Chapter 31

2465 Words

Walang imikan sa mga sumunod na sandali. Pinakain na niya ako’t napainom na rin ng gamot kaya kung may maingay man, mga patak na lang iyon ng ulan sa bubong at ang umuugong na saliw ng hangin.   Sa sobrang sakit ng ulo ko ay nakatulog na lang ako. Kinabukasan nang magising, pagkamulat ay bumungad ang imahe niyang nakaupo sa hapag. Naka-side view mula sa papag na hinihigaan ko at may hinihiwa sa sangkalan. Kitang kita ang dami ng mga sangkap na nakahain at umuusok na rin sa gawing kusina dahil sa siga. Suminghap ako at bumangon kaya napatingin na siya sa akin.   Huminto siya sa paghihiwa. Pinanatili ko ang paninitig ko sa kaniya at pinag-aralan ang detalye ng kaniyang porma.   Ang disente niyang tingnan. Nakahawi pagilid ang kaniyang buhok at kumikinang iyon dahil siguro may pinahid.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD