THE HEIRESS 08

2272 Words
HEIRESS 08: MALAS Pagpatak ng 6:30 ng umaga ay malakas na nag-alarm ang cellphone ni MJ mula sa kanyang gilid ng kama. Bitinman sa tulog ay kailangan niya ng bumangon upang mag-ayos ng kanyang sarili pati na din sa kanyang pagkain ng umagahan. Hindi naman nagtagal ang kanyang pag-aayos, sinigurado niya na nakapatay ang lahat at walang nakasaksak na iba pang mga gamit upang makaiwas ng sunod o problema. Paglabas niya ng kanyang apartment ay dumiretso na siya sa elevator sa pagbaba. Maaga pa para sa klase, hindi din ganon kabigat ang kanyang dala dahil iilang notebook at dalawang libro. Maaga ang labasan nila kumpara nakaraang araw, tatlo lamang ang subject nila na tag-iisang oras at kalahati. May oras pa sa hapon upang sa pagpunta sa bahay nila Natalie. Nang sumara ang elevator at makababa ‘yon sa unang floor bago ang floor ng sa kanya ay bumungad sa kanya ang dalawang lalaki. Parehas itong naka-Far Away Tshirt katulad ng kanyang suot-suot at nakasuot ng ID lace. Isa sa lalaki na ‘yon ang nagbayad ng pamasahe sa kanya ng first day at kasama naman nito ang lalaking hila-hila niya papunta sa Fire Exit ng gabi. “Hi, Miss.” Nakangiting sabi ni Kai sa kanya. Imbis na sagutin ay inirapan tinignan niya lamang ‘to saka naglihis ng tingin. Parehas na pumasok ang dalawa sa elevator  at nahuli niya mula sa repleksyon ng mga ‘to na nakatingin sa kanya ang lalaking nagngangalan na ‘Adrian’. Syempre, hindi niya ‘yon makakalimutan bukod sa ito ang Student Assistant ng isa sa terror na prof nila ay ito pa ang sumalo sa kanya sa kahihiyan. “Miss, hindi ko akalain na pati ang oras ng pagpasok namin ay alam mo.” Ngisi na ani ni Kai sa kanya habang nakaharap ito sa kanya. “Do I know you?” tanong niya dito niya sa binata na nakataas ang kilay. Tila natameme naman si Kai sa tanong sa kanya at napaisip sa kinikilos ng babae. Simula ng gabi na ‘yon ay hindi na maalis ang isip niya patungkol sa dalaga. Sa nakikita niya sa kasi sa mata nito ng gabi na ‘yon ay hindi talaga ito interesado sa kanya, hindi din makikita ang kisap ng mata katulad ng  ibang babae sa tuwing nakakaharap siya at mas lalo na hindi siya kilala nito. Hindi namalayan ni Kai na bumukas na ang elevator na kanilang sinasakyan. Naunang lumabas si Mj mula doon gamit ang kanyang pink na bag, hawak-hawak niya ang coin purse sa kanyang kanang kamay at nakayuko na papalayong maglakad. Samantala, ang dalawa naman ay nanatiling nakasunod sa dalaga mula sa likod nito. “Kilala mo siya?” tanong ni Adrian sa kaibigan bago tumingin sa likuran ni MJ. “Hindi.” Nakangiting sagot niya, “Pero mukhang kainte-interesante siyang tao.” Dagdag pa nito. Hindi na muling nagsalita pa si Adrian sa sinagot ng kanyang kaibigan. Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad mula sa likod ng dalaga hanggang sa parehas na silang makarating sa harap ng unibersidad. Madami na ang estudyante sa paligid, may ilan na tumatakbo na papasok sa loob ng university, at ang iilan naman ay napapatingin sa pwesto ng dalaga. No, hindi, nakatingin ang lahat sa dalawang lalaki na nakasunod mula sa kanyang likod at parehas na nakatingin sa likod niya. “Mj!” naagaw ang pansin niya sa isang malakas na sigaw ng kanyang pangalan. Nang tignan niya kung saan galing ang boses na ‘yon ay nakita niya ang kanyang dalawang kaibigan. Parehas ‘tong nasa gilid ng entrance at kumakaway sa kanyang pwesto. Napangiti si Mj, patakbo itong lumapit sa dalawang kaibigan at hinayaan na maiwan ang dalawa sa likod niya. Alam niya na kanina pa siya nito sinusundan, hindi niya lamang ‘to sinisita dahil baka sadyang iisa lamang sila ng pupuntahan na building. Hindi din namann ‘yon impossible dahil pare-parehas sila ng course at ang isa pa sa kanila ay student assistant. “Good morning!” nakangiti na bati ni Mj sa dalawa ng makalapit siya sa pwesto ng mga ‘to. Ngunit, imbis na sagutin siya nito ay napako ang tingin ng mga ‘to sa dalawang lalaki na papasok sa entrance ng building. Napahinga ng maluwag si Mj. Mabuti na lamang at hindi niya sinita ang dalawa kundi ay mag-aassume na naman ang isa sa mga lalaki na ‘yon. “Ang ganda naman ng umaga ngayon,” nakangisi na sabi ni Penelope tila nagnining ang kanyang mga mata. “Mabuti nalang at huli na naman pumasok si Luna ngayon, kung hindi ay hindi natin makikita ang magandang tanawin.” Humahagikgik naman na sagot ni Natalie. Nagtataka na tumingin si Mj sa dalawang kaibigan. Matapos nitong maghagikgikan ay saka siya nito lingon at nginitian. “Andyan ka na pala, Mj.” Nakangiti na ani naman ni Natalie bago siya nito inakbayan, “Hindi ka namin na pansin.” Sagot nito. Hindi mapigilan na mapangiwi ni Mj. Sila nga ang tumawag sa kanya at sasabihin na hindi nila na pansin ang kanyang presensya? Tumango-tango na lamang si Mj  at tinignan ang paligid. Madaming studyante kumpara sa school na kanyang kinasanayan pero mas maayos na din ‘yon at tahimik lamang ang kanyang buhay. Hindi nagtagal ay nakarating na din si Luna. Pawis na pawis ‘to na bumaba ng bus sa hindi kalayuan at patakbo na lumapit sa kanila. “Sorry! Late na naman ako,” bungad ni Luna habang hinahabol ang kanyang hinihinga. “Ayos lang, sanay na kami na palagi kang late.” Sagot ni Natalie dito. Pasimple na binuksan ni Mj ang kanyang bag mula sa likuran at kinuha ang isang bote ng tubig at iniabot kay Luna. “Magpahinga ka muna bago tayo umakyat.” Aniya. “Salamat, bakla.” Pasasalamat ni Luna bago ininom ang tubig na ibinigay sa kanya. Habang umiinom si Luna sa harap nila ay pinapaypayan naman ito ni Natalie at si Penelope naman ay pinupunasan ang mga namumuong pawis mula sa noo nito. Napakunot ang noo ni Mj ng mapansin ang suot ng kasama. Tirik ang araw at maalinsangan ang buong paligid ngunit nakasuot pa din ‘to ng jacket na tumatabon sa kanyang katawan. Hindi din katulad ng dalawa niyang kasama na nakaskirt, si Luna ay nakasuot ng gusot na jogging pants. “Luna, bakit ka nakajacket?” tanong ni Mj sa kanya. Napatigil naman si Luna sa pag-inom nito ng tanungin siya ni Mj. Ngumiti lamang ‘to at napakamot ng kanyang batok. “Trip ko lang.” sagot nito. “Ang lakas naman ng trip mo kung ganon” singit ni Penelope sa kanya. Nagtawanan na lamang sila sa sinagot nito sa kanya. Nang makita nang maayos ang paghinga ni Luna ay pumasok na silang lahat. Nangunguna sa paglalakad ang naghaharutan na si Penelope at Natalie habang silang dalawa naman ni Luna ay nasa likod lamang ng mga ito. Si Mj naman ay patuloy ang pagsulyap sa kanyang katabi. Impossible na trip lamang ‘yon ni Luna, pansin niya din ng tinanong niya ito patungkol sa jacket na suot ay tila nagulat ito at napaiwas ng tingin. Pare-parehas silang pumasok sa loob ng room at na upo sa pinakadulo na row ng mga umupuan kung saan ay may anim na bakante. “Siya ‘yon?” tanong ng isang babae habang nakatingin sa pwesto ni Mj. “Oo, hindi pa naman sigurado.” Sagot pa ng mga kasama nito. Lumagpas ang paningin ni Prestine sa dalawang nag-uusap, dire-diretso lamang ‘to na naupo sa bakanteng row kung saan may agwat ang pagitan ng upuan nilang dalawa ni Luna. Nakalagay kasi dito ang bag nilang apat. “Mj, ang tahimik mo ata ngayon?” sita ni Penelope sa kanya. “Hindi ka pa na sanay sa kanya?” tanong naman ni Natalie kay Penelope bago tumingin din sa pwesto niya, “Alam mo naman na hindi magsasalita ang isang ‘yan hanggat hindi mo inuuhan.” Dagdag pa nito. Ngunit, imbis na balingan ang dalawa ay tinignan niya naman si Luna. Seryoso ‘to at nakatulala habang malalim ang iniisip, mukhang hindi din nito namalayan na nag-iingay na sa kanyang paligid ang mga kaibigan. “Luna, hindi ka ba naiinitan?” tanong ni Mj muli kay Luna. “Huwag ka mag-aalala, Mj. Ayos lang ako, tsaka medyo masama ang pakiramdam ko kaya kailangan ko na ilabas ang mga pawis sa katawan.” Sagot ni Luna sa kanya na nakangiti na sa kanya. Napatango na lamang si Mj sa sinagot nito sa kanya. Pero hindi pa din mapanatag ang kalooban ni Mj para sa kaibigan, ayaw niya din naman ‘to kulitin pa kaya naman ay hinayaan niya na lamang ‘to at hindi na nagtanong patungkol sa suot nito. “Mj, pahiram naman ako ng phone mo.” Ani ni Penelope habang nakalapat ang kamay nito sa kanyang harapan. “Please?” pakiusap pa nito. Inilabas ni Mj ang phone niya at iniabot ‘to kay Penelope. Wala ‘tong ibang kinalikot sa phone niya at diniretso nito sa camera. Napailing na lamang si Mj dito at hinayaan na kumuha ‘to ng mga selfie, minsan ay sinasama pa silang dalawa ni Luna. “Ang ganda talaga ng phone mo, Mj.” Puri ni Natalie, “Huwag mong kakalimutan na isend sa groupchat natin ang mga pictures ah?” sabay kindat pa nito. Tumango si Mj sa kanila. Habang naghihintay ng prof ay isa-isa na din nagdadatingan ang mga kasama nila sa klase. May Irregular na pumapasok at may iilan naman na regular katulad nilang apat. Iub-ob na sana ni Mj ang kanyang ulo ng may maupo sa kanyang kanan. “Hi, Miss. Nagkita ulit tayo,” ani ng pamilyar na boses. Nang lingunin niya ‘yon ay bumungad sa kanya si Kai. Ang lalaki na nakakita sa kanya sa rooftop na nanunuod sa ganap mula doon. Hindi niya ‘yon pinansin at inilagay na lamang ang earphone sa kanyang tenga. “Hi. Pwede ba pakiusog ng mga bag?” tanong naman ng isa na nasa kaliwa niya. Nang itaas niya muli ang kanyang paningin ay bumungad sa kanya ang seryoso na lalaki. Ang lalaki na ‘yon ay walang iba