Chapter 39

1705 Words

Greyson's POV: "Noelani! Ang ganda ng pangalan! Kapag lumaki ako, babalikan ko siya at tutulungan tapos liligawan ko!" Taas-noo kong sabi habang naglalakad at kumakain ng tinapay. "Ang panget-panget nga ng pangalan! Psh." Bulong ni Kuya Jayden na nasa gilid ko. Nakayuko siya habang nasa strap ng bag niya ang mga kamay niya. Panay ang bulong niya na parang may pinaglalaban sa korte. Ano kayang trip nito? "Pati mata ang panget! Buhok ang panget! Basta, panget siya! Hindi maganda!" Bulong niya na dinig na dinig ko. Tinabingi ko ang ulo ko habang pinagmamasdan siya. Kagat-kagat parin ang tinapay na hawak ko kanina. "Nauulol na ba 'yan?" Napabaling ako sa kaliwa ko kung nasaan si Kuya Kaizer. Inakbayan niya ako at tinuro si Kuya Jayden. "Siguro, kuya. Kanina pa panay bulong. Akala ko nga h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD