THE HEIRESS 25 Nagkukumahog na kinuha ko ang aking sling bag mula sa couch, hindi na ‘ko nag-abala pa na tignan ang sarili ko sa salamin basta ay sigurado na akong maayos na ang pagkakasuot ko ng aking damit. Ang buhok ko ay tumutulo pa din sa aking likuran, ang noo ko naman ay nag-uumpisa na mamuo ang pawis. “Aray ko naman!” daing ko mabunggo ako sa isang tao. Hinawakan ko ang aking ilong na kumikirot dahil sa pagbangga ko at ng itaas ko ang paningin sa nabangga ko ay isang seryosong mata ang agad na sumalubong sa akin. Si Adrian. “Ayos ka lang ba?” tanong ng kanyang katabi na si Kai na nakatingin lang din sa akin. “Ayos lang ako.” Sagot ko at patuloy na hinihilot ang aking ilong, “’Di ba may rehearsal tayo ngayong araw. Bakit andito pa din kayong dalawa?” nagtatakang tanong ko sa k