kundi si Adrian. Ngunit, hindi katulad ng araw na tinulungan siya nito ay malamig ang lumalabas mula sa mga mata nito. “Ah, o-okay!” sagot ni Penelope na nagnining ang kanyang mga mata. Kinuha ng mga kasama niya ang bag na nakalagay sa upuan at inilipat ‘to sa sahig sa kanilang harapan. Luna ay kita din ang maliit na ngiti, natutuwa dahil sa dalawang naggwagwapuhan na lalaki ang nakiupo sa kanilang apat. “Excuse me,” agaw niya sa atensyon ng lalaki na nasa kanyang kaliwa, “Pwede ba na makipagpalit sa ‘yo ng pwesto?” maayos na tanong nito. Tumingin naman sa kanya ito ng ilang Segundo bago umiling. “Andyan na ang prof, kung ayaw mo mapalagitan ay mas mabuti ng magstay.” Malamig na sagot nito bago ibinalik ang paningin nito mula sa harapan. Tila naman napagbagsakan ng langit at lupa si Mj. Ayaw niya na malapit sa mga lalaki, kahit nga ay maging katabi lamang ‘to ay nakakaramdam na siya ng pagkailang.  Walang magawa si Mj kundi ang ibalik na lamang ang kanyang paningin sa harapan. Muling inabot sa kanya ni Penelope ang cellphone niya pabalik at tinanggal niya na din ang  earpods sa kanyang tenga. “Ang galing mo pala magpanggap.” Bulong sa kanya ng katabi na si Kai. Tila naman nabuhasan ng malamig na tubig si Mj sa sinabi nito. Nilingon niya ang binata at nakangisi ‘to sa kanya  habang iiba din ang tingin. “A-anong pinagsasabi mo?” tanong niya dito. Hindi maari na malaman nito ang tunay niyang pagkatao. Dahil kung lalabas ‘to una palang ay parang balewala din ang ginawa niyang pag-alis sa kanilang bayan para makapag-aral at magbagong buhay sa Sitio Far Away. “Chill.” Natatawang sagot nito bago inilapit ang mukha nito sa tenga niya, “Nalaman ko na walang tugtog ang earpods mo. Bukod sa hindi ‘yon naka-on ay hindi din nakabukas ang Bluetooth sa phone mo. Kanina, una palang ay display lang ang earpods na ‘yan sa tenga mo.” Nakangisi muli na sabi nito. Tila nakahinga naman ng maluwag si MJ sa sinabi nito. Akala niya ay—mas mabuti na din na ‘yon lang ang na pansin niya. Pumasok ang isang matandang prof at tumahimik na ang lahat. Mukha ‘tong terror sa unang tingin dahil sa halos magkadikit nitong kilay. “Kung saan kayo nakaupo ay doon na kayo uupo hanggang sa matapos ang klase ko.” Anunsyo na walang bati-bati bago iniabot ang isang papel mula sa isang gilid, “At sa bawat row, kayo ang magkakagroup buong sem.” Dagdag pa nito. Rinig niya ang pagrereak ni Luna. Tila masaya ‘to sa naging anunsyo ng matanda mula sa harap. “Ibibigay ko ang report niyo. Gusto ko ay pag-aralan niyo ng mabuti ang bawat salita, bawat sentence, o kahit anong kahulugan. Dahil kung hindi,” tigil nito bago malakas na hinampas ang makapal na libro niya sa lamesa. “Wala ng saysay ang pagpasok niyo sa buong sem na ‘to dahil babagsak din naman kayo.” Tila bumilis ang t***k ng puso ni Mj sa sinabi nito. Ibig sabihin kung isa sa kanila ang hindi makasagot sa tanong niya ay siguradong maapektuhan ang grado nilang lahat. At ang hindi makakasagot ay tuluyan ng babagsak. “Bakit ba ang malas natin?” dinig niyang sabi ni Kai.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD