THE HEIRESS 07

2163 Words
HEIRESS 07: INTERESTING. Pagpasok na pagpasok ni MJ sa loob ng kanyang apartment ay agad niyang ibinagsak ang kanyang sarili mula sa sofa. Tamad na tamad ‘tong ibinababa ang kanyang bag mula sa sahig at ipinikit ang kayang mga mata. Ngayon lamang siya nakaramdam ng pagod at antok sa buong araw na ‘yon. Kumakalam na din ang kanyang sikmura sa gutom dahil sa hindi muna ito kumain sa labas dahil sa nagtitipid na si Luna. Hindi niya naman masisi ang dalaga. Naiintindihan niya ang kalagayan nito na kailangan magtipid para sa kanyang kinabukasan. Tiniis niya ang hindi gumastos at tumingin na lamang sa dalawa habang kumakain ang mga ‘to ng kung ano-ano. Hindi din niya maiwasan ang humanga sa mga ‘to, tanggap nila sa isa’t-isa ang mga bagay na kung saan sila mahihina. Kung wala ang isa ay hinahatian nila, hindi big deal sa kanila ang bagay na kung ano ang meron ka at wala ka. Napahugot nang malalim na buntong hininga si MJ at itinayo ang tamad na tamad na katawan mula sa sofa. Pumasok siya sa kusina at nag-umpisang magluto ng kanyang hapunan. Hindi katulad ng umaga ay naisipan nitong magluto ng pritong manok na kakasya lamang sa kanya. Habang hinihintay na maluto ay muling pumasok sa kanyang isip ang napagkasunduan nilang apat. Ang pagpunta sa bahay ni Natalie para doon gumawa ng kanilang report. Alam niya na mapapalayo siya, pwedeng-pwede niya naman na alukin ang mga ‘to na sa apartment niya na lamang dahil ‘yon ang mas malapit sa kanilang paaralan. Ngunit, sa kagustuhan na mas lalong makilala ang tatlo ay hinayaan na lamang niya ang mga ito na magpasya. Kinuha niya ang kanyang cellphone, tinanggal nito ang pagkakasilent at  dumiretso ang pagkakaconnect ng wifi mula dito. Isa-isang pumasok ang mga mensahe mula sa kanyang messenger, sunod-sunod ang mga ‘yon at isa na sa mga nangunguna ay ang groupchat ng klase nila. Agad na minute niya ‘yon at binuksan ito. Isa-isa niyang binasa ang mga mensahe at ang halos lahat ng ‘yon ay ang pakikipagpapakilala. Isa na din sa nangunguna ay ang mga lalaki sa kanilang klase. At ang sunod niyang binuksan ay ang groupchat na may katagalan na. Bumungad sa kanya ang usapan ng tatlo, nakauwi na si Natalie at Penelope habang si Luna naman ay nanatali pa din sa kanyang byahe. Nagsend din ‘to siya ng mensahe dito na nakauwi na din sa kanyang apartment. Nang makita niya na nakaonline ang kanyang ina ay agad niya ‘tong tinawagan. Sinagot naman siya nito matapos ang ilang ring, bumungad sa kanya ang ina na busy sa pag-aayos ng mga papel na nakakalat mula sa lamesa. “Good evening, mama. Nakauwi na po ‘ko at nagluluto na din po.” Nakangiti na bati ni MJ sa ina. “Kamusta ang first day, anak?” tanong nito sa kanya. “Maayos naman po, ma. May nakilala po ako na mga bagong makakasama, sobrang simple lang po nila at mabilis na mapakisamahan.” Ani nito bago kumuha ng tong at kinuha ang kanyang niluluto na manok, “Kaso po ay natatakot ako na maattach sa kanila ng sobra.” Pahabol niya. “Anak, iniisip mo pa din ba ang mga dati mong kaibigan?” tanong ng ginang sa anak. Tumango si MJ. Hindi niya makuhang magsinungaling sa ina, wala din siyang masabihan ng kanyang nasa isip kundi ito lamang. Ito lang din ang nag-iisang totoo sa kanya at alam niya na hinding-hindi siya nito iiwan katulad ng iba. “Hindi ko po maiwasan na isipin ‘yon. Ayaw ko na maulit po ang nangyari dati,” ramdam ang lungkot sa tono nito. “Anak, kung ginawa sa ‘yo ng iba ay hindi ibig sabihin ay lahat ganon na. Huwag kang matakot na magtiwala sa iba, hindi lahat ay katulad ng mga dati mong kaibigan. Kung gagawin nila ‘yon, sasaktan ka din nila at sisirain ang tiwala mo ay sila na ang may mali sa bagay na ‘yon.” Payo ng kanyang ina bago ngumiti, “Papagalingin ka ng oras, anak. Isa na din doon ang mga bago na papasok sa buhay mo.” Dagdag pa nito. Tumango si MJ at saka na upo sa harap ng hapagkainan. “Ma, alam mo po ba ay ang mga kasamahan