Habang napapalibutan kami ng mist ay isang force ang naramdaman ko. Paikot-ikot ito na parang ipo-ipo. Malakas ang pwersa na nagmumula sa kung saan, malakas rin ang hangin na nagagawa nito. Ipo-ipo ba 'to? "What f**k! Ano 'yon?!" Rinig kong bulalas ng kung sino sakanila. Ramdam kong lumapit ito sa gawi namin at unti-unti kamig nagdidikit-dikit. "Walang lalayo hanggat hindi ko sinasabi." Sambit ko. Isa-isa namin pinakiramdaman ang paligid. Makapal parin ang mist na bumabalot sa buongkapaligiran. "HAHAHAHAHAHAHA" Napaigtad kami dahil sa boses na biglang tumawa. Hindi matinis. Hindi rin malalim. Sakto lang ang boses nito pero kikilabutan ka kapag narinig mo. It has a demon voice. Or rather, a demons laugh. "Oh s**t!" Sa isang kisap mata ay biglang naglaho ang mist. Hindi unti-unting naw

