Wala akong kibo nang magsimula na kaming kumain. Nakapuwesto sa kabisera si Tiya Alba habang si Igor naman ay aking katabi. Si Iso ay prente lang at kalmado sa aking tapat, paminsan-minsang umaangat ng tingin at halatang iniiwas sa akin ang mga mata. Hindi ko naman masisisi dahil halata sa mga mata ng kapatid niya’t ina ang pang-aasar sa amin. Pero sa mga segundong ito, hindi rito nakatuon ang isip ko; inaalala ko si Carlo. Nasa kubo kaya siya ngayon at naghihintay? Knowing him, hindi naman siguro iyon mag-aalala nang husto at hahanapin ako sa kung saan-saan. Pwede na rin naman niya i-assume na kasama ko si Igor para gumala. Ngunit nang naalala ko ring hindi ako sumama sa kaniya nang subukan niya akong ayain lumabas, doon na rin ako na-guilty. Sana naman ay hindi ito maging mitsa ng pa