ko sa room ngayon ay mga independent po. Ang iba sa kanila ay nagtratrabaho para lang makapag-aral, ang iba naman po ay seryoso na sa buhay.” Kwento nito. “Natural na ‘yan, anak.” Sagot ng kanyang ina, “Mag-iingat ka dyan, wala si mama sa tabi mo para ipagtanggol ka sa iba.” “Opo, ma.” Tango-tango nitong sagot, “Ma, paaalam po sana ako. May groupings po kami at sa bahay po ng isa kong kaklase kami pupunta. Pwede po ba?” tanong niya. “Oo naman, anak. May tiwala ako sa ‘yo pero huwag masyadong magpapagabi sa daan, walang magsusundo sa’yo kung sakasakali na wala kang masasakyan. At isa pa, kung sasakay ka ng Taxi o grab ay tignan mo ang plate number bago isend kay mama.” Sagot nito sa kanya. “Thank you, ma!” nakangiti na pasasalamat ni MJ. Nagpaalam na siya na kakain na at ganon din ang kanyang ina. Mag-isa ‘tong kumain habang nanunuod ng Chinese Drama na kanyang paboritong panuorin. Natapos niya ang kanyang pinapanuod at kasabay din nito ang kanyang pagkain ng hapunan, matyaga siyang naghugas ng plato at inayos ang kusina. Nang wala na ‘tong magawa ay naglinis na siya ng kanyang katawan. Inaayos niya na ang mga kanyang kailangan na ipasang assignment sa lahat ng subject at pati na din ang mag-advance study sa mga kinabukasan na subject. “Eleven na pala,” bulong niya sa sarili ng mapansin ang oras. Isa-isa niyang inayos ang mga gamit na nakakalat sa lamesa, isinara niya ang laptop kung saan nakalagay ang PPT na para sa report sa SWOT analysis. Tinapos niya na ‘yon ng sa sarili niya, incase lamang na walang magawa ang kanyang groupo sa bahay nila Natalie. Inayos niya na din ang lahat ng kanyang gagamitin mula sa susuotin sa kinabukasan pati na din sa bag. “At ikaw, pinasakit mo ang ulo ko kanina.” Kausap niya sa coinpurse na nakaiwan niya ng umaga. Nilingon niya ang isang bote na kanyang inilabas mula sa kanyang bag. Ang C2 na iniabot sa kanya senior high at hindi niya matukoy kung sino ang nagbigay. Malinis naman ‘yon at nakaseal pa pero siya sanay na kumain ng mga bigay ng hindi niya kakilala. Nang matapos niya na ang gagawin ay nahiga na ‘to sa kanyang higaan. Ilang minuto siyang nakahiga ngunit hindi pa din siya dinadalaw ng antok at nanatiling dilat ang kanyang mga mata. Naisipan na lamang niya ang magpunta sa rooftop ng apartment ng kanyang tinitirahan. Isang mataas na building kung saan nakapwesto ang kanyang apartment. Para itong condominium, sa normal na studyante ay mahal na ang pag-upa dito pero dahil sa sitwasyon niya ay wala na siyang ibang iintindihin dahil sa binili na ‘yon ng kanyang mga magulang. Tahimik siyang naglalakad mula sa hallway, wala ng tao at sarado na ang pinto sa lahat ng kwarto. Sumakay siya sa loob ng elevator na maghahatid sa kanya habang sa pinakatuktok. Mag-isa lamang siya, hindi siya natatakot sa possibleng makita . Ang kanyang isipan ay nanatiling blanko hanggang sa makababa na siya sa huling palapag. Sa isang hagdan ay tahimik lamang ‘tong naglalakad. Bubuksan niya na sana ang pinto ng rooftop ng makita niya nakaawang ‘to at mula sa taas ay may babae na umiiyak. Dala ng kuryusidad ay sinilip niya kung ano ang nangyayari sa lugar na ‘yon. Bumungad sa kanya ang isang lalaki na nakatalikod sa kanyang pwesto at ang babae naman ay nanataling umiiyak. Mukhang nag-uusap ang mga ‘yon at may tila hindi napagkakasunduan. “Alam mo na mahal kita, simula pa lang ng mga bata tayo ay wala ng ibang nasa isip kundi ikaw lang! Bakit ba hirap na hirap kang tanggapin ang pagmamahal ko, mahirap ba akong mahalin, huh,  Adrian?!” puno na paghihinagpis na tanong ng babae habang patuloy pa din ‘tong umiiyak. Tumaas ang kilay ni MJ sa kanyang pwesto ng marinig ang sinabi ng babae. Sa pinapanuod niya lamang nakikita ang ganong mga bagay, pero ngayon ay nasa mismong harapan niya at live na live. “Alam mo din na hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo,” sagot ng isang pamilyar na boses. “Ayos lang! Handa akong maghintay hanggang sa matutunan mo na ‘kong mahalin, hanggang sa matanggap mo na ‘ko.” Sagot ng babae. “Sorry,” sagot ng lalaki bago tumalikod na sa babaeng kausap, “Tapos na ang pag-uusap natin. Alam mo na wala akong gusto sa ‘yo at hindi ako interesado. Kaya hangga ‘t sa maari ay tigilan mo na ang pagpapakalat ng balita patungkol sa ating dalawa.” Dagdag pa nito. Akmang lalakad na sana ito papunta sa pinto palabas ng rooftop ng muling sumigaw ang babae na kausap nito. “Paano mo na sabi na ako ang nagpapakalat non?! Wala akong ginagawa, wala akong pinapakalat!” “Hindi ko na kailangan patunayan. Alam mo na ‘yan sa sarili mo at alam mo kung ano talaga ang ginagawa mo.” Sagot nito bago nag-umpisa ng maglakad papunta sa pinto. Ngunit, mabilis na tumakbo papalapit ang babae na kausap nito sa binata at hinila ‘to saka hinalikan dito sa labi. Nagulat si MJ sa ginawa ng babae pero mas gumulantang sa kanya ang sunod na ginawa ng lalaki. Malakas niyang itinulak ang humalik sa kanya dahilan upang malayo ‘to sa kanya at matumba ang babae mula sa sahig. “Mahal na mahal kita,Adrian!” tili ng babae. Hindi na siya sinagot ng lalaki at naglakad na ‘to papunta sa pinto. Habang palapit ng palapit naman ‘to sa pinto ay mas lumilinaw ang mukha ng binata sa kanyang paningin. ‘Yon ang lalaking nagbayad sa bus fare niya ng umaga! Malakas na pasara niya ang pinto sa gulat sa kanyang nakita. Nakaramdam ng pagkataranta si MJ sa kanyang pwesto. Akmang tatakbo na ‘to papaalis sa kanyang pwesto ng mabangga niya ang isang lalaki sa kanyang harap. “Tapos ka na manuod?” mapang-asar na tanong ng lalaking nabangga. Nang tignan niya kung sino ‘yon ay siya ang lalaking pinapapatantasyahan nila Natalie. Si Kai na dating nangunguna sa exam ng Far Away University. Hindi niya namalayan na nasa likod niya na ang binata dahil sa sobrang focus nito as panunuod. “A-anong ginagawa mo dito?” tanong ni Mj sa kanya na nanlalaki ang mga mata. “Ikaw ang dapat tanungin ko ng bagay na ‘yan. Ano ang ginagawa mo dito?” pagbabalik niya ng tanong sa dalaga. Hindi na makasagot ang dalaga ng madinig ang pagtunog ng pinto mula sa rooftop na animo ay may lalabas. “Anong ginagawa mo?!” tanong sa kanya ng binata ng kuhain niya ang pulsuhan nito at mabilis na tumakbo papunta sa isang Fire Exit. Hingal at malakas ang kabog ng dibdib ni MJ ng maisara niya ang Fire Exit habang hila-hila pa din ang pulsuhan ng binata. Nang makalayo na sila ay saka lamang huminto si MJ at hinawakan ang kanyang dibdib ng makaramdam ang paninikip non dahil sa pagod. “Muntik na tayo doon!” sabi niya habang hinihabol ang kanyang hininga. Nagtataka na tumingin sa kanya ang kasama at kumunot ang noo nito sa sinabi ng dalaga. “Tayo?” tanong niya dito. “Sino pa ba?” tanong sa kanya pabalik nito, “Ikaw lang naman ang kasama ko dito.” Dagdag pa nito. Napangisi ang binata na si Kai. Unti-unti siyang lumapit sa dalaga hanggang sa tuluyan na mabangga ang likod nito sa pader. Inilagay niya ang kanyang braso mula sa magkabilaan ng dalaga at animo ‘y na trap na ‘to sa kanyang dalawang braso. “Ganito ba ang paraan mo para mapansin kita, Miss?” tanong ni Kai sa dalaga at inilapit nito ang kanyang mukha sa dalaga na nakangisi, “Mukhang nagtagumpay ka sa pagkakataon na ‘to.” Dagdag nito. Sumimangot naman si MJ sa sinabi nito at tumaas ang kilay. Hindi niya malaman kung ano ang sinasabi ng lalaki na nasa harap niya. “Kuhain ang atensyon mo? Bakit, sino ka ba?” tanong sa kanya pabalik ni Prestine at lumusot mula sa ilalim ng braso ni Kai. “Masyado kang proud sa sarili mo.” Sagot pa nito bago tinalikuran ang binata. Naiwan mag-isa si Kai sa loob ng Fire Exit habang hinatid ng kanyang tingin ang dalaga hanggang sa makalabas ‘to ng pinto. Mahina siyang napatawa, pinunasan niya ang kanyang noo na may namumuong pawis at inayos ang kanyang buhok. “Interesting.” Nakangisi na sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD