-pael?”   “Shh… huwag kang maingay,” bulong niya. Nakahinto na ngayon ang sasakyan at hindi na siya nagmamaneho. Prente siyang nakasandal sa driver’s seat at nagsisigarilyo. Halos mahilo ako sa usok ngunit tiniis ko na lang.   Nang ibaling ko ang tingin sa bintana, wala akong nakita kundi mga anino ng matatayog na puno at ugong na likha ng mga alon. Bigla akong kinabahan dahil wala sa usapan na itatali niya ang mga kamay ko.   “Bakit mo ako tinalian? Nasaan na tayo?”   Tinapon niya sa labas ang sigarilyo. Mula sa ilaw rito sa loob ng kaniyang kotse, kitang kita ko ang pagbuo ng mapaglaro niyang ngisi. Bigla na lang akong natakot. Bakit parang may nagbago sa kaniya?   “Papunta na tayo sa isla.”   “Pero bakit—”   “Puta, manahimik ka nga. Mamamatay ka na nga lang hayop ka, nag-iinarte ka pa.”   Mariin kong ipinikit ang mga mata ko’t itinikom iyon nang natatakot. Aaminin kong hindi ako takot mamatay pero natatakot akong mapatay!   Anong nangyari, bakit parang hindi na siya ang Pael na nang-engganyo sa akin kanina?   Una siyang lumabas upang pagbuksan ako ng pinto. Marahas niya akong hinila palabas kaya hindi ko inasahan ang pagbagsak ko sa lupa. Sobrang lamig ng paligid. Kahit hindi na ako tumingin sa orasan, batid kong pasado alas tres na ng madaling araw.   Tumayo ako at pinunasan ang luha. Nasaan na ang lakas ng loob ko kanina? Bakit niyayakap na ako ng takot?   “Huwag kang iiyak ah? Manahimik ka lang para makarating tayo nang maayos,” madiin niyang wika sabay hila sa laylayan ng t-shirt ko. At dahil kapwa nakatali itong mga kamay ko, wala akong magawa kundi magpatianod. Natatakot ako sa maaari niyang gawin kung sakali mang papalapag ako kaya mas pinipili ko na lang manahimik.   Tanging mga buwan lang ang nagbibigay sa amin ng liwanag. Damang dama ko ang haplos ng halumigmig sa bawat halamang nadadaanan hanggang sa marating na namin ang tahimik na dalampasigan.   Muntik na akong tumili nang buhatin niya ako at ihagis sa bangka. Napa-aray ako sa sakit dahil tumama ang tuhod ko sa sagwan ngunit mas pinili ko pa ring manahimik.   “Manahimik ka, utang na loob. Sayang lang ang ipinambayad mo kung mag-iinarte ka diyan.”   “P-pael…”   Itinulak niya ang bangka sa mismong dagat saka umupo sa tabi ko. Halos mamilipit ako dahil hindi ko mai-ayos ang pagkakaupo rito. Suddenly, I felt his hard breath beneath my ears. Sa puntong ito, binalot ako ng matinding pagsisisi kung bakit sumama pa ako rito.   “Sayang kung hahayaan lang kita mamatay nang ‘di natitikman. Mukha ka pa namang sariwa.”   Sunod-sunod na dumaloy ang luha ko nang simulan niyang sumagwan. Abot-abot ang pagsisisi ko ngunit wala akong magawa.   Tama ba kung hahayaan ko siyang galawin ako? Ang usapan ay magpapakamatay ako at hindi gawing laruan. Kahit na wala na akong pakialam sa buhay ko, hindi ko maaatim-tiisin na siya ang gagawa nito nang kauna-unahan sa akin.   Bigla kong naalala si Kiana. Posible kayang ginawa niya iyon sa kaibigan ko bago gawin ang nais sa isla?   Nag-isip-isip ako habang umuusad sa dagat ang bangka. Nang mamataan ang islang tila lagas na ang likas na yaman, doon nabuo ang desisyon kong tumakbo at tumakas sa oras na maibaba niya ako sa mismong dalampasigan.   Kalmado. Kunwari’y papayag ako sa gusto niyang mangyari nang huminto siya sa pagsagwan at marating na ang patay na isla. Kahit hindi pa ganoon kaliwanag, kitang kita ang pagiging creepy nito dahil literal na walang dahon ang mga puno. Kalbong kalbo ang mga niyog at animo’y sementeryo.   Nang buhatin niya ako at ilapag sa buhangin, saka ako huminga nang malalim. Tahimik akong bumilang nang tatlo pagka-alis niya upang i-ahon ang bangka. Sa unang bilang ay inalala ko kung bakit ako pumunta rito. Sa pangalawa ay ang pagsisisi ko. At sa pangatlo ay ang determinasyon kong makatakas... makalayo lang sa taong sana’y hindi ko pinagkatiwalaan.   Isa… dalawa… tatlo!   Kumaripas akong takbo. Literal kong hinabol ang direksyon ng buwan patungo sa nakatatakot na lugar ng isla. Narinig ko ang sunod-sunod at malulutong na mura ni Pael mula sa aking likod. Sigurado akong tumatakbo na rin siya ngayon upang mahabol ako!   “Tulong! Tulungan niyo ako!” umiiyak kong sigaw. Nang subukan ko siyang lingunin sa likod ay mas nagpursige pa ako upang lumayo. Sobrang lapit na niya! Kung hihinto ako ay nasisiguro kong maabutan na niya ako at magagahasa!   “Walang hiya! Huminto kang puta ka!”   “Tulong! Tulong! Tulong!”   Hindi ko inaasahang madadapa ako dahil sa malaking usli ng ugat sa lupa. Sa puntong ito ay literal na lumatay ang hilo. Napapikit ako sa sakit ng sensasyong nagawa nito, partikular na sa aking sentido.   Akala ko, mahuhuli na niya ako. Akala ko, magagahasa na niya ako. Akala ko, siya ang tuluyang papatay sa akin. Pero bakit lumipas na ang ilang segundo ay hindi ko pa rin siya naramdaman?   Sinubukan kong bumangon. Ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko nang makita ang anino ng isang lalaki na para bang may hawak na itak. Gustong gusto kong umatras ngunit sa lalo pa niyang paglapit, doon ko unti-unting napagtanto na hindi siya si Pael.   “S-sino k-ka?” natatakot kong tanong habang nakatingala. Pilit akong nagpupumiglas ngunit sa higpit ng pagkakatali ng mga kamay ko ay hindi ko magawa. Nais kong tumayong muli at tumakbo dahil baka ako na ang mapatay nito. Kita kong may dugo pang tumutulo sa itak na hawak niya at sigurado akong si Pael ang kaniyang napuruhan.   Huminga ako nang malalim dahil sa takot. Ngunit nang dumapo sa akin ang reyalisasyon kung bakit narito ako, para akong ginising sa katotohanan.   I won’t deny that I wished to go back in time and kill my own life. Dahil ako lang naman ang dahilan kung bakit nawasak ang pamilya. Ako ang lang din ang puno’t dulo ng mga suliraning kinaharap kahit wala naman akong ginawang masama. Ako ang simula kaya ako din dapat ang tumapos.   Kaya kung bibigyan man ako ng pagkakataong bumalik sa nakaraan, papatay ako. Papatayin ko ang sarili ko. Papatayin ko ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ng mga magulang ko. Pero hindi na mangyayari iyon dahil itong may hawak na itak ang siya yatang papatay sa akin. I should be grateful, right? Sa wakas ay matatapos na ang matagal ko nang gustong tapusin.   Pumikit ako at hinintay ang pagtaga niya sa akin. Inasahan kong gagawin niya rin kung ano ang ginawa niya kay Pael. Ngunit ganoon na lang ang pagdilat ko nang marinig ang mga salita ng malamig niyang boses.   “Don’t worry, you’re safe.” Binagsak niya ang itak at tinulungan akong tumayo. Sa lalim at sinseridad ng kaniyang boses, bagaman nakaramdam ng takot ay tila hinagkan ako ng kapayapayaan, ng kapanatagan, at higit sa lahat, ng pag-asang sa kaniya ko lang yata natagpuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD