THE HEIRESS 26 Nang tawagin na kaming lahat ni Adrian mula sa kanyang pwesto ay isa-isa na kaming lumapit sa kanya. Maayos na ang lamesa, nakaorganixed pa ‘to ng maayos at ang bawat pwesto ay may tag-iisang mga lalagyanan. Nakasalang na din ang gagamitin namin sa pagluluto sa harap gita ng lamesa. “Wow! Ngayon na lang ako ulit makakain ng ganito.” Tuwang-tuwa na ani ni Luna na agad na naupo mula sa pwesto. “Noong last last year opa ‘ko nakakain ng ganito kaya naman ay susulitin ko na habang andito pa ‘ko.” Walang hiya-hiya niyang turan. “Mabuti naman at nagustuhan mo. Si Adrian ang nakaisip na magsangyup nalang tayo, total naman ay meron na kaming mga gamit na kailangan kesa ang lumabas pa para doon kumain.” Paliwanag ni Kai dito bago na upo sa pinagitna ng lamesa. “Maupo na kayo, huwag

