THE HEIRESS 21 Matatalim ang tingin ng mga tingin ng mga tao sa aming paligid, ang iba ay nagbubulungan pa habang papadaan kami at may iba naman na umiiwas na lamang. Samantala, ang tatlo ay walang patid ang pagtawa at pagbibiruan mula sa aking gilid na tila ba hindi nararamdaman ang mga tingin na nasa paligid. “Tignan mo sila, mukhang masayang-masaya pa silang apat dahil sa nakasira sila ng relaasyon.” Dinig ko na ani ng isang babae habang katabi nito ang kanyang kasama. “Oo nga. Ganyan na talaga ang mga kabit ngayon, kung sino pa ang mga naninira ang relasyon ay sila pa ang matatapang. Kaya nga hanggang sa maari ay ayaw ko na makasalubong ‘yan sila—mas lalo na ‘yang si MJ sa tuwing nagpupunta dito ang boyfriend ko, baka mamaya ay bigla niya na lang din landiin.” Sagot nito sa kanya.

