Kumakaluskos ang mga dahon habang ang langit ay muli na namang kumulimlim. Ang hangin ay tila kasali sa karera dahil sa walang tigil nitong ihip sa paligid. Tulala ako sa bintana habang nakaupo rito sa hapag. Mabigat sa loob at aminadong naroon ang kirot dahil sa mga narinig ko sa kaniya kanina. Sino nga ba ang toxic sa aming dalawa? Ako ba, siya, o parehas lang? Mahirap kapag nagkakasama kami. Wala yatang araw na hindi kami magtatalo o mag-aaway. Gusto ko lang naman manahimik at magkaroon ng mapayapang pamumuhay dito sa isla. But the more I crave for it, the more I see myself drowned in our quarrel. Mukha naman siyang mabait kapag iba na ang kaharap pero bakit iba na sa akin? Lagpas dalawang oras na mula nang umalis siya. Kahit na hindi ko naman tinanong kanina, sinabi niyang

