“Iso, okay ka lang?” kaswal kong tanong. Mula sa pagkakayuko, dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang tingin at unti-unting nagpakita ng matamis na ngiti. “Oo. Ayos lang ako,” sagot niya sabay abot sa akin ng paper bag. “Para sa’yo nga pala. Mga gulay ‘yan.” Tumango-tango ako at kinuha iyon. Pagkatapos magpasalamat ay nagsimula na kaming maglakad patungo sa loob ng kubo. Una akong pumasok saka inalok silang umupo sa mga upuang bakante sa mesa. Ngunit dahil naroon din si Carlo na prenteng nakatingin sa amin, pakiramdam ko ay para kaming ipinupukol ng mga mata niya. Mas lumala ang pagdilim ng mukha niya kaya kahit si Igor ay mukhang nabahala. Sa kabisera si Carlo, katapat mismo ni Iso na sa kabilang kabisera ko pinaupo. Si Igor naman ay mistulang pumagitna sa kanila, kaliwa’t ka

