THE HEIRESS 20 Mag-isa lamang akong naglalakad papasok sa university. Maaga pa para sa klase namin pero mas pinili ko ang mas agahan ang pasok, hindi na din ako kumain sa apartment at na isipan na lamang ang magtake out mula sa malapit na fast food sa university. Iniiwasan ko sila makasabay sa pagpasok, sa tagal na namin silang kilala ay masasabi ko na alam ko na ang mga oras nila. Alam na alam ko na kung kailang sila aalis, papasok, darating o kahit ang pagsulpot nila sa tabi namin. Hindi ko sila gusto na iwasan pero naiisip ko din ang pwedeng mangyari kung mananatili sila sa paglapit sa amin tatlo. Napahamak ko na si Penelope, sigurado ako na pati siya ay hindi papalagpasin ng mga mapanuring mga mata sa paligid na ‘to. Ayaw ko na mapahamak din sila dahil sa pagpapabaya ko, ‘yon naman

