Gumaan ang loob ko nang marinig iyon. He’s so genuine at walang bahid ng biro ang bawat salitang sinasabi. Napaisip tuloy ako kung kailan niya balak umamin sa akin. May posibilidad kasi na baka inaasar-asar lang siya ng nanay at kapatid niya at baka hindi naman talaga niya ako gusto. Kung sa bagay, kahit na umamin man siya at may balak manligaw, baka tanggihan ko rin sa takot na baka lumala lang ang sitwasyon namin ni Carlo. I’m here to stay for survival. Siya ang nagligtas sa akin at masasabi kong utang na loob ko sa kaniya ang buhay ko. Masyado naman yata iyon kung taliwas sa kaniya itong isusukli ko. Maybe I could be good friend to Iso pero hanggang doon na lang siguro iyon. Sa muli naming pagtahak sa daan, namutawi rin ang katahimikan. The wind is bustling around and the cocon

